Prologue:
• • •
"No! ayokong maging parte ng gang ninyo!" mariin na pagtanggi ko sa kanila.
Narito ako ngayon sa isang silid at nakatali sa isang upuan. Nakatakip ang aking mga mata kaya't hindi ko makita ang mga taong dumukot sa'kin.
"Miss, kumikita kami ng milyon sa loob lamang ng isang araw. Maaatim mo bang tanggihan ang ganoong kalaking grasya?" Natigilan ako sa sinabi niya at bahagyang napaisip. Medyo magaspang ang boses niya kaya't labis itong nagdudulot ng takot sa aking buong sistema.
Anong sinabi niya?
Kumikita raw sila ng milyon sa isang araw? Hmm paano? Gano'ng hindi naman madaling kumita ng malaking pera sa panahon ngayon.
Nasisigurado kong ilegal ang mga ginagawa nila. Muli akong tumanggi dahil hindi maaatim ng konsensya kong mabuhay sa paggawa ng masama. Marahil baon ako sa bayarin ngayon sa pagpapa-ospital ni mama pero hinding hindi ko itataya ang dignidad ko para lang kumita.
"Inuulit ko Ayoko! I won't waste my time working with you! I have my own plans" sagot ko sa kung sinumang kumakausap sakin. Naramdaman kong hindi lang siya nag-iisa, marahil ay kasama niya ngayon ang ibang miyembro ng gang nila.
Lord katapusan ko na ba?
"May lakas ng loob kapa talaga para magmatigas?" the husky voice paused.
"Alam kong nasa-ospital ngayon ang nanay mo, wala kang maipagmamayabang. Kailangan mo kami at kailangan mo nito!" Biglang sumampal sa mukha ko ang isang bundle ng pera. Kumirot ang puso ko ng maalala ko ang nangyari kay mama. Ngayon ay nakatali ako sa isang desisyon sa pagitan ng dignidad at matinding pangangailangan.
Ayokong maluha dahil ayokong makita nila na mahina ako, hindi ko gustong sumang-ayon sa kanila, pero alam ko sa sarili ko na wala ng ibang paraan. Wala naman akong trabaho, saan ako kukuha ng pambayad sa mga gastusin ni mama sa ospital?
Sasangayon na ba ako sa alok ng gang na ito?
"Anong mga kailangan kong gawin?" tanong ko sa kanila. Sana lang hindi ko pagsisihan 'tong gagawin ko.
Biglang tinanggal ng kung sino ang piring sa mga mata ko. Agad kong nakita ang mga tao na nakapaligid sakin.
Really? Is this a gang? Tanong ko sa sarili.
I inspected their looks one by one and I can help but doubt them as a real gang members.
Walo ang tao na kasama ko dito sa silid, apat na lalaki at apat na babae. Ang disente ng mga itsura nila, hindi sila dugyot at mukhang kriminal hindi tulad ng mga kasapi ng isang typical na gang. Nakatulala lang silang lahat sa akin habang nag-aantay ako sa sagot nila.
"I said, what should I do?" Napatingin sila sa'kin ng seryoso pati narin ang kaharap ko ngayon, siguro siya ang lider ng grupong ito. In fairness ang pogi niya.
"Sigurado ka na ba?" tila nananakot na tanong ng leader habang nakatingin ng seryoso sa mga mata ko. I don't know why his stares giving me a goosebumbs. Dahil ba pogi siya? Err!
Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon kahit may puwang parin sakin ang pagdadalawang isip.
"Kung ganon, welcome sa grupo miss! Ikaw na ngayon ang magiging mastermind ng gang na ito-"
"Wala nang atrasan." wika niya sakin kasabay ang pagguhit ng ngiti sa kanyang mga labi.
Oh my God! Ano ba naman 'tong napasok ko?
Ako na dating pangkaraniwang estudyante lang na nag-aaral at nagkakamit ng karangalan ay pumasok sa isang kaguluhan na hindi ko na maaring labasan.
Para kay mama, sambit ng isip ko habang dinadala nila ako sa headquarters nila.
Hindi na ako pwedeng umatras.
-
Guys, I unpublished the next parts of this story. Those part will undergo revision. I will publish it back soon don't yah worry!
***
Update: All chapters are posted and edited already! Enjoy.
BINABASA MO ANG
GENIUS IN A GANG (Defying Trilogy #1)
Mystery / ThrillerNine peculiars and gifted members of a gang. They're not your typical trouble makers, instead they fight for what is right. But did you know what make these teens more special? - Highest Ranking Achieved: [05-22-2020] • #29 in Gang • #39 in Sci...