011 | Escape

1.7K 70 8
                                    

Chapter 11: Escape
HAILEY

• • •

"Anong masasabi ninyo boss? Batang bata pa 'to! Makinis at maganda. Ano kukunin niyo na ba?" tanong nung lalaking dumukot sa 'kin at kinausap nang masinsinan si Skull para pag-usapan ang bentahan.

"Yes, she's mine now. How much is her price?" tanong ni Skull sa kanila. Kahit naka-maskara siya ay kitang-kita ko ang hugis ng mukha niya. Ang mga mata niyang gustong-gusto na akong mabawi mula sa kamay ng mga dumukot sakin.




"Aba! Mataas ang kalidad nito, medyo malaki ang babayaran mo boss. Isang Milyon pwede na," sagot nung lalaki habang hindi pa rin ako pinapakawalan. Hawak pa rin nila ako.



"Ang mahal naman, wala na bang ibababa 'yan?" nanlaki ang mga mata ko, hindi ko alam kung matatawa ba ako o madidismaya sa sinabi niya, talaga bang ililigtas niya 'ko?






"Wala ka pala eh! Hindi pwede!" sagot nung may hawak sa 'kin. Napahigpit ang hawak niya sa buhok ko kaya napakagat ako ng labi ko dahil sa sakit.






"Don't worry, I can pay for her price!" biglang may pumasok sa kwarto na isa pang lalaking naka-maskara. May hawak siyang briefcase at nakita kong seryoso siyang nakatingin sa 'kin. Nanlaki ang mga mata ko ng ma-realize ko kung sino ito.



Hindi ako namamalikmata! It's Wyatt!! Oh my god! Ano bang plano ng dalawang 'to? Bakit ngayon pa nila nagawang magbiro? Labanan nalang nila 'tong mga lalaking 'to para matapos na.






"Magkano ang kaya mo?" tanong nung lalaki kay Wyatt. Nakita kong napatingin si Skull dito, punong-puno ng katanungan ang mga mata niya, yung totoo? pinag-usapan ba nila 'to?





"Kahit doble pa sa unang offer niyo" sagot ni Wyatt na agad nakakuha ng atensyon ng lahat ng mga lalaking kasama sa sindikato.



"Ok sige, deal!" wika nung lalaki na may hawak sakin pero agad din silang natigilan ng muling magsalita si Skull.





"Ako ang nauna sa kanya. Sige, ti-triplehin ko ang presyo niya, ngayon mamili kayo kung saan niyo siya ibebenta" biglang nagbulungan yung mga lalaki na dumukot sa 'kin dahil sa sinabi ni Skull. Naguluhan silang lahat kung kanino sa dalawang buyer na nasa harap nila ako ibebenta.






Napatingin si Wyatt kay Skull at halata sa mukha nito ang inis. Ano ba talagang ginagawa ng mga 'to? Hindi ngayon ang tamang oras para mag-biro sila!




"Ok sige, dun kami sa mas malaki ang ibabayad" wika ng isa pang lalaki na kasamahan ng mga sindikatong nangunguha ng mga babae dito sa lungsod.



"Pero bago mo siya makuha, sisiguraduhin muna naming may ibabayad ka" wika naman ng pinuno ng mga sindikato kay Skull.




Inilapag ni Skull ang dala niyang briefcase sa lamesa na nasa gitna ng silid at binuksan niya ito. Lumantad sa kanila ang bundle na perang nasa loob nito.




"Sigurado kang sakto 'yan?" tanong nung lider.





"Kahit i-check niyo pa," kalmadong sagot ni Skull habang inis na inis naman si Wyatt sa gilid niya.



Parte kaya 'to ng plano nila? Tss. Kung oo, masasabi kong ang gagaling nilang artista!




"Mukhang sakto naman boss," wika nung isang tauhan na nag-boluntaryong i-check ang pera.




"Oh sige sayo na 'to" wika nung lalaking may hawak sakin at itinulak ako papunta kay Skull. Sa sobrang lakas ng pagtulak niya sakin ay bumunggo ako dibdib ni Skull.

GENIUS IN A GANG (Defying Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon