Natauhan ako, hindi ako makapaniwala that they'll have a funeral para kay Ivy gayong hindi pa nila ito nakita o ang katawan man lang nito.
"This is unbelievable, Tita, Tito how can you decide such stupid action gayong hindi pa nga ninyo alam kung patay o buhay pa iyong tao." pagalit kong tugon sa magulang ni Ivy.
"Iha, hindi mo alam kung anong hirap ang pinagdaanan namin ni Tito mo, lalo na ako na nagsilang sa kanya, hindi mo alam ang sakit na nararamdaman ko trying to be brave pagkaharap ka hoping na makatulong ito sa iyo. Hindi mo alam ang mga pinagdadaanan ng mga tao na nagmamahal kay Ivy at sa iyo all this time dahil tinalikuran mo ang reyalidad..." hindi na nakapagpatuloy ang mommy ni Ivy dahil inawat na ito ni Tito.
Tumayo ako, kumuha ng maisususot, puting polo shirt at black jeans at nagtungo sa banyo. Sa loob ng isang taon ngayon na lang ulit ako naligong mag-isa na walang tulong ng katulong. Nagtagal ako sa banyo hindi makapaniwala sa napagkasunduan nilang lahat. Sasama ako sa libing kung makakabuti ito sa nararamdaman nilang lahat but I won't accept na wala na si Ivy hanggang sa hindi makita ng dalawa kong mata ang patay niyang katawan. I can't forgive everyone sa ginawa nilang ito.
Pagkalabas ko ng banyo ay wala na sila sa kwarto, kumuha ako ng medyas at nagsuot ng puting rubber shoes at nagsuot ng shades.
Pagkababa ko ay nagsitayo na silang lahat at kanya-kanya nang nagtungo sa mga sasakyan sa gatahe ag nagpunta kami sa chapel kung saan doon ang lamay ng wala namang laman na kabaong.
Unacceptable! This is bullshit! I hate this! Ang daming nakiramay, mga kaklase niya, kaibigam, mga kamag-anak... how everyone could stand this gayong hindi nila alam if buhay pa 'yong tao tapos ililibing na nila?
Bakas sa mukha ko ang galit na nararamdaman ko, pagpasok ko ay nasa akin nakatuon ang pansin ng mga tao. Hindi ako lumapit sa kabaong, diretso lang ako sa pag upo sa harap. Hindi ako iiyak sa pagkakataong ito dahil alam kong buhay pa si Ivy.Pagkatapos ng mass ay nagtungo na sa cemetery, habang ibinababa ang kabaong ay nag-iiyakan na ang mga may mahihinang loob. Naiinis ako sa mga naririnig kong paghagulgol ng mga taong nakilibing. Halos sasabog na ako sa galit subalit sinubukan kong pigilan ang sarili ko para na rin sa magulang ni Ivy.
Nagsisimula nang mag-alisan ang mga tao at mangilan-ngilan na lang kaming natitira doon. Hihintayin kong ako na lang mag-isa ang matira bago ako uuwi.
"Dad sabay na lang po kayo kina Bes, paiwan n'yo na lang po si mang Jose at maya-maya na po ako uuwi... dito muna ako"
Hindi pa nakapagsalita si Daddy ay sinagot na siya ng daddy ni Jen "Walang problema pare, sabay na kayo sa amin, 'yong mga bata ay sasabay na lang kina Anthon (daddy ni Ivy), ano uwi na rin tayo?" pag-aaya na rin nito
"Bes gusto mong samahan na kita dito?"
"Okay lang ako Bes sabay ka na sa kanila 'di din ako magtatagal mamaya... ingat po kayong lahat" sabay tumalikod na ako sa kanila.
Gaya ng gusto kong mangyari, umalis na sila na hindi na nagpaalam sa akin, ako na lang mag-isa ang naiwan at si mang Jose na nakatayo sa gilid ng kotse na nakabantay sa akin.Ivy, nasaan ka na? Hindi ko matatanggap na ibinurol ka na nila gayong 'di ka pa nila nakita. I'll try to wait and search for you wherever I may go. At sa walang kwentang puntod na ito isinusumpa ko na hindi ako babalik dito hanggang hindi kita mahanap!
BINABASA MO ANG
A Love to Last a Lifetime
RomanceHanggang kailan ako maghihintay? Hanggang kailan ako maghahanap? Kakayanin ko pa ba? O ako'y bibigay na? Ilang dekada na rin kasi ang lumipas pero hindi ko pa rin siya nakikita. Pagod na ang aking katawan pero ang puso ko kahit kailan man ay hindi n...