Chapter XIII: A Bitter Beginning

31 3 0
                                    

Ilang araw pa lang ang lumipas nang naganap na 'di kanais-nais na libing ay pasukan na naman. Graduate na sana ako ngayon kaya lang dahil sa mga pangyayari ay nahinto ako sa pag-aaral. Wala na si Bes ko, graduate na siya, ako na lang mag-isa ngayon.

Marami ng nagbago, now I had my own driver and a bodyguard, natakot na si daddy at mommy sa nangyari kaya kahit saan man ako magpunta ay may anino ng nakabuntot sa akin. Bihira ng madalaw si Bes dahil sa work nito at si Kert kahit papaano ay napapadaan pa rin sa bahay kahit may bago na siyang girlfriend. Ang parents ni Ivy ay naging sobrang close kina Mommy at Daddy, though I barely talk to them kahit kina Mommy at Daddy after sa incident na iyon.

Unang araw ng klase, so kahit malaki man ang school namin ay kilala ako ng mga tao dahil sa nangyari, kahit saan ako magpunta ay may mga matang nakatingin sa akin. Marami akong naririnig na hindi maganda, 'yong iba naman ay nagpapakita ng simpatya but I don't give a damn, wala akong pakialam sa kanila.

I hardly talk to anyone, hindi ako nakikipagkaibigan, mag-isa lang lagi akong naglilibot sa campus. At 'pag may naglakas loob na makipagkaibigan sa akin... I am pushing them away.

This time... ang oras, araw, lingo at ang buwan ay parang pagong kung lumipas, sobrang bagal, kulang na lang ay hatakin ko ito para makaalis na sa eskwelahan na ito at makapagsimula ng magtrabaho.

Every 10th of the month, with the help of my 2 faithful shadows ay nagpupunta pa rin ako sa Baguio without my parents knowing it. From morning to night nandoon lang ako having my breakfast, lunch and dinner sa pwesto namin ni Ivy sa fave place ko. Though I know it would only bring me painful memories, I am still trying my luck.
Since nangyari iyon ay hindi na kami nagpunta doon ng aking pamilya, hindi ko alam if dahil sa akin that we've stopped spending our special days doon but that won't stop me from going there. Umaasa ako na baka sakaling isang araw ay magpunta din doon si Ivy sa monthsary namin.

Nakagawian ko na rin na bago matulog ay tingnan muna ang mga larawan naming ni Ivy, it gives me hope na balang araw ay makikita ko rin siya.

Masakit, but never in a day that had passed that I haven't thought of her, every single day ay naaalala ko siya, my treasured moments with her, our passionate kiss, our romance, funny and stupid things we've done together ay 'di ko lang talaga mawala sa aking isipan.
At mas lalo akong nasasaktan pag sapit ng gabi kung kelan nangungulila ako sa kanya, I end up playing the video of ours, ang nag-iisang video that we had sa phone na bigay niya sa akin. Namimiss ko ang boses niya at ang magagawa ko lang ay ang paulit-ulit na i-play ang video kung saan binabasa niya ang bago niyang gawang tula para sa akin noong birthday ko. Namimiss ko ang kanyang yakap na pilit kong ginagaya, namimiss ko siya and the intensity of loneliness which is growing was deeply killing me. Nakakatulugan ko na lang ang sakit na nararamdaman ko, at pagsikat ng araw ay kailangang bumangon, kailangang haraping ang umaga kahit may pait sa pusong umaasa at nangungulila.

A Love to Last a LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon