Sandali pa lang kami sa taxi ay nakaidlip na siya, siguro dahil sa hindi nga ito nakatulog kagabi... at sumagi na naman sa isip ko ang narinig ko kagabi na nagpapagulo na sa isip ko. Sobrang himbing niya kahit nakaupo lang na natutulog, at wala na naman akong nagawa kundi ang pagmasdan ang maamo niyang mukha habang patungo kami sa fave place ko.
Noong nakarating na kami ay ginising ko na siya, parang wala siyang idea kung nasaan na kami pero nagandahan siya sa natanaw niya. Nag-uuwian na ang mga tao dahil dumidilim na at medyo sumasama na naman ang panahon pero nagtuloy kami, naghanap ng mauupuan kung saan matatanaw namin ang maganda at tahimik na view.
"Bakit ito ang favorite place mo dito?" tanong niya sa akin noong nakaupo na kami sa damuhan at may dinudukot siya sa bulsa niya. "Here, here's my gift for you" inabot niya sa akin ang isang white gold bracelet na may nakaukit na "i7" which is hindi ko naman alam kung anong ibig-sabihin noon. Hinila niya ang kamay ko at inilagay ito sa wrist ko and again without my permission at tinanong ulit sa akin kung bakit ito ang favorite place ko.
"Thanks sa bracelet, nag abala ka pa" di mo man lang tinanong kung gusto kong isuot noh!
"...The reason why I like this place kasi one time, when we had our vacation here, ako lang mag-isa ang napasyal dito noon and that time may ikinasal sa place na yan" tinuro ko ang amphitheater ng Camp John Hay, "it was so romantic kaya dito ko naisip ang dream wedding ko with Kert." sabay tumahimik na naman dahil wala siyang tugon sa sinabi ko. Napansin ko na lang na biglang lumungkot ang masaya niyang mukha kani-kanina lang.Hinawakan na naman niya ang kamay ko, this time for no reason... nagulo na naman ang utak ko at di ko na naman maipaliwanag ang nararamdaman ko. Binawi ko ang kamay ko subalit hinigpitan niya ang paghawak dito.
"Today was the happiest day I had in my entire life" puno nang emosyon niyang binanggit iyon habang nakatingin sa amphitheater.
"Just being with you, talking to you, watching you smile, laugh and share your dreams..." huminga siya ng malalim bago simulan ang susunod niyang sasabihin
"I had loved a person dearly, I am happy with the thoughts of having that person to be a part of my life... but the reality's too painful to bear. I... I had kept this feeling for a year, with just a single thought of that person who had taken my heart. But I could no longer contain it" tahimik lang akong nakikinig sa kanya na pinagmamasdan siya, tumingin siya sa akin na ikinagulat ko, she's crying now.
"Pau, since the day I first saw you, on your 18th birthday, that time you had taken my heart without you knowing it..." I was astounded and the next thing I knew was her lips was already on mine, it was gentle and warm but I pushed her away I never expected it to happen and I never ever imagined myself kissing someone in the same gender."I love you, with all my heart, with all of me from that moment I first saw you. I know that this is wrong, that you might not accept me for what I really am, but please just once let me hug you and tell you how much I love you." Wala akong nasabi, 'di ko alam paano magreact sa situation na 'yon, then she just hugged me tight and she had whispered in my ear that she loves me and she started to sobbed. Hinayaan ko na lang siya, awang-awa ako dahil alam ko na hindi ko masusuklian ang nararamdaman niya para sa akin, tumahimik na rin siya kinalaunan, humingi ng sorry at nagyaya ng umuwi.
Nandoon na pala ang driver namin, kanina pa siyang naghihintay sa amin. Pabalik na sa Manila ay tahimik lang kami, sobrang layo sa isa't-isa ng may tumatawag sa akin. Si Mommy nag-aalala na kasi since we'd parted ay hindi ko na na check ang phone ko, ang daming missed calls and text messages from Bes, Kert, Mommy, Daddy at ng iba pang kaibigan.
Masyado akong nag-enjoy today kaya hindi ko na naisip ang phone ko at ang ibang tao lalo na si Kert at naalala ko na naman ang mga nangyari... kahapon, kagabi at kanina... buong byahe ay naukupa ang isip ko sa mga kaganapan hanggang sa nakarating na kami kina Ivy.
"I enjoyed your company, thanks." pamamaalam ko sa kanya.
"Anytime, same here, I have loads of fun, unforgettable one... take care always okay?" ngumiti siya pero nandoon 'yong lungkot sa mga mata.
BINABASA MO ANG
A Love to Last a Lifetime
RomanceHanggang kailan ako maghihintay? Hanggang kailan ako maghahanap? Kakayanin ko pa ba? O ako'y bibigay na? Ilang dekada na rin kasi ang lumipas pero hindi ko pa rin siya nakikita. Pagod na ang aking katawan pero ang puso ko kahit kailan man ay hindi n...