Chapter 15: Additional Ability
HAILEY
• • •
Agad pinagtulungan nila Caleb at Benj buhatin si Skull, dinala nila ito sa lugar na pinagdalhan namin sa mga pamilyang ni-rescue namin kanina. Habang naiwan naman ako sa kinatatayuan ko, lutang sa mga pangyayari.
I am pre occupied by a lot of emotions - but the most dominant right now is anger.
Hindi pwedeng wala akong gawin. Napahamak na si Skull dahil sa kasamaan ng mga teroristang ito, hindi ko na hahayaan na may malagay pa na kahit sino sa peligro.
Nilamon na ako ng galit ko hanggang sa punto na may parang isang enerhiya ang gustong lumabas sa katawan ko. I can't explain the feeling, I felt tensed and over powered.
Matalim kong tiningnan ang bawat tank ng mga kalaban at bigla itong sumabog. Nagdulot ito ng tensyon sa lahat ng mga kasapi ng mga terorista, inilipat ko ang tingin sa mga hawak nilang baril at agad itong nasira. Nataranta silang lahat sa nangyari habang nalilito naman sila Wyatt, Tori at Ash kung bakit nabitawan ng mga terorista yung mga baril nila at lumayo sa kinaroroonan ng mga tangke nila.
Good, they're falling for it!
The truth is wala naman talagang sumabog na mga tanks, hindi rin totoong nasira ang mga baril ng mga kalaban namin.
It's only an illusion that I created - I manipulated their perspective.
'Yon ang bagong tuklas kong kakayahan.
Hindi ko alam kung paano ko iyon naipalabas. Siguro ay dahil sa galit na naramdaman ko kanina.
Ilusyon lang ang lahat nang nangyari, at ako ang may kagagawan no'n.
Ipinakita ko sa mga kalaban ang mga bagay na kinatatakutan nila, mga bagay na maaring maging dahilan para isipin nilang mahina na sila, na wala na silang laban sa 'min.
Agad silang napaatras dahil sa ilusyon na ipinakita ko sa kanila, ngayon ang oras para sila naman ang manginig sa takot. Hawak ko na ngayon ang iniisip nilang lahat, kaya ko na silang paniwalain kahit sa mga bagay na hindi totoo.
Tatakbo na sana sila para tumakas pero agad kong itinaas ang kamay ko at intinuro direksyon nila.
Biglang may lumitaw na mga pulis sa harapan ng mga ito. Inisip kong tinututukan sila ng mga lulis ng baril at iyon nga ang nakita ng mga terorista kaya napadapa sila para ipakitang sumusuko na sila, talagang makapangyarihan ang ilusyon, kaya ka nitong paniwalain sa kahit anong bagay na kahit ikaw mismo ay hindi mamamalayan na nahuhulog ka na isang kasinungalingan.
Bagamat nalilito ang mga ka-grupo ko sa mga nangyayari, agad kumilos sina Wyatt at Caleb para puntahan ang mga terorista at tapusin ang nasimulan ko.
Binaril nila isa-isa 'yung mga terorista at hindi hinayaang mabuhay kahit isa man sa kanila. Sa laki ng pinsalang idinulot nila dito sa white division at kung bibilangin ang mga taong namatay dahil sa kagagawan nila, hindi pa sapat ang buhay nila para bayaran ang lahat ng iyon.
Ngayon ay ubos na silang lahat, unti unting humupa ang galit na nararamdaman ko. Namasdan ko ang kabuuhan ng mga pinsala sa white division, maraming mga bahay ang tinupok ng apoy at ang iba naman ay nasira dahil sa mga bombang sumabog kanina. Nahagip din ng mga mata ko ang mga pamilyang nawalan ng tahanan, mga taong bagama't mayayaman ay nagawang paghinayangan ang mga ari-arian nilang ngayon ay naging abo na.
BINABASA MO ANG
GENIUS IN A GANG (Defying Trilogy #1)
Mystery / ThrillerNine peculiars and gifted members of a gang. They're not your typical trouble makers, instead they fight for what is right. But did you know what make these teens more special? - Highest Ranking Achieved: [05-22-2020] • #29 in Gang • #39 in Sci...