004 | Rescue

3.1K 130 3
                                    

Chapter 4: Rescue
HAILEY

• • •

Maaga kaming nagising ngayong araw para isakatuparan ang plano naming pagdo-donate ng 90 percent na perang ninakaw namin kahapon sa bangko para sa mga mahihirap dito sa lungsod.



Natanaw ko ang mga bahay na dikit-dikit sa Black Division ng lungsod. Mga iskinita at mga tagpi-tagping tahanan na inalipin ng kahirapan.



Ang sama pala talaga ng lagay ng mga taong nakatira dito sa Black Division, at dahil 'yon sa matinding korapsyon dito sa lungsod.



Hindi na nabibigyan ng atensyon ang mga mamamayan dito sa Black Division. Patuloy silang nalulugmok sa kahirapan habang ang mga nasa White Division naman ay nagpapakasaya lang sa buhay nila.



Talagang nag-uumapaw ang diskriminasyon, bulok na pamahalaan.




Agad naming nilibot ang bawat bahay dito sa Black Division habang madilim palang, wala pang gising kaya mabilis namin nailagay sa tapat ng pinto ng mga bahay ang mga sampung libo.




Matapos naming malagyan ng pera ang lahat ng mga bahay dito sa Black Division ay agad kaming nagtipon para pag-usapan ang sunod naming plano.




"We're gonna rescue Hailey's mom" wika ni Skull habang seryosong nakatingin sa'kin.





Teka? Wala kaming napag-usapan na ganun ah!



Biglang kumirot muli ang puso ko dahil bigla ko nanamang naalala ang nangyari kay mama. Pero kaagad naman iyon na napalitan ng pag-asa nang marinig ko na ang susunod naming misyon.




Kukunin na 'min si mama sa hospital.


Alam kong hindi magiging madali, maari kaming mapahamak, pero anong silbi ng pag-laban namin kung hindi kami susugal sa kamatayan?




"But how can we get there? Siguradong bantay sarado ang ospital na 'yon dahil alam ng mga pulis na maaring balikan ni Hailey ang mama niya," tanong ni Gayle kay Skull habang nakapinta sa mukha nito ang pag-aalala.






"Gayle, We managed to survive yesterday in such dangerous crime we did, but we're still alive until now! Sisiw nalang 'to para sa'tin!" sagot ni Skull para palakasin ang loob ng grupo lalong-lalo na ako.





Ano bang ginawa ko para tulungan nila ako ng ganito? Napaka-swerte ko talaga at nakilala ko sila.





"Alam ninyo ang pakiramdam nang mawalan ng mahal sa buhay hindi ba? Kailangan na 'ting kumilos para hindi na madagdagan pa ang mga taong biktima na walang kalaban laban," Wika ni Wyatt na nakakuha ng tango mula sa aming mga kasamahan.





Si Skull talaga at Wyatt ang sa tingin kong malaking asset ng grupong ito, bukod kasi sa may mas malalakas silang abilidad ay may mabuti din silang kalooban. Parehas silang bagay sa posisyon ng pagiging lider ng gang.





"Bilisan na natin, bago pa mahuli ang lahat," muling wika ni Skull at sumakay na kami sa van para pumunta sa ospital. Sana lang maayos parin ang lagay ni mama ngayon.





Kaagad naming narating ang tapat ng ospital, bumaba na kami sa van.



Napa-buntong hininga ako habang tinitingnan ang entrance na bantay sarado ng mga pulis. Tiyak na mapapalaban na naman kami.





GENIUS IN A GANG (Defying Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon