Chapter 6: Kira's Revenge
HAILEY• • •
"Ma, alis na po kami" muli kong niyakap si mama. Kinakabahan ako sa pag-iisip na maaring hindi na 'ko makabalik, na maaring hindi ko na siya makasama.
Pinigilan kong maiyak habang hinihimas ni mama ang likod ko.
"Mag-iingat kayo ha, nawa'y magtagumpay kayo sa laban niyo na 'to" mahinahong wika ni mama habang yakap yakap parin ako.
"Hailey, tara na!" sigaw ni Skull nang mag-start na ang engine ng van. Agad akong napabitaw sa pagkakayakap ko kay mama.
"Babalik ako ma, pangako 'yan" wika ko at naglakad na ako palayo sa kanya. Agad kong kinuskos ang mga mata ko para hindi matuloy ang nagbabadyang mga luha dito.
"Let's go" wika ko nang makasakay na ako sa van. Agad namang pinaandar ni Skull ang sasakyan para pumunta na sa napag-usapang paglalabanan ng gang namin at ng Vitiator.
"Huwag kang mag-alala, makakabalik tayo" wika ni Wyatt sa tabi ko. Kahit papaano ay kumalma ako dahil sa sinabi niya. Relax Hailey, ilang beses ninyo nang tinakasan ang kamatayan. Ngayon ka pa ba aatras?
Tahimik lang kaming bumyahe patungo sa lugar ng nasabing paglalabanan namin, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.
I have this wierd feeling na hindi ko maipaliwanag. Napahawak ako ng mahigpit sa baril na hawak ko. Ito ang unang pagkakataong humawak ako ng isang armas, at tinitingnan ko na ang posibilidad na maari akong makapatay para ipagtanggol ang sarili ko at ang grupo.
-
KIRA
• • •
"Okay ka lang?" tanong sakin ni Ash na nasa tabi ko. Actually the answer is no, pero pinilit kong lumikha ng isang ngiti at sinagot siya.
"Hmm, okay lang ako" sagot ko sa kanya. I know she's concern with me, pero ayoko lang makita niya na mahina ako, 'Cause I'm not. I'm not like Hailey who always cry.
Alam kong malakas physically si Hailey pero mahina siya sa pagtatago ng nararamdaman. She's too obvious with what she thinks ka siguro mabilis lang siyang nababasa ni Caleb, which is definitely my strenght.
Kahit si Caleb, nahihirapan basahin ang iniisip ko.
I am peculiar, well we're all peculiars.
I am wierd, nagsimula akong maging ganito simula noong mamatay ang kapatid ko. I become cold like stone. Siya nalang sana ang natitirang mahal ko sa buhay dahil matagal nang patay ang mga magulang namin, pero isang aksidente ang nangyari sa kanya. Napagsamantalahan siya ng isang gang.
Ang they are Vitiator Gang.
Ni-rape nila ang kapatid, pagkatapos ay pinatay. Walang mapagsidlan ang galit ko sa mga gumawa sa kanya no'n. Wala silang puso!
Isang taon na ang nakakaraan, pero sariwa parin sa 'kin ang trahedyang iyon. Nakakainis lang dahil hindi ko man lang siya naipagtanggol, hindi ko man lang naipaglaban ang nag-iisa kong kapatid.
BINABASA MO ANG
GENIUS IN A GANG (Defying Trilogy #1)
Mystery / ThrillerNine peculiars and gifted members of a gang. They're not your typical trouble makers, instead they fight for what is right. But did you know what make these teens more special? - Highest Ranking Achieved: [05-22-2020] • #29 in Gang • #39 in Sci...