Hindi ako nagkamali, sa Baguio nga ang bagsak namin, and worst sa fave place ko pa niya ako dinala. Inabutan niya ako ng bulaklak na alam kong pinitas niya lang sa daan habang papunta kung asan kami nakatayo ngayon. Hawak niya ang dalawa kong kamay na nakatingin sa aking mga mata.
"Pau, I have waited for this moment for as long as I can remeber, I never thought that this moment will truly come... I just want this to be perfect just like what you've dreamed... I love you so very much... you'll be the first and last person that I will love with all my heart, with all of me. I promise to comfort you, protect you, love you and only you... Pau Will you be my girlfriend?"
Tama siya, this is what I really dreamed of, and she've just done it as what I wanted it to happen 'yon nga lang 'di ko inaasahan na manggagaling sa isang babae. Sweet words na hindi ko pa narinig, hindi ko alam pero it just bring tears to my eyes, sobrang naramdaman ko ang kanyang pagmamahal that made me so happy. Umiiyak ako na niyakap lang siya.
"Yes" bulong ko sa kanya.
Inabot niya ang aking mukha, hinawi ang mga luha sa aking pisngi at marahang hinagkan ang aking noo, mga mata, pisngi, ilong, baba at ang aking mga labi na tinugunan ko naman. Matagal din kaming nasa ganoong position, nakatayo, kissing intensely at pagkatapos ay habol namin ang aming paghinga.
Nagyaya na siyang maghanap ng mapaglipasan ng gabi at noong nakahanap na ay pinauwi na niya ang kanyang driver at magpapasundo na lang kinabukasan.
Maayos ang napili naming bahay, completo na, may isang kwarto na isa lang ang bed, banyo, sala, kusina at may balcony pa na may magandang tanawin sa labas.
"Pau hindi ka ba nagugutom?" pagtatanong niya sa akin pagkatapos kong libutin ang kabuuhan ng bahay.
"Medyo, saan tayo kakain?"
"Wait I'll just check the fridge if may maluluto ba, what would you want to eat?"
"I'm craving for lasagna but I'm sure that won't be possible"
"Is adobong manok fine with you Pau? Manok lang meron sila"
"Okay lang basta may makain"
"Pahinga ka muna Pau while I'll be preparing our dinner, ako na ang bahala dito"
"Okay" nagtungo ulit ako sa veranda, pinagmasdan ang maliliit na ilaw sa may bandang baba. Iniisip ang mabilis na pangyayari, that was just the other day at ngayon may girlfriend na ako... at si Kert my boyfriend - nawala na talaga siya sa isip ko since I had my birthday.
Si Kert... bigla ko siyang naalala, tiningnan ko ang phone ko, missed calls, sms from mom, dad, bes and Kert.SMS sent to Mom and Dad: Mom, Dad, sorry haven't been carrying my phone but 'di na po ako bata so please stop worrying about me, I'm with Ivy right now. Good night I love you Mom, Dad.
SMS sent to Jen: Bes... kami na
SMS sent to Kert: Kert I am so sorry, for the past few days and daming nangyari and there's only one thing I am sure about... you don't deserve to have someone like me... Sorry... Goodbye... I wish you all the best, take care always.
SMS received from Jen: WHAT? HOW ABOUT KERT? ARE YOU SURE ABOUT THIS BES? PINSAN KO SIYA PERO KAILAN MO LANG SIYA NAKILALA
[Calling Baby]
Tinabi ko ang aking phone, 'di ko siya kayang sagutin, after all that happened, sobrang sakit, I have known him since bata pa ako and now I ended it... just like that... through text... 'di na ako karapat-dapat sa kanya now that I've kissed someone na dapat siya lang sana.
Iniyak ko na lang ang kaguluhan sa isip at ang sakit na nararamdaman ko.
"Pau..." nasa likuran ko si Ivy at niyakap niya ako at hinahalikan ang buhok ko. "Sorry for causing you this pain, I know how much you love him and I am not even sure if what you feel for me is love but I will try to do my best for you to be able to reciprocate my love and to ease the pain you are feeling right now... I love you Pau... very very much" at hinalikan na naman ako sa buhok. Hinawakan ang kamay ko at hinila papuntang kusina para mag dinner na.
Nakapatay ang ilaw sa loob ng bahay at ang tanging liwanag ay and kandila lang na nasa gitna ng dinning table. Nakaayos na ang mga pagkain, nakaayos na ang mga gamit sa table at ang luto niyang adobo ay parang masarap at maayos na maayos itong nakalagay sa bowl. Hinila niya ang upuan ko at inaayos noonh makaupo na ako, sabay upo na rin niya sa kabilang upuan.
"Ganito ka rin ba sa iba mong naging girlfriend?"
"Nope, everything's my first... my first time to be romantic which I never thought I would be... first time courting/asking someone to be my girl... first time cooking for someone... and first time to have a candle light dinner... lahat ng ito ay sa iyo ko lang nagawa at sa iyo ko lang gagawin Pau"
Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko sa tuwa sa mga naririnig, 'di halos makahinga. Nilagyan niya ng kanin ang pinggan ko at ulam.
"Tama na ba iyan o dadagdagan ko pa?"
"Tama na 'to sobrang dami na nito" nahihiya kong tugon. I wonder if may tao na hindi mahuhulog sa isang tao na katulad niya na walang ibang sinasabi kundi puro matatamis na salita at walang ibang ginagawa kundi ang ipadama sa iyo ang nararamdaman niya para sa iyo...
Tahimik kaming kumain, masarap nga ang luto niya at nagdagdag pa ako doon sa una niyang nilagay sa pinggan ko. Pagkatapos naming kumain ay sinindihan na niya ang mga ilaw at pinagayak na niya ako para maligo habang siya naman ay nagliligpit ng pinagkainan namin at hinugasan ito at naglinis sa kusina.
Pagkalabas ko ay nasa sala siya nanonood ng T.V show habang naghihintay matapos ako, pagkatapos ko ay pumasok na agad siya sa banyo walang bitbit na kung ano-ano.
Nasa kwarto na ako, nakabihis na ng pangtulog at siya??? Biglang pumasok sa room, basa at walang takip sa katawan. Lumapit sa akin at kinuha ang towel na nakabalot sa buhok ko at pinangpunas sa basa niyang katawan. Nabigla ako, hubad siyang nagpupunas ng katawan niya sa harapan ko mismo, 'di ko naiwasang mapatingin sa kabuuhan ng kanyang katawan sabay iwas ng tingin dito.
Pagkatapos niyang punasan ang kanyang katawan ay marahang ibinalik sa direksyon niya ang aking mukha, nakita ko na naman ang hubad niyang katawan at napapikit ako, naramdaman ko na lang ang pagdampi ng mainit niyang labi na naghahanap ng tugon sa kanyang halik. I never had experienced a kiss this good, nararamdaman ko ang pag init ng aking katawan habang ang kanyang kamay ay nasa aking dibdib, wala sa aking isip na gumaganti na pala ako sa kanyang mapusok na halik. 'Di ko namalayan na wala na rin pala akong saplot at sa gabing iyon, sa unang pagkakataon ay ibinigay ko ang aking sarili...
BINABASA MO ANG
A Love to Last a Lifetime
Lãng mạnHanggang kailan ako maghihintay? Hanggang kailan ako maghahanap? Kakayanin ko pa ba? O ako'y bibigay na? Ilang dekada na rin kasi ang lumipas pero hindi ko pa rin siya nakikita. Pagod na ang aking katawan pero ang puso ko kahit kailan man ay hindi n...