025 | Final Battle 2

1K 56 0
                                    

Chapter 25: Final Battle 2

HAILEY

:

Agad akong napatingin sa kanila, unti-unti na silang lumalapit samin. Nanlaki ang mga mata ko, are they going to kill us now? Oh my god! Maybe the answer is yes. Pero hindi kami dapat magpalamon sa takot, mas mabuti ng mamatay ng lumalaban.




Seryosong nakatingin yung lalaking nasa gitna kay Benj, ipiniltik niya lang yung daliri niya at biglang nabuwal si Benj. Ang bilis ng mga pangyayari. How come that happened?




Agad kaming pumunta sa kinaroroonan ni Benj. Napansin ko ang mga paa niya na fractured at hindi niya na maigalaw. Oh my god! Paano nila nagawa 'to?! Magbabayad silang lahat!





"Stay here Benj, kami na bahala," wika ni Wyatt at itinabi si Benj sa gilid.






Itinaas ng isang babae yung mga kamay niya at biglang tumalsik si Ash sa isang poste. Nabagok ang ulo nito at nakita kong umagos ang mga dugo sa ulo niya!



Sh*t! Ang lakas nila! Tama nga si Skull na narating na nila ang highest stage ng mga abilities nila. f*ck! Paano na ngayon, iisa-isahin nila kami!







Hinarap ni Skull yung leader ng Acme, seryoso silang nagtinginan sa isa't isa.




"Wala kayong laban sa 'min" pagmamayabang nung lider ng mga black ninjas kay Skull.








"Then prove it" wika ni Skull at agad sinugod yung lider nila. Agad silang naglaban at nakikita ko ang liksi ng pagkilos nilang dalawa. Maya-maya ay tumigil sila, muli silang nagharapan at nagtinginan nang matalim.






They're hypnotising each other! pero gaya nga nung sinabi ni Skull kanina, they are more powerful than us, natatakot akong baka siya ang makontrol ng kalaban.






Maya-maya ay humarap sa 'kin yung isang babaeng miyembro ng acme. Mahaba ang buhok nito at nakikita ko sa tindig niya na malakas siya. Nginitian niya ako at sa isang iglap ay nawala siya, naramdaman ko lang na nasa likod ko na siya, agad ko siyang hinarap at sinipa pero muli siyang nawala. Sh*t! She's doing teleportation like Dr. Ruiz!





Biglang lumitaw siya sa gilid ko  at sinugatan ang braso ko gamit ang matalim niyang kutsilyo. Napahawak ako dito sa sakit, umaagos na mula sa aking ang isang pulang likido. Hindi siya tumigil sa pagkikipaglaro sa 'kin hanggang sa punong-puno na ng sugat ang buo kong katawan. Ang nakakainis lang ay wala akong magawa, hindi ko kaya ang ability na meron siya.






Sa muling pagkakataon na nawala siya ay agad akong pumikit, nag-concentrate ako sa sarili ko habang pinipilit kalimutan ang sakit sa bawat sugat na natamo ko.






Muling bumukas ang mga mata ko nang maramdaman kong nasa harap ko na siya, agad kumilos ang mga kamay ko at ipinutok sa kanya ang baril na ibinigay sakin ni Dr. Ruiz pero agad na naman siyang nawala kasama ang bala. Kainis! Nag-teleport na naman siya!



Maya-maya ay bigla siyang lumitaw sa harap ko. But this time ay nakahiga na sa lapag at duguan. Napansin ko ang nabutas niyang tiyan, tumagos kasi ang balang may asido sa tiyan niya. Natamaan ko siya kanina! Unti-unting pumikit ang mga mata niya nang marami ng dugong nawala sa kanya.



Tsk! one down! four left!




Napansin ko si Tori na ipiniltik yung mga daliri niya at biglang huminto lahat ng mga kalaban namin except Victor Suarez and the leader of Acme. Nag-concentrate yung lider ng acme at biglang nagkaroon muli ng malay yung tatlo niyang mga kasamahan. Kainis! He's ruining our strategy!





Mabilis kumilos yung isang lalaki at sinugod nito si Wyatt. Agad pinalutang ni Wyatt yung patulis na tubo sa lapag papunta sa direksyon ng kalaban pero lumihis ito ng landas at tumusok sa pader. It's the battle between two man who can do telekineses. Sayang yung tira ni Wyatt.






Hinarap naman ni Kira at ni Tori yung natitirang babaeng kalaban. Agad nilang tinutukan ng baril yung kalaban at sinubukang patamaan pero maliksi ito at nagagawa niyang ilagan yung mga balang galing sa kanila.





Yung isa namang lalaki ang hinarap nila Caleb at Gayle. Sinugod nila ang isa't isa at naglaban. Medyo nahirapan silang patumbahin yung lalaki dahil maliksi din itong kumilos. Pansin ko lang, halos lahat sila ay mabilis kumilos at kayang makapag-teleport. Pinag-eksperementuhan din kaya sila ni Victor Suarez?





Nahagip ng mga mata ko ang labanan sa pagitan ng utak ni Skull at nung lider ng acme. Seryoso lang silang nakatingin sa isa't isa. Walang kilos, tanging matatalim lang na tingin ang ipinupukol nila sa isa't isa.




Nanlaki ang mga mata ko nang unti-unting itinaas ni Skull yung baril na hawak niya at dahan dahang itinutok sa sarili niyang ulo.



F*ck! The opponent is forcing him to kill himself! This can't be!





I used my ability to create an illusion, ipinakita ko sa lider ng acme na may bombang itinapon sa harap niya. Agad nalingat ang atensyon niya sa granada pero bigla itong nawala. Ginamit ni Skull ang pagkakataong iyon para barilin yung kalaban. Biglang bumilis yung paglipad ng bala at tumama ito sa noo ng lider ng acme. Pero nagulat ako nang iniluwa lamang ng noo niya ang bala at nalaglag ito sa lapag, hindi maaari! dapat patay na siya!


Immortal ba siya? Sh*t! Is this even real?



"Arghh!" nahagip ng mga mata ko si Kira na may saksak sa tiyan at tumutulo mula dito ang isang pulang likido. Oh my god Kira!! Agad akong napatakbo sa direksyon niya at kinandong ang ulo niya. "Kira! Kira!" wika ko habang tinatapik ang pisngi niya.





"Kira!! Lumaban ka please!" pagmamakaawa ko habang unti-unti na siyang pumipikit, hindi! hindi 'to maaari!





"Kira, hindi ka mamamatay! Kira lumaban ka please! para sa kapatid mo!" sigaw ko habang nagsisimula nang umagos ang mga luha sa mata ko. Tatlo na sa amin ang malubha ang lagay at hindi ko kakayanin na mawala kahit isa man sa kanila! Ayokong mawala sila, isa sila sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nagpapatuloy ang laban ko.





Natigilan ako nang makitang bumagsak sa tabi ko si Tori, nanlaki ang mga mata ko nang makita kong may sugat siya sa leeg. Malubha ang tama niya at unti-unti na rin siyang nanghihina dahil sa mga dugong nawala sa kanya. Agad ko siyang pinuntahan at niyakap.






"I know you can do it Hailey," nahihirapang wika ni Tori habang yakap-yakap ko siya. Nararamdaman kong umaagos papunta sakin yung dugo niya pero wala na akong pakialam.





Agad ko siyang inilapag at tumayo, ayoko man silsng iwanan pero kailangan kong lumaban. Kailangan ko silang ipaghiganti.



Hinarap ko yung lalaking kinalaban nila. Seryoso ko siyang tiningnan at biglang nabuwal siya sa kinatatayuan niya. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa 'kin pero namalayan ko nalang na napunta na ako sa likod niya, nakaya kong mag-teleport. Hindi niya napansin na nasa-likod niya na ako dahil sa tinitingnan niya ang nabaling paa niya. Kinasa ko yung baril at itinutok sa ulo niya, pinihit ko yung gantsilyo at lumubog sa bungo niya yung bala. Ilang putok ang binigay ko sa kanya bilang ganti sa ginawa niya sa mga kaibigan ko. Maya-maya ay natumba siya, bumulwak mula sa ulo niya ang pulang likido at sumirit ito papunta sa lapag.




Last three left!



Iisa-isahin ko kayong lahat!

-
a/n: votes and comments are highly appreciated. Uwuu ✨

GENIUS IN A GANG (Defying Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon