Chapter 26: Final Battle 3
HAILEY
:
Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin tuwing nagagalit ako. Para bang kung anong pwersa ang gustong lumabas sa katawan ko at sumabog. Dati akala ko normal lang ang pagkakaroon ko ng photographic memory, pero nung mapasama ako sa Psychic Gang ay nadiskubre kong malayo pala ako sa pagiging normal. Na isa ako sa mga produkto ng ekspiremento ng mga magulang namin, na meron akong mga natatanging abilidad, at sa paglipas ng mga araw ay mas natutunan ko kung paano ito palakasin. At gagamitin ko ang mga abilidad na ito para maging daluyan ng pagbabago sa buong lungsod, para mawakasan na ang paghahari ng demonyong namamahala. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakakamit ang dahilan kung bakit ngayon ay patuloy akong lumalaban.
"Hailey watchout!" agad akong umilag nang marinig ko ang sigaw ni Wyatt. Shit! Muntik na akong tamaan ng bolang apoy na galing kay Victor Suarez.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Doc. Ruiz na nakahiga na sa sahig. Oh my god! Napuruhan yata siya ni Victor Suarez. Agad akong pumunta sa direksyon niya at tiningnan ang lagay niya. May tama siya siya sa dibdib at may umaagos ditong dugo. Napansin ko ring nahihirapan na siya kaya inilapag ko siya at hinarap si Victor Suarez.
"Ikaw ang lalaban sakin? Haha! 'yan ba ang paraan mo ng pasasalamat sa binigay kong mga abilidad sa'yo?" wika niya habang seryosong nakatingin sakin.
"Kahit kailan hindi ko hiningi sayo ang mga abilidad na meron ako, at para sabihin ko sayo, Anumang lakas na taglay ko ngayon ay mag-isa kong natuklasan! Baka nakakalimutan mo, nasira ang buhay naming lahat ng dahil sayo. Kaya hinding hindi ako titigil hangga't hindi kita napapabagsak!" sigaw ko sa kanya na tinawanan niya lang.
"Hahaha! Grabe! Nakakatakot naman!" wika niya na tila nang-aasar. Napakuyom ako ng kamay at agad siyang sinugod.
May lumabas na mga bala sa tiyan niya pero mabilis kong inilagan ang mga iyon, ipinikit ko ang mga mata ko at nasa likod niya na ako. Nagulat ako nang humarap siya sakin at isang malakas na suntok ang ibinigay niya sakin na naging dahilan para tumalsik ako sa pader. Arghh! Ang sakit! Napahawak ako sa likod ko dahil sa kirot na nararamdaman ko. Sa kabila ng sakit na dulot ng pagtilapon ko sa pader ay pinilit ko paring tumayo.
Sinugod ko siya pero this time ay may lumabas naman na mga patulis na bakal galing sa dibdib niya papunta sa direksyon ko, pinilit kong iwasan yung iba pero masyado silang marami kaya natamaan ako ng dalawa sa braso. Argh!
Naramdaman ko ang pagbaon nito sa laman ko, unti-unti kong binunot yung dalawang matatalim na bakal habang napapapikit ako sa sakit. Nang mabunot ko ito ay agad kong hinagis ang mga iyon papunta sa kanya. Kinontrol ko ang direksyon nito at tumusok ito sa puso niya pero bumaliko lamang ito at nalaglag sa lapag. Shit! Anong klaseng bakal ang ginamit niya sa buong katawan niya?
-
SKULL
:
Napansin kong nahihirapan si Hailey sa paglaban niya kay Victor Suarez dahil kung pagbabasehan ang lakas ay mas lamang sa kanya ang kalaban, pero naniniwala ako sa kanya, sa mga nakita kong laban niya mula kanina ay pansin ko ang malaking pagbabago niya. Marami na siyang natuklasang bagong kakayahan at kaya niya na ring mag-teleportation. Iba talaga ang pagkontrol ni Hailey sa mga abilidad niya, kahanga-hanga.
Hanggang ngayon ay wala pa ring nananalo samin ng leader ng acme, kahit gaano siya kalakas ay hindi ko hinahayaan na manaig siya sakin. Agad kong kinontrol ang utak niya pero naramdaman ko na may kontrang pwersa ring kumukontrol sa utak ko. Shit! Nakakahilo!
Agad kong pinalutang yung patulis na tubong nasa lapag at pinalipad papunta sa direksyon niya pero agad itong lumihis ng landas at bumalik sakin, agad kong iniwasan yung tubo at tumusok ito sa pader. Muntik na ako dun ah!
Nahagip ng mga mata ko ang bakal na nakabitin sa taas niya, mabilis nalang itong malalaglag dahil kritikal na ang pagkakasabit nito, mawalan lang siya ng malay at mananalo na ako sa kanya. Agad kong kinontrol yung bakal at nalaglag ito sa kinatatayuan niya, nabagsakan siya nito at agad siyang nabuwal. Pumikit ako at agad akong napunta sa direksyon niya. Kinontrol ko yung tubong tumusok sa pader kanina at napunta ito sa kamay ko. Ngayon na nawalan na siya ng malay, ay malaki na ang tiyansa kong manalo. Agad kong sinaksak sa dibdib niya yung tubo ng ubod lakas at nakita kong bumaon ito sa kanya. Bigla siyang nagising pero huli na ang lahat. Hinugot ko yung tubo at agad siyang nalagutan ng hininga.
"Maaring malakas ang utak mo pero kapag puso ang tinamaan sayo, hindi mo matatakasan ang kamatayan" wika ko at agad ng tumayo.
Napansin kong pawis na pawis na si Wyatt sa paglaban sa natitirang miyembro ng acme. Napabagsak na rin kasi nila Gayle at Caleb yung isa pa nilang nakalaban. Napansin nung lalaking kaharap ni Wyatt na wala ng buhay ang lider nila dahila para ma-distract ito kaya ginamit ni Wyatt ang pagkakataong iyon para barilin siya sa ulo. Hindi niya ito nagawang ilagan dahil nakatuon ang atensyon niya sa walang buhay na lider nila. Agad itong natumba at umagos mula sa ulo niya ang pulang likido. Nakamulat pa ang mga mata niya nang tuluyan siyang bawian ng buhay.
Nag-iisa na lang ang kalaban namin, pero mukhang mahihirapan kami sa kanya. Kailangan naming magtulungan para mawakasan na ang kademonyohan ni Victor Suarez, hindi ko siya maituturing na ama kahit kailan, ako ang pipili kung magiging ano at sino ako. Sisiguraduhin kong ako mismong anak niya ang papatay sa kanya!
Agad akong napatakbo sa direksyon ni Hailey nang tumalsik siya sa gilid matapos nitong subukang sugurin si Victor Suarez. Pumunta rin samin sila Wyatt, Gayle at Caleb. Pansin kong halos lahat samin ay may iniinda ring matitinding sugat pero balewala ang lahat ng ito, kailangan naming magtulungan ngayon para tapusin na ang laban.
"Kahit magtulungan pa kayo ngayon, hinding hindi niyo mapapatumba ang utak ng lahat ng ito, at ang dahilan kung bakit kayo nagkaroon ng abilidad na meron kayo ngayon" wika ni Victor Suarez na seryosong nakatingin saming lima. Ang sama ng tingin niya samin, mukhang desidido talaga siyang patayin kami.
"Huwag kang pasisiguro! Dahil una sa lahat hindi mo alam ang mga kaya naming gawin kapag magkakasama!" sigaw ko at agad siyang napatingin sakin.
"O sige ngayon ninyo patunayan, wala ka talagang kwentang anak! Bakit ba kasi hindi pa kita dati pinatay? Pero huwag kang mag-alala dahil ngayon na kita tatapusin!" wika ni Victor Suarez na labis na nakapagdulot ng galit sa kin.
"Huwag mo kong matawag-tawag na anak! Hindi ako demonyo tulad mo! Tama ka, talagang pagsisihan mong hindi mo pa ako pinatay noon, dahil ako mismo ang tatapos diyan sa walang kwenta mong buhay ngayon!" wika ko sa kanya at agad na tumayo. Naramdaman kong nasa tabi ko na silang lahat. Ito na ang pinaka-hihintay naming lahat. Kahit anong mangyari hindi kami susuko!
Para sa lahat ng mga taong biktima ng kademonyohan ni Victor Suarez!!
Ito na ang huling pagtutuos.
BINABASA MO ANG
GENIUS IN A GANG (Defying Trilogy #1)
Mystery / ThrillerNine peculiars and gifted members of a gang. They're not your typical trouble makers, instead they fight for what is right. But did you know what make these teens more special? - Highest Ranking Achieved: [05-22-2020] • #29 in Gang • #39 in Sci...