Chapter VII: Come What May

32 3 0
                                    

Hindi na ako kumatok sa kwarto, pumasok na ako diretso at nakita ko siya doon nag-aayos ng iilang gamit, nagulat ako sa mga nakita ko dahil may mga pictures ako na nasa frame, wall at mirror niya. Nagulat din siya nang nakita niya ako.

"Pau, anong ginagawa mo dito?"

"I just came to say thank you pero I was surprised na ngayon na pala ang alis ninyo."

"Pero nag thank you ka na sa akin kagabi, enough na sa akin 'yon pero salamat na rin at napasyal ka, nakita kita for the last time." malungkot na naman ang mukha niya.

"Well... uhmmm... actually 'di ko alam why I am really here, the whole night ikaw lang ang nasa isip ko at nang gumising ako ay ikaw pa rin ang nasa isip ko at 'di ko alam kung bakit gusto kitang makita, makasama knowing na mali ito, siguro ito 'yong dahilan why... para makapagpaalam na rin ako sa iyo."

"Okay na rin 'to right?" nakayuko lang siya habang sinasabi iyon. "Aalis ako, too far from you at least no need for you to fight what you believed was wrong. Mawawala rin sa isip mo ang mga nasabi ko, makakalimutan mo rin ako it was just 1 night and 1 day."

'Di ko alam pero parang sobrang sumakit ang puso ko sa mga sinabi niya na napaiyak na rin ako thinking na makakalimutan ko 'yong mga nangyari.

Umupo ako sa tabi niya, nakayuko rin. "I remember something, that night you said that you will stay if you'll have one reason...  if you'll have a reason now to stay, would you stay or would you still go?"

Hinawakan niya ang mukha ko at pinaharap sa kanya, tinitigan niya ako sa mata at sinabing "If you could be that reason then I'll stay... here... with you..."

Hindi ko na naman alam ang sasabihin ko 'di ko na nacocontrol ang situation at ang emotion ko... bago sa akin 'to... 'di ko alam ang gagawin. Tumango lang ako after noon ngumiti siya at hinalikan na naman ako sa labi, gently and then it became intense na naghahanap ng tugon sa halik niya na 'yon na hindi ko naibigay. Buti na lang may kumatok sa pinto sabay tawag sa kanya para gumayak na.

"Sandali lang Ma, lalabas na ako." sagot niya sa Mommy niya.
"If you want me to stay then please let me know that you want me." akala ko ay nakaligtas na ako... hinalikan na naman niya ako, gentle pero humihingi ng tugon at gumanti na ako sa halik niya that both our kissing becomes passionate sabay bumitaw kami na habol ang aming hininga at niyaya na niya ako na lumabas na hindi niya bitbit ang kanyang gamit.

Paglabas namin ay si Jen lang ang nandoon nag-aayos ng mga bagahe.
"Ate Jen sila Mama?" tanong nito sa pinsan.
"Nasa room nila may kinuha lang." after ng sagot ni Jen ay umalis na siya iniwan kami ni Jen sa may sasakyan.
"Ano Bes nakapagpaalam ka na kay Ivy?" ngumiti lang ako dahil 'di ko alam kung ano ang isasagot sa kanya. Hanggang ngayon 'di ko pa rin alam kung ano ang gagawin ni Ivy, 'di ko alam kung magpapaiwan siya o sasama. Nakatunganga ako na iniisip ang nangyari kani-kanina lang 'di ko na napansin ang mga sinabi pa ni Bes at natauhan na lang ako noong tinapik niya ako at tinatanong kung sasama ba sa airport kasi handa na ang lahat.

Sumama ako, nakisakay lang sa kanila, nang nasa airport na nagpaalam na si Jen sa Uncle at Aunty niya at kay Ivy, sabay tumawa lang si Ivy at nag paalam din ito sa parents niya at yumakap.

Nilapitan ako ng Mommy ni Ivy sabay ipinagbilin ang anak nila sa akin. "Iha ikaw na ang bahala sa anak namin ha?" niyakap niya ako at hinagkan sa noo at bumaling ang tuon kay Jen. "O Jenny bantayan mong mabuti ang pinsan mo ha at isumbong mo agad sa amin ng Uncle mo 'pag nagloko!" nagulat si Jen 'di inaasahan ang pangyayari at 'di alam kung ano ang isasagot kaya tumango na lang ito.

Ng inihatid ni Ivy ang parents niya para magcheck-in ay masinsinan naman akong kinausap ni Jen, "Bes please tell me kung ano ang nangyari just now?" 'Di ako kumikibo, wala akong maisagot. "Alam mo ba itong pinasok mo?" pagpapatuloy niya. "Paano si Kert?" 'di pa rin ako makasagot... ibang interrogation 'to ah, hindi ko napaghandaan, wala akong maisagot buti na lang dumating si Ivy na nagyaya na umuwi na at aayusin pa daw niya ang mga gamit niya.

Kumapit sa bisig ni Jen si Ivy at nagpatiuna na sila patungong sasakyan habang ako naman ay nakasunod. Hindi ba dapat sa akin siya nakakapit? Pagtataka ko. She seems so casual ano lang ba yong nangyari kanina? Mga tanong ko na 'di ko na naman masagot-sagot.

Habang nasa sasakyan ay magkatabi sila ng pinsan niya, ipinaliwanag niya sa pinsan niya kung bakit hindi siya sumama pabalik sa States na lumalabas na wala akong kinalaman dito. Naniwala naman ang pinsan niya or 'di kaya iyon nga talaga ang dahilan? Na dati pa talaga niyang gustong mag-aral dito sa Pilipinas kaya lang ngayon lang siya nagkalakas loob kasi nasa tamang gulang na siya. Tinaon talaga niya na ngayon sabihin para wala nang magawa ang parents niya.

"Ate Jen sasama ka ba sa bahay o daan ka na namin sa inyo?" nadadaanan kasi ang lugar nila Bes patungo kina Ivy at sa amin na rin.

"Sige daan n'yo na ako kasi pinapauwi agad ako ni Mommy eh. Ikaw Bes tambay ka sa bahay?"

"Bes next time na lang hindi kasi ako nakapagpaalam sa bahay. 'Di nila alam na umalis ako."

Hinatid na namin si Jen sa kanila at nagpaalam na sa isa't-isa. Pagkarating namin sa bahay nila Ivy ay niyaya niya akong pumasok muna sa kanila, tulungan ko raw siyang mag-ayos ng gamit, gusto ko ng umuwi kasi 'di nga ako nakapagpaalam pero hindi ako makahindi sa kanya, gusto ko pa rin siyang makasama.

"Sandali lang ito, after nitong pag-aayos natin ay may pupuntahan tayo at magpapaalam tayo sa inyo mamaya." Sabi niya sa akin na tumango lang ako sa pagsasang-ayon. Hindi ko alam pero feeling ko I am under her spell, lahat ng pinapagawa niya sinusunod ko na hindi ko siya matanggihan.

Habang ibinabalik namin ang mga gamit mula sa bag ay kitang-kita ko na masaya siya, nagmamadali, hindi na inayos mabuti basta maibalik lang at nagyaya na siyang pumunta sa amin para magpaalam.
'Di ko alam ang plano ng babae na 'to, ni hindi man lang sinabi kong saan kami pupunta basta ipinagpaalam lang niya ako sa amin na sa bahay daw nila ako matutulog kasi mag isa lang siya doon, sila Daddy at Mommy naman ay walang problema at pumayag naman ang mga ito.

Along the way ay familiar sa akin ang aming nadadaanan, sa ilang beses ko na ba itong nadadaanan eh malamang kabisado ko na kahit ako na lang mag-isa ang pumunta. Tamang hinala, sa Baguio kami pupunta nito... 'di naman siguro kami liliko sa kung saan-saan... at ano naman ang gagawin namin doon?

Tahimik lang kami, gaya ng dati madadaanan na naman ng barko ang pagitan namin sa likuran ng kotse, parang takot na takot sa isa't-isa at gaya uli ng dati tahimik lang kami, 'di ko pa na absorb lahat ng mga pangyayari, nagugulahan pa rin ako, habang siya ay nakangiti pa rin.

A Love to Last a LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon