Chapter XV: Finale - The Last Page

47 3 0
                                    

"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you..." isa-isa silang humalik, yumakap sa akin at inabot ang mga bitbit na regalo.
Isang taon na naman ang lumipas, isang taon na naman akong naghintay at umaasang makikita ka pang muli... 76 na taong gulang na ako, nandito na naman ang anak ko, asawa niya at ang dalawa kong apo para ipagdiwang ang isang taon na naman na dumating sa buhay ko... pero sa kaarawan kong ito, sa unti-unting paghina ng katawan ko ay nawawalan na rin ako ng pag-asa sa pagbabakasakaling muli kang makita.
Lumuhod sa harapan ko si Prince, hawak ang dalawa kong kamay "Mom, I know you've waited for this for so long, I've made contact with Michael and Andrew today and they've found Ivy's daughter mom... Today you and I will be flying back to the Philippines..." mangiyak-ngiyak na wika ni Prince habang pinagmamasdan ang unti-unting pagtulo ng aking luha "You can still make it mom right? We're going to meet Ivy's daughter day after tomorrow." ngumiti ako kay Prince, sa asawa nito at sa mga apo ako. Pinunasan ni Prince ang mga nangilid na luha sa aking mukha at niyakap sabay hinalikan ako sa pisnge. Tuwang-tuwa siya sa dala niyang balita para sa akin.
Sa napakatagal na panahon, ngayon na lang uli ako nakatanggap ng napakagandang regalo para sa kaarawan ko kahit sobrang sakit na malaman na may naging anak ang ka-isa-isang tao na minahal ko ng sobra... parang dinurog ang mahina ko ng puso sa sakit sa magandang balita na iyon ng anak ko.

Wala akong itinago kay Prince, lahat-lahat ay ikinwento ko sa kanya, ang mga taong naging bahagi ng buhay ko, ang dalawa niyang lolo at dalawang lola, si Kert, Jen, ang 2 shadows ko at ang kanilalng disciples, ang asawa ng isang shadow na si aling Marta na tunay niyang ina at ang pinakamahalagang tao sa buhay ko na si Ivy.

Nakalabas na kami sa airport, nilapitan namin ni Prince ang dalawang lalaki at isang babae.
"Mom this is Michael the descendant of your shadow mang Ruben and this is Andrew my nephew, descendant of my father, your shadow mang Andoy" makulit na pagpapakilala ni Prince sa dalawang lalaki.
"And she's no other than the daughter of our beloved Ivy, Mom, Dra. Catherene C. Javier... Catherene this is my Mom, Paulene and I am Prince Nathanniel... nice meeting you." inabot niya ang kamay ni Catherene at sunod naman ay ang kay Michael at Andrew. Pagkabitiw ng kamay ni Prince sa kamay ni Catherene ay nakangiti itong lumapit at yumakap sa akin.

Kinuha na ng 2 shadows ang mga gamit namin at inilagay ito sa sasakyan.
Kahit ilang dekada na ang lumipas ay tandang-tanda ko pa rin ang daan patungong Baguio, habang binabaybay namin ang daan ay walang tigil sa pagkwento ang 2 shadows sa kanilang adventure sa paghahanap kay Ivy, at kahit nasaan na sila napadpad ay sinisigurado nilang nasa Baguio sila sa a-diyes ng buwan para ipagdewang ang monthsary.
Nalaman ko na the first shadows had made their search halos sa buong Luzon and the second shadows had made their search sa Visayas at ang kasama namin ngayong shadows ay naglibot sa bawat sulok ng Mindanao. Nakilala nila si Chaterene sa isang napakalayong baryo na nasa tuktok ng bundok nanggagamot sa mga may sakit na halos hindi na abot ng mga tao.

Pagabi na ng makarating kami sa Baguio, kaya iminungkahi ni Prince na maghapunan na at para makapagpahinga ako.
Pagkatapos naming kumain ay nagtungo na kami sa room namin ni Catherene.
Pagkapasok namin ay may kinuha siyang libro sa bag niya at inabot ito sa akin.
"Nakilala ko lang si mama sa diary niya at sa mangilan-ngilang tao na nakakakilala sa kanya, hindi ko siya nakita, wala akong kahit isang larawan niya." malungkot niyang kwento.
"Si papa ay isa sa mga leader ng mga NPA, matapos makidnap ng mga tauhan niya si mama sa Baguio ay dinala na agad nila ito sa kuta ni papa sa Mindanao, malaki ang pabuya na inaalok ng magulang ni mama, subalit hindi pumayag si papa dahil noong una palang niyang nakita si mama ay nagkagusto na siya dito. Kahit nakakulong si mama ay ilang buwan siyang sinuyo ni papa, niligawan, subalit hindi siya pinapansin ni mama hanggang sa hindi na nakapagpigil si papa at ginahasa niya si mama. Isang pagkakamali ni papa na pinagsisisihan niya hanggang sa namatay siya. Isang pagkakamali na magbibigay ng panibagong buhay at pagkawala naman sa tao na sinamba niya.
Habang nagbubuntis sa akin si mama ay wala siyang sapat na kalinga, bumigay ang katawan ni mama at napag-alaman pa nila na mahina ang puso ni mama. Sinubukan nila kaming parehong buhayin ayon sa utos ni papa subalit hindi na talaga kinaya ni mama. Sa kaarawan ko ay nag dadalamhati din si papa. Kung alam lang daw sana niya na ganoon ang mangyayari ay minabuti na lang sana niyang bihagin si mama hanggang sa pagtanda nito subalit huli na ang kanyang pagsisisi.
Kahit muslim si papa ay wala na siyang naging ibang babae maliban lang kay mama, lumaki ako sa piling ni papa na nakikita siya na laging malungkot at kahit na marami pang ibang babae na ipinapakilala sa kanya na dinadala sa bahay namin ay tinatanggihan niya ang mga ito. Naiinis ako sa uri ng buhay meron siya, hindi ko alam kung tama ba ang kanyang pinaglalaban gayong simula pa lang ay mali na ang kanilang ginagawa. Kinamumuhian ko ang ginawa niya kay mama subalit dahil sa kanya, sa pag-aaruga at pagmamahal niya sa akin ay lumaki akong ganito, maraming natutulungang tao.

Sa diary na 'yan ni mama malalaman mo ang nararamdaman niyang pagmamahal at pangungulila sa isang tao at ang buhay niya habang bihag siya ni papa." nangilid na ang luha sa kanyang mga mata.

Habang nagkukwento siya ay pinagmamasdan kong maigi ang kanyang mukha, kahit matanda na siya ay nakikita ko pa rin ang pagkakahawig niya kay Ivy, inisip ko na kung umabot ng ganitong edad si Ivy ay ganitong-ganitong mukha ang makikita ko.

Nilapitan ko si Catherene, inabot ang larawan ng kanyang ina, pinahid ang luha niya at niyakap siya, ramdam ko ang init ni Ivy sa katawan niya. Matagal ko ring nilasap ang sarap ng pakiramdam habang yakap siya subalit hindi na kaya ng matanda kong katawan ang magtagal pa, hinanap na ng mahina kong katawan ang kama para makapagpahinga.
Hinalikan ko siya sa noo at nagtungo na ako sa higaan ko para matulog.

"Catherene, kay tagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Bukas ng umaga pwede mo ba akong samahan sa lugar namin ng mama mo?" tumango lang siyang nakangiti, pinatay ang ilaw at humiga sa tabi ko, nakatulog kami na magkayakap.

--------------------

Habang binabasa niya sa akin ang mga pahina ng diary ni Ivy ay unti-unting bumalik ang ala-ala ko sa nakaraan, kung saan sana magsi-celebrate kami ni Ivy ng first anniversary namin. Nakita kong papalapit si Ivy sa akin, nakangiti, inaabot ang kamay ko, nakasuot siya ng puting dress at ako naman ay bumalik sa bata kong anyo na nakasuot din ng puting dress. May orchestra na tumutugtog at nagkalat naman ang petals ng mga puting rosas sa sinasayawan namin.
"Kay tagal kitang hinanap" wika ko sa kanya.
"Kay tagal kitang hinintay" sagot naman niya sa akin.
"Magkakasama na rin tayo sa wakas" sabi ko ulit na masayang-masaya.
"Oo, hanggang dito sa kabilang-buhay" sabay dampi ng labi niya sa akin.
Nakita ko na lang ang matanda kong katawan na masayang nakahiga sa isang tela na nakalatag sa damuhan sa favorite spot namin ni Ivy at ang anak naman niya ay umiiyak habang patuloy sa pagbabasa ng diary ng kanyang ina na kasayaw ko na ngayon.

-Wakas-

A Love to Last a LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon