Nakagraduate din ako at nakahanap agad ng trabaho malapit sa amin. Wala pa ring masyadong nagbago, kahit nasa Makati lang ako, working as a regular employee sa isang private company, I still had my 2 shadows.
Patuloy pa rin akong naghahanap sa kanya, kahit saan ako magpunta, kahit nasa mall, palingon-lingon ako baka bigla ko siyang makita, I am giving my self something to believe – nagka-amnesia siya, once na nakita ko siya I may be able to help her regain her memory.
Every 10th of the month after my work pag may pasok doon na kami diretso ni 2 shadows at 'pag wala namang pasok from morning till night ulit ako doon.Ilang taon na rin ang lumipas, my habit still goes on, still 'di ako nawalan ng pag-asa, palipat-lipat na ako ng work, palipat-lipat ng place, nakapagtrabaho din ako ng matagal sa Baguio, visited every barangay there kahit nasa tuktok pa ng bundok and my very loyal shadows were with me all of my struggles. But no one had ever seen her, sinubukan na rin naming puntahan ang ilang nalalapit na lungsod pero wala pa rin talaga hanggang napagpasyahan ko na bumalik na lang sa amin.
34 years old na ako ngayon, still haven't moved on and wala akong balak na mag move on, I need to find her... kaya lang sila mommy at daddy ay lagi na akong kinukulit na sumunod na sa kanila sa States. Matagal na sila doon they're staying sa parents ni Ivy, pareho na silang matatanda, si mommy, si daddy, si Tita at Tito, siguro oras na rin na pagbigyan ko sila at si Ivy? Hindi pa rin ako mawawalan ng pag-asa na balang-araw ay magkita rin kaming muli.
Sumunod na ako kina mommy at daddy sa States, sinundo nila akong apat sa airport, kumain kami sa labas at umuwi sa bahay nila Ivy, from now on I will be staying sa room ni Ivy, nabubuhayan na naman ako ng loob having the thought of me staying in Ivy's room at pagkarating ng bahay ay dumiretso na ako sa kwarto namin ni Ivy. Sabi ng mommy niya ay 'di daw nila ginalaw ang pagkakaayos ng mga gamit since last vacation ni Ivy dito at nakatago lang ang ibang gamit galing Pinas sa cabinet.
Mas malala pala ang room niya dito kaysa sa Pinas, she even had a picture of me noong baby pa ako, mga posters ng magaganda kong kuha na nakadikit sa wall, pictures naming dalawa na naka frame, naka stick sa mirror... ang dami kong pictures.
Tiningnan ko ang mga gamit niya galing sa Pinas, may handmade box kung saan nandoon nakalagay lahat ng mga binigay ko sa kanya, she even kept the movie tickets, entrance ticket na mga pinupuntahan namin. Chocolate? This can't be the chocolate I had given her on our first/last valentine's day? Nakawrap pa ng plastic and it is already expired. Hindi man lang niya kinain. Ang 'unti lang pala ng naibigay ko sa kanya, siya kasi ang laging nagbibigay sa akin kahit walang occasion bigla na lang siyang may i-aabot sa akin. Hindi ko napansin ang pagpatak ng mga luha habang hinahalungkat ang mga iyon...Iniwan ko ang paghahanap kay Ivy sa 2 shadows ko, kay mang Ruben at kay mang Andoy. I do trust them, alam ko na kahit nasa malayo ako ay gagawin nila ang kanilang tungkulin bilang my 2 faithful shadows. Every 10th of the month ay kinakausap ko silang dalawa para manghingi ng update at natutuwa ako sa biruan nilang they're having their date daw celebrating their monthsary sa fave place ko from morning till night.
--------------------
Tatlong taon na naman ang lumipas, kailangan kong umuwi ng Pilipinas dahil sa nabalitaan kong pagkamatay ng isa kong shadow, dumalaw ako kina mang Andoy, naabutan ko doon ang isa kong shadow na si mang Ruben, nandoon ang naulilang asawa ni mang Andoy na may kalong na sanggol. Napagkaalaman ko na ang sanggol pala na iyon ay anak ni mang Andoy. Alam kong matagal ng pinangarap ng mag-asawa ang magkaanak, kaya parang anak na rin ang turing sa akin ni mang Andoy at ang asawa nito, alagang-agala ako 'pag nasa kanila. Kaya lang hindi man nakita ni mang Andoy ang nag-iisa niyang anak na lalaki dahil inatake ito habang naghihintay manganak ang kanyang asawa.
Matapos mailibing si mang Andoy ay kinausap ako ng asawa niya, nakiusap na sa akin na lang ang bata dahil matanda na rin siya. Nagdalawang-isip ako at inalok siya ng tulong sa pagpapalaki ng bata bilang utang na loob sa tulong na ginawa ni mang Andoy sa akin subalit tinanggihan niya ito at binigyan ako ng pagkakataon ni aling Marta na pag-isipan muna itong mabuti. Alam ni aling Marta ang pinagdadaanan ko, at tama siya matanda na rin siya 'pag nawala siya sino na lang ang mag-aaruga sa bata?
Kinausap ko ang dalawa kong Mommy at ang dalawa kong Daddy tungkol dito at tuwang-tuwa sila nang malaman na magkaka-baby na sa bahay.Nalakad na ang papers for the adoption at umuwi na ang apat kong magulang para sa binyag ni Prince Nathanniel De Guzman. Ninang ni Prince si Bes at ang nanay nitong si aling Marta, ninong si Kert at si mang Ruben.
Bago kami bumalik sa States ay dinalaw ko ulit si aling Marta inalok ko ulit siya ng tulong subalit tinanggihan ulit niya ito, sapat na daw ang tulong na naibigay ko sa kanila, sa pag kupkop sa anak nila, maging 'yong sa libing ni mang Andoy at sapat na raw ang matatanggap niya buwan-buwan mula sa pension ni mang Andoy na inasikaso ni Daddy nong maging driver ko siya. Natutuwa naman ako kahit papaano at inabutan siya ng envelope kung saan hindi na mamomroblema ang kamag-anak niya kung sakaling mawala siya at kaunting pera na magagamit niya kung sakaling magipit. Napag-usapan din namin ang tungkol sa paghahanap kay Ivy, ngayong wala na si mang Andoy, silang dalawa lang ni mang Ruben ang pinagkatiwalaan ko dito at ngayong wala na siya at tumatanda na si mang Ruben ay hindi ko na alam ang gagawin ko.
Minadali kong pinapunta si mang Ruben kina aling Marta para mapag-usapan ng mabuti ang tungkol sa paghahanap kay Ivy. Habang naghihintay kami sa pagdating ni mang Ruben ay pinakilala ni aling Marta ang pamangkin ni mang Andoy na si Bernard halos ka-edad ko lang siguro siya; bigla kong naalala na minsan ng na-ikwento ni mang Andoy na may pamangkin siyang kasa-kasama nila sa paghahanap. May asawa at anak na si Bernard at kasalukuyang naghahanap ng trabaho, hindi na ako nagdalawang-isip na i-alok sa kanya ang trabaho, natutuwa akong may kasama na ulit si mang Ruben sa paghahanap kay Ivy.
'Di nagtagal ay dumating na rin si mang Ruben na may kasamang lalaki. Pinakilala niya itong anak niya na si Peter na kakaluwas lang sa Manila galing Bicol. Matapos ipakilala niya si Peter ay nakiusap na sa akin si mang Ruben kung pwedeng si Peter na lang ang magtuloy sa paghahanap kay Ivy dahil gusto na niyang umuwi sa Bicol para makapagpahinga dahil matanda na rin siya. Hindi ako makakahindi sa mga taong naging kakampi ko na katulad ko na hindi rin nawawalan ng pag-asang makitang muli si Ivy.
Sa araw na iyon ay ipinagkatiwala na namin ni mang Ruben ang paghahanap kay Ivy kina Peter at Bernard. Inabot ni mang Ruben ang susi nang kotse ko at isang mapa kung saan markado na nila ang mga lugar na napuntahan at napagtanungan nila.
Inasikaso ko na lahat ng kailangan nila Peter at Bernad bilang bodyguard at driver ko.Day before balik namin sa States ay dinalaw ako ng sobrang aga nila mang Ruben, aling Marta, Peter at Bernard nagyayaya ng monthsary date. Nawala sa isip ko kung anong araw na, nagmadali akong nagpaalam kina mommy at daddy at sinama ko si Prince nagpuntang Baguio sa fave place ko. Madali kaming nakarating sa Baguio, nananghalian muna bago nagtungo sa Camp John Hay, nagkwentuhan kami, nagkalokohan tungkol sa monthsary, biniro ni mang Ruben ang asawa ng yumao niyang partner na dito sila laging nagdidate ni mang Andoy kada-ika sampu ng buwan, dito nag-aalmusal, nanananghalian at naghahapunan. At ang papalit sa kanila ay hindi nakaiwas sa kanyang biro na yong dalawa daw na 'yon ay kailangang mag date dito bawat a-diyes ng buwan para i-celebrate ang monthsary.
Pinauna ko muna silang lahat sa sasakyan, naiwan kami ni Prince sa lugar namin ni Ivy, kahit araw-araw ko pa ring naiisip si Ivy, iba pa rin ang nararamdaman ko habang nakaupo sa lugar na ito. Muling nanumbalik ang masasayang ala-ala at ang pait ng kanyang pagkawala.
Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa Ivy, someday, Peter and Bernad will gonna find you...--------------------
My parents passed away by an accident, inuwi namin ang bangkay ni Mommy at Daddy sa Pinas para doon mailibing. My other mommy and daddy (Ivy's Parents) had decided to stay na lang sa Pinas at hindi rin nag tagal after ilang years ay namatay na rin sila sa katandaan at nagpalibing sa tabi ng puntod ni Ivy. At si aling Marta at mang Ruben ay wala na rin sa mundo.
Everytime bago ako bumalik sa states ay nagdiriwang muna ako ng monthasry sa Baguio with Prince, Peter and Bernard... binabalikan ko pa rin ang isang taon ng masasayang ala-ala...50 years old na ako and the search still continues, as long as I live ay hahanapin ko si Ivy and I will never give up. Hindi ko alam kung nalibot na ba nila ang buong Pilipinas sa paghahanap kay Ivy o hindi pa, basta naniniwala akong mahahanap rin ni Michael (pamangkin ni Peter) at Andrew (pamangkin ni Bernard) si Ivy.
Ilang mga taon na naman ang lumipas, my beloved little Prince had now become a man, nakapagtapos na ng pag-aaral, nagtatrabaho na, may asawa na at dalawang anak, babae at lalaki, nakatira sila sa bahay nila Ivy na ngayon ay kanya na. At ako, andito sa Home for the Aged, kagustuhan ko ito, ayaw ni Prince at ipinagpipilitang sa bahay lang ako at kukuha na lang ng mag-aalaga sa akin subalit nag matigas talaga ako at wala na ring nagawa si Prince kundi ang pagbigyan ako.
It is sad to say na hanggang ngayon kahit with the help of the technology ay hindi pa rin nakita si Ivy. For how may decades had passed... wala pa rin si Ivy... at ako ay unti-unti ng nawawalan ng pag-asa.
BINABASA MO ANG
A Love to Last a Lifetime
RomanceHanggang kailan ako maghihintay? Hanggang kailan ako maghahanap? Kakayanin ko pa ba? O ako'y bibigay na? Ilang dekada na rin kasi ang lumipas pero hindi ko pa rin siya nakikita. Pagod na ang aking katawan pero ang puso ko kahit kailan man ay hindi n...