Chapter IX: Surprises

35 2 0
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw, nagkaroon na rin ako ng lakas na loob na harapin si Kert... kung ano man ang mga sinabi ko sa kanya para matanggap niya ang paghihiwalay namin na hindi siya masaktan ay hindi ko na alam. Ngayon tanggap na niya at balik magkaibigan na lang kami at ang tanging nakakaalam lang ng relasyon namin ay ang parents ni Ivy at ang bestfriend kong si Jen. Nag-aral si Ivy sa pinapasukan kong unibersidad, ngayon may dalawa na akong bestfriend, lagi kaming magkasamang tatlo and most of the time eighther overynight ako kina Ivy or siya naman sa amin. Sa isang tulad ni Ivy, madali nga akong nahulog sa kanya, isang tao na sobrang sweet, head over heels in love sa akin, walang ibang hinahangad kundi ang kaligayahan ko, ang makitang masaya ako, laging sumusuporta sa ano man ang pangarap ko at nirerespeto ang disisyon ko. Mahal ko na siya, mahal na mahal. After my last class ay nakaabang na siya sa labas ng classroom, sabay kaming nagtungo sa parking lot, pagkasakay sa kotse ay piniringan n'ya agad ang aking mga mata ng panyo.
"Mahal? Anong ibig sabihin nito?" tanong ko sa kanya.
"Nothing mahal, just don't remove that handkerchief until I'll tell you to do so"
"Ahuh... ano na naman 'tong kalokohan mong ito?" pagdududa ko.
"Told you it's nothing mahal, just relax or better take a nap"
Kahit 'di man niya sabihin na magtake ako ng nap ay gagawin ko talaga iyon dahil puyat ako sa pagrereview kagabi for a long quiz. 'Di nga nagtagal ay hinayaan ko ng tangayin ako ng antok.
"Mahal, wake-up, just told you to take a nap not to sleep... we're already here but please don't remove it yet"
Bumaba siya, sinara ang pinto at binuksan niya ang sa akin at inalalayan akong makababa.
"Saan na ba tayo?" tanong ko.
"It's a secret, we're almost there, just a few more steps"
Huminto na kami at tinanggal na niya ang panyo, napatunganga na lang ako, nasa fave place ko kami, same place noong inupuan namin dati kung saan nagtapat siya ng nararamdaman niya. Nakahilirang mga kandila on our way sa inupuan namin dati, at sa place na iyon ay napalibutan ng kandila na naka-form ng heart, hinawakan niya ang kamay ko at nagtungo sa gitna ng heart, nakalatag ang puting tila na may nakakalat na pulang petals ng roses, may bouquet ng white roses na may nakapatong na card, teddy bear na may "I love you", heart shaped cake with "Happy 1st monthsary Mahal" at sa gitna ng heart na design ay may dalawang singsing at may dalawang baso at champagne sa gilid ng cake. Napaluha na lang ako, don't know what to say, never expected this... actually wala sa isip ko na monthsary namin. Nasa likuran ko siya nakayakap sa akin, hinarap niya ako sa kanya, pinunasan ang luha sa aking mga pisngi.
"I love you very much Pau, happy first monthsary" at hinalikan niya ako ng marahan pagkatapos ay inalalayang makaupo."I love you Mahal" sagot ko sa kanya at sa totoo lang this was the first time na sinabi ko iyon sa kanya. Kinuha niya ang phone at nagpatugtog ng instrumental na "A Love To Last A Lifetime", kinuha niya ang bulaklak at inabot ito sa akin at binasa ang nakasulat sa card.
"Pau,
You are my life,
my everything...
You are my hope,
the reason of my very being...
I want to spend my whole life with you,
day and night just loving you...
I want to show you how wonderful this world can be,
having you loved by me...
I want to share every dream with you,
and I will gonna make your dreams come true...
I love you from the buttom of my heart,
I will love you 'til its beat would stop...
I promise you that this love of mine,
this love I have for you will surely last a lifetime...
-Ivy"
Matapos niyang basahin iyon ay iniabot niya sa akin ang teddy bear, kinuha ang dalawang singsing na may naka engraved ng pangalan ko at pangalan niya at ang date na naging kami. Binigay niya sa akin ang may pangalan ko, kinuha niya ang kamay ko at ipinasok sa ring finger ang singsing na nakalagay ang pangalan niya at kinuha ko rin ang kamay niya at isinuot ang hawak kong singsing. Kumuha siya sa cake at sinubuan ako, kumaha rin ako ng cake at siya naman ang sinubuan ko. Binuksan niya ang champagne at nagsalang sa dalawang baso, nag cheers kami for the love that we'll be sharing at ininom ito. And again, sino ba ako para hindi ma in-love sa isang katulad niya kahit pa siguro babae siya.
"I love you very much mahal, thanks for this wonderful evening, this will surely be the most unforgettable one, malulunod na ako sa pagmamahal mo, nilalanggam na ako sa sweetness mo... Thank you for the love that you have given me and I am sorry na nawala sa isip ko ang araw na..." di ko na naituloy ang sasabihin ko dahil hinalikan na niya ako. Matagal din kami doon, nakaupo, magkayakap, nakatingin sa amphitheater. Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin, hinawakan ang kamay ko "Sorry... may isang bagay ako na hindi matutupad sa mga pangarap mo... I can't give you your dream wedding, I can't marry you in this place but I would be happy to marry you anywhere else in the world that will legalize our marriage. Really do wanna spend the rest of my life with you mahal."
Hindi ako nakatugan sa sinabi niya, bata pa lang ako pangarap ko na iyon and now parang maglalaho na ito,  hindi ko maitago ang lungkot sa aking mukha at siguro ay napansin niya iyon.
"Pau let's go malamig na, we have to sleep early, babyahe pa tayo ng maaga at may pasok pa tayo bukas."
Unti-unti naming niligpit ang mga gamit at nilagay sa kotse.
"Mahal sino ang nag set-up nito? Kasi pagkarating natin ay nakaayos na ang lahat."
"Ah it's all thanks to ate Jen, I owe her big time for this."
Kaya pala hindi ko nakita si Bes at kaya din pala hindi man lang nagparamdam ay abala pala. Nasa cottage na kami, pagbukas niya ng pinto ay puno na naman ng scented candles ang room at nagkalat ang petals sa sahig at sa pinto pa lang ay rinig na ang mellow music. Pagkasara ng pinto ay hinalikan na agad niya ako, after we made love ay natulog na kami dahil maaga pang gigising kinabukasan. On our way back hawak niya ang kamay ko habang nagmamaniho, naalala ko ang I7 sa bracelet na bigay niya nong birthday ko.
"Mahal, what's i7?"
"Haha, it's my way of telling you that I love you without you knowing it... it is I love you... 8 letter words, less "I" so that would be 7 letters remaning... 8 is commonly used for I love you kaya para 'di halata, I used i7... haha..."
"Ah ganon pala yon... at basta mo na lang sinuot sa akin noh without my permission... haha..."
So every 10th of the month nakagawian na naming pumunta sa Baguio, sobrang bilis lumipas ng panahon, at sa paglipas ng mga araw, minsan ay mabibigla na lang ako sa mga surpresa ng isang romantic ko na girlfriend, sending flowers, cards, chocolates, stuffed toys at kung ano-ano pa out of the blue, nagbabasa minsan ng gawa niyang poem para sa akin in front of the crowd of course 'di nila alam para sa akin iyon, nagpapadala ng mga poems para sa akin, bigla na lang magluluto sa bahay para daw mapalapit ang loob ng parents ko sa kanya, pinagbi-bake ako ng sweets, cakes at kung ano-anong kabaliwan niya na mas lalong nagpa-ibig sa akin sa kanya. At kahit magkalayo kami nong nagbakasyon siya sa States ay di ko man lang naramdaman na malayo siya, she always find ways para maipadama sa akin ang pagmamahal niya. Sobrang mahal ko na siya and I don't know what to do pag nawala siya...

A Love to Last a LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon