Chapter I: Chances Are

97 5 0
                                    

Masaya ako sa buhay ko, biniyayaan ako ng Panginoon ng sobrang mapagmahal at maunawain na magulang, mga mababait na kamag-anak at kaibigan at higit sa lahat ay binigay Niya sa akin si Kert, ang boyfriend ko na mayaman, matalino, mabait at ubod ng gwapo. Limang taon na kami at sa limang taon na naging kami, naramdaman ko kung paano mahalin ng isang lalaki na handang ibigay lahat-lahat para lang mapasaya ako. Kaya ano pa ang hahanapin ko sa buhay ko?

Kaya lang everything was fine then...

Till I had my 19th birthday...

Gaya ng nakagawian, sa Baguio na naman ipinagdiwang ang aking kaarawan, nandoon ang best friend ko, si Kert, mga kamag-anak at mga kaibigan. Gaya ng mga nakaraan ko na kaarawan, isang buong araw na naman ito na puno ng kasiyahan. Madaling araw pa lang ay nagtipon na lahat ng sasama sa bahay para makarating ng maaga sa Baguio at doon na mag-aalmusal. Get together na naman ng mga oldies - yong mga aunt at mga uncle ko. Masaya kaming kumakain dahil sa walang tigil na kwentuhan, asaran, gaya ng pang-aasar nila sa amin ni Kert kung kailan daw ba ang "sakalan" na ikinamumula ko naman sa hiya at ang walang katapusang tawanan.

After naming kumain ng tanghalian ay nauna ng nagpaalam si Kert, pumunta lang siya dito to be with me and my family on that special day at ibigay ang kanyang gift dahil marami pa siyang gagawing project sa school nila. Medyo nalungkot ako pero napag-usapan na namin ito, that he can't spend the whole day kasi masyado siyang busy sa school in which wala akong magagawa. After naming magkausap sandali ay hinatid ko na siya sa kanyang sasakyan with my best friend Jen at umalis na nga siya pabalik sa Manila.

Pagkabalik namin ni Jen ay wala pa ring tigil sa pagkukwentuhan ang mga tao doon, ang iba naman ay busy sa kakakuha ng mga picture at habang nagpapawala pa ng busog bago simulan ang game na inihanda ni Mommy ay nagkakantahan muna ang may mga magagaling na boses. Matapos makapagpahinga sandali after lunch ay nagsimula na ang mga palarong hinanda ni Mommy, doon ko lang napansin na may mga nandito pala na hindi ko kakilala pero nawala na rin sa isip ko dahil sa sobrang enjoy sa mga games. Hanggang sa dumidilim na at itinigil na ang mga ito at idinaos na ang dinner at isa-isa ng nagpaalam ang mga dumalo matapos noon.

"Oi Jen baka nakalimutan mo 'yong usapan natin that you'll stay here with me tonight, bakit nagpapaalam ka na?"

"Oh Jen akala ko may usapan na kayo kaya kinuha ko kayo ng sariling room, alam mo naman 'yang best friend mo" sabat ni Daddy sa pag-uusap namin ni Jen.

"Tito, Tita, Bes pasensya na talaga kaya lang emergency lang talaga kailangan ako sa bahay dahil may biglaang lakad sila Mommy at walang maiiwan sa mga kapatid ko. Pinsan ko na lang po ang papasamahin ko kay Bes Tito kasi wala naman siyang lakad at nagbabakasyon lang din naman siya dito kung okay lang sa inyo at kay bes?" pagpapaumanhing sagot ni Jen kay Daddy.

"Sure ka ba na you are staying with us tonight? 'Di ka ba hahanapin sa inyo?" ang nag-aalalang tanong ni Mommy sa pinsan ni Jen.

"Yes Tita okay lang po, naipagpaalam ko na po siya kay Aunty at Uncle na mag overnight kami dito kaya lang hindi ako matutuloy kaya maiwan na lang din siya para may kasama si Jen. Pasensya na po talaga" sagot na naman ni Jen na hindi na pinagsalita ang tinatanong ni Mommy.

"Sige Bes ingat ka na lang sa pagmamaneho ha gabi na, sunod ka na lang sa kanila sa daan, tawagan mo na lang ako 'pag nakarating ka na." may halong pagkadismaya na pagpapaalam ko kay Jen sabay beso-beso at nagpaalam na rin ako sa mga kamag-anak at iba ko pang kaibigan na uuwi pa sa Manila.

A Love to Last a LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon