(JULLiE'S POV)
Paagkatapos ng nangyari kanina s tambayan iniisip ko kung anong gagawin ko sa papel na binigay ni Mr.yabang na yun, teka mayabang nga ba ? o naiisip ko lang yun?
Hayyyyss (?_?) ANG BALIWWW!
Ano bang gagawin ko dito? .. Isang ordinaryong araw to para samin ni Dianne pero sa kaibigan naming si Stacy ? Nakuu! Iba ang aura nya ngayun ee, parang may mali sa kanya. Bakit kaya? Hindi na namin tinanung ni Dianne hinayaan na lang namin total sanay na naman kami sa kanya.
Nag-uwian na,nagkanya-kanya na kami ng daan. May GiG kasi ako mamaya at assual manonood ang mga kaibigan ko. Hindi naman sila pumapalya sa mga GiG ko ee.Pero bago ako umuwi para magbihis kailangan ko munang dumaan sa Ospital para ibigay ang papel na binigay sakin ni Cille kanina. Kahit ganun ang inasta ko sa kanya,sayang pa din ang 60% na discount na binigay samin ng pamilya ko. Grab na di ba ?
Pagkarating na pagkarating ko sa ospital dumiretso na ako sa kwarto ng kapatid ko.
"Ma dumaan lang ako dito para ibigay to.fill-upan mo na lang po yan at ibigay sa cashier.Di ba po lalabas na sya bukas ng umaga? makakamenus po tayo ng gastos dyan.Una na po ako huh ? Nagmamadali ako ma ee."-
pagmamadali kong sabi sa mama ko.nagmano na ako at umalis na.
Hindi na nakapag salita ang mama ko.Mabilis na akong bumaba sa hagdan ng ospital kailangan kong magmadali alas-singko na at mag-aayos pa ako, ee di ba nga 6pm kami magtatagpo nina Stacy at Dianne.
Halos liparin ko ang pag-uwi ko.Nakakatawa nga ee, napaka bilis kong nakauwi sa amin. Pumasok na agad ako sa kwarto ko, naghanap ng masusuot na damit.Dahil sa Hotel ang tugtog namin naisipan kong mag-dress although bibihira kong gawin yun.Hindi ko nga alam kung bakit ko naisip isuot ito eeh.
Isang blue na 3'4 dress na hanggang tuhod lang. Simpleng polbo .konting lipstick at eyeliner. Sapat na to, kapansin pansin na ako. Naka flat na doll shoes lang ako para naman hindi ganun kahirap para sa akin, nilugay ko na lang ang mahaba kong buhay at nilagyan ng clip sa gilid.I'm ready to go :)
Umalis na ako.Sumakay ako sa Pedicab patungo sa 7-11 kung san kami magkikita kita.Malayo pa lang ako ay natatanaw ko na si Dianne at Stacy, nakuu! sabi ko na nga ba ee huli na naman ako.
"your late my dear friend! "- pag-uumpisa ni Dianne
"Oo nga, and you look different tonight.BLOOMING!"-panuukso naman ni stacy.
"Baliw kayong dalawa. Tara na at baka mahuli pa ako. Wag nyo na akong asarin"- pagsagot ako habang hiihila sila papunta sa sasakyan ni Dianne. Yun ang lagi naming ginagamit total si Dianne ang may sariling sasakyan saming tatlo, kahit na meron din si Stacy, mas gusto nya na kay Dianne ang ginagamit namin pag GiG ko.
Kantahan at tawanan lang ang ginawa namin sa sasakyan.Ganyan kami. Akala mo mga perfect na tao, akala mo lahat talagang masaya aat halos walang problema.Siguro sila, pero ako? Alam nyo naman di ba ? Haysss! :3 . hayaan na nga, hindi ko dapat iniisip ang mga gantong problema sa gantong mga panahon, hindi dapat dinadala ang problema sa trabaho,lalo na sa field ng trabaho ko.
Nakarating na kami sa Hotel kung saan kami kakanta. nanduon na din ang mga kabanda ko.hinahanda na nila ang stage,inaayos na din nila ang mga instrumento na gagamitin namin.Pumunta muna ako sa CR para makapag-ayos ng konti. Mahirap na kailangan kong makadami n TiP. kailangan kong bayaran ang unit na ibinagsak ko plus yung magiging gamot ng kapatid ko.
"Jullie. ayusin mo ang gabing to. kailangan galingan mo!"-pagpapalakas ko ng loob ko.
Ngumiti ako sa salamin at nag-umpisa ng maglakad palabas.Tumingin muna ako sa paligid at napansin kong madaming tao.Pumikit ako at bahagyang nanalangin na gabayan ako ng Diyos Ama.Umakyat ako sa entablado ng nakangiti.
YOU ARE READING
HOW TO BE BRAVE AT ALL
General FictionThis is a story bout a girl na halos pagbagsakan na ng langit at lupa sa dami ng problema nang bigla syang mainlove kay unknown guy .. Ano kayang gagawin nya sa buhay nya ? Kakayanin pa ba nya lahat ng pagsubok sa kanya at pamilya nya ??? Well...