Chapter 14: Coldness
HAILEY
• • •
Lumipas ang mga araw at naging malamig ang trato sakin ni Skull. Hindi ko alam kung bakit, pero siguro dahil sa nagseselos siya sa panliligaw sa 'kin ni Wyatt.
Hindi ko siya masisisi, maybe he's setting apart his feelings for me para hindi masira ang samahan naming lahat.
I admire his leadership, he knows what's the best for us and not only care for himself. Siguro hindi lang ako sanay na gano'n ang trato niya sakin. I'm not used to the fact that he keeps distance from me.
What's wrong?
Nakakapanibago lang kasi na hindi niya ako binibigyan ng atensyon, since day one kasi na mag-join ako sa gang na 'to lagi na lang niya akong ipinagtatanggol. He always look for me, securing my safety.
But all things suddenly twisted. He become cold out of the sudden.
"Malalim yata iniisip mo?" natigilan ako nang biglang pumasok si mama sa kwarto naming mga girls. May dala siyang sprayer at basahan. I think pupunasan niya 'yung dalawang bintana dito sa loob.
"Wala po 'yon ma." pagtanggi ko. Nakaupo lang ako ngayon dito kama habang ang iba ay nasa ibaba, hindi ko alam kung ano ang mga pinagkakaabalahan nila.
"Anak, alam kong may bumabagabag sa isip mo. Nanay mo 'ko, pwede mong sabihin sa 'kin ang lahat." Inilapag niya ang dala-dala niya sa gilid at umupo sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko kaya wala na akong nagawa kun 'di ang magsabi ng totoo.
"Ma, naguguluhan ako." wika ko habang nakapako ang mga mata sa sahig.
Hinawakan ni mama ang mukha ko kaya napatingin ako sa mga mata niya. A light smile was plastered on her face. I know she's concern with my feeelings. Well she's my mother. Gano'n naman talaga ang mga ina, kahit hindi mo directly sabihin na may problema ka, they automatically feel it.
"Anong gumugulo sa isip mo?" mahinhin niyang wika "Makikinig ako."
I took a deep breath. I'm having an anxiety because of this, I need to open it up. Ako rin ang mahihirapan kapag kinimkim ko ito.
"Si Skull po kasi tsaka si Wyatt-" I trailed as I inspect what will be her initial reaction.
Pinagmasdan ko ang mga mata ni mama. Parang alam na nito kung ano ang gusto kong iparating.
"Nagugulahan ka ba kung sino sa kanilang dalawa ang pipiliin mo?" nagulat ako sa sinabi niya.
Ngayon alam ko na kung saan ako nagmana sa pagiging futuristic, sabi ko na nga ba alam niya na.
Actually, hindi ko alam kung yun nga ang problema ko, pero simula kasi nung umamin sila sa 'kin ay bigla na lang akong nagkaganito.
I can't even comprehend what I'm feeling.
"Pa-paano niyo po nalaman na may gusto rin sa 'kin si Skull?" nahihiya tanong ko kay mama.
"Anak, hindi ako manhid at lalong hindi ako bulag para hindi makita ang pagpapahalaga nila sa 'yo, grabe sila kung mag-alaga sayo. Hindi ba kapansin pansin ang mga bagay na'yon?" wika niya sa 'kin at bigla akong natauhan.
Oo nga 'no, siguro ako lang ang hindi nakapansin no'n. Kahit siguro ang iba naming mga kasama ay nahalata rin ang bagay na 'yon. Hindi ko akalain na ang isang henyong 'tulad ko ay magiging walang muwang sa ganitong bagay.
BINABASA MO ANG
GENIUS IN A GANG (Defying Trilogy #1)
Mystery / ThrillerNine peculiars and gifted members of a gang. They're not your typical trouble makers, instead they fight for what is right. But did you know what make these teens more special? - Highest Ranking Achieved: [05-22-2020] • #29 in Gang • #39 in Sci...