One SMS sent to Jen: Hi Bes sensya na now lang ako nakapagtext kakarating ko lang sa bahay, Bes kwento ka naman about kay Ivy, she's nice.
Message received from Jen: Okay lang Bes, why asked about her?
Ang daming exchanges ng SMS till I found out that Jen knows about her cousin being a lesbian, na matagal na rin niyang alam na may gusto ito sa akin kasi lagi itong nangungulit na magkwento siya about sa akin noong nasa States pa ito, na ako lang daw ang dahilan bakit gusto niya magbakasyon ulit dito this year, and that everything Ivy had told me was all true.
That night wala na akong ibang inisip kundi si Ivy, si Kert? Since yesterday pa siya hindi sumagi sa isip ko, maliban na lang 'pag napag-uusapan namin ni Ivy.
Hindi ako makatulog that night, 'di siya mawala sa isip ko at ang mga sinabi niya, those kind of romantic words ay hindi ko narinig kay Kert. There's something in me now that's eager to see her, wanted to talk to her the whole day long, something in me that wants to be in that arms again. Ahhhh mali ito it can't be, may Kert na ako na mahal ko at mahal ako at higit sa lahat lalaki hindi babae... tama may Kert na ako... pero habang sinasabi ko iyon ay si Ivy ang nasa isip ko. Nakatulugan ko na lang iyong pagtatalo ng isip at puso ko.
Kinabukasan pagkagising ko, siya na naman agad ang pumasok sa isip ko, gusto ko siyang makita hindi ko alam kung bakit basta gusto ko lang siyang makasama. Naligo agad ako at kumain matapos ay nagpahatid kay manong kina Ivy, hindi ko na alam ang mga pinaggagawa ko that time, sinundan ko lang ang urgency na makita siya... kaya bahala na si batman.
Pagkarating ko doon ay nandoon si Jen at may mga malita na na naghihintay na lang ipasok sa sasakyan.
"Bes? Anong ginagawa mo dito?" pagtataka kong tanong sa kanya.
"Bes hindi ba dapat ako ang magtatanong sa iyo niyan? Anyways ihahatid na namin sila Ivy, aunty at uncle sa airport mamaya."
"Huh?" nagulat ako, hindi kaya ito ang dahilan kung bakit gusto ko talaga siyang makita? Dahil aalis na pala sila ngayon?
"'Di ba iyon naikwento sa iyo ni Ivy yesterday?"
"Hindi Bes, 'di ko alam, nandito lang ako para magpasalamat sa kanya sa pag accompany sa akin kahapon, asan siya?" pagsisinungaling ko.
"Nasa room niya samahan na kita." sabay pinasunod niya ako at itinuro ang kwarto ni Ivy, "Pasok ka lang" tugon niya at nagpaalam ng umalis dahil mag-aayos pa siya sa mga gamit.
"Thanks bes."
BINABASA MO ANG
A Love to Last a Lifetime
RomanceHanggang kailan ako maghihintay? Hanggang kailan ako maghahanap? Kakayanin ko pa ba? O ako'y bibigay na? Ilang dekada na rin kasi ang lumipas pero hindi ko pa rin siya nakikita. Pagod na ang aking katawan pero ang puso ko kahit kailan man ay hindi n...