Chapter 21: Unfolded History
HAILEY
• • •
Agad kaming dinala ng tatay ni Caleb sa isang kwarto na nandito sa loob ng isang abandonadong factory. May pinindot siyang code dun sa security lock nung pinto at agad itong bumukas, naunang pumasok 'yung tatay ni Caleb at sumunod kaming lahat.
Agad kong napansin ang mga machines at mga apparatus na nandito sa loob, maaliwalas tingnan ang buong kwarto. Naka-tiles ang sahig, napipinturahan ng puti ang paligid at may mga maliliwanag na ilaw na dumadagdag sa kaayusan ng silid. Isa ba 'tong lab? Omygod! Paano nila naisip na gumawa ng lab sa loob ng isang abandonadong factory?
"This is the Innovation Lab, binubuo ng mga mahuhusay na Doktor na lamalaban sa administrasyon ni Suarez," wika ni Doctor Harrison Ruiz na tatay ni Caleb.
"Pero bakit?" naguguluhang tanong ni Wyatt habang nakapinta sa mukha niya ang kuryosidad.
Siguro isang malaking tanong din para sa kanya ang nagkataong pagkakapareho ng aming mga ipinaglalaban. Hindi naman kasi namin alam dati na meron din pa lang ibang mga organisasyon dito sa lungsod na tumataliwas sa mga nais ni Mayor Suarez.
All through out we started to fight back Victor Suarez, wala kaming naririnig na ibang lumalaban sa kanya bukod samin.
"Dahil siya ang may kinalaman sa pagkamatay ng iba pa naming mga kasamahan, pagkasawi ng mga magulang niyo, at ang iba pang mga inosente. Simula ng mamuno siya dito sa lungsod, hindi na nanumbalik ang kapayapaan, mas lumaganap ang kurapsyon at humina ang boses ng mga mamamayan" sagot niya sa tanong ni Wyatt.
Dinala niya naman kami sa machine na may kumukulong berdeng likido sa loob, may nakapangalan ditong Mind Cylinder v4 at sa tingin ko ay kasya dito ang isang tao.
"It's the machine we've invented 18 years ago." wika ni Doctor Ruiz.
"With whom?" agad na tanong ni Tori out of the sudden, I know she's interested with the machine we are facing right now.
"Victor Suarez and Rina Marquez" sagot niya na ikinalaki ng mga mata ni Tori. Alam kong may nasabi si Doctor Ruiz na pamilyar sa kanya.
"Si mama? magkakilala kayo?" tanong ni Tori at nakita ko ang mga mata niyang punong-puno ng katanungan.
"Gaya ng sinabi ko kanina, kilala ko ang lahat ng mga magulang niyo. At oo, Si Rina Marquez, Victor Suarez at ako ang nag-imbento nitong machine na'to" sagot ulit ni Doctor Ruiz.
"Victor Suarez? You mean, 'yung demonyong mayor ng lungsod na'to?, kasamahan niyo siya dati?" tanong naman ni Kira.
"Oo, Katulad ninyo ngayon. Siyam kaming magkakaibigan ng mga magulang niyo noon. Pare-pareho naming pinangarap na maging Scientist, pero tatlo lang kaming naging matagumpay, kasama ang nanay mo Tori at si Victor Suarez na naging mayor para pagtakpan ang unang krimen na nagawa niya." wika ni Doctor Ruiz.
Agad nagprocess sa utak ko ang mga sinabi niya, So ang mga magulang pala namin dati ay magkakaibigan, Kaya ba gano'n na lang din kami naging mabilis na nagkapalagayan ng loob sa isa't isa dahil magkakaibigan din pala ang mga magulang namin noon.
"Ano namang kinalaman ng machine na 'yan sa mga abilidad namin?" mapangahas na tanong ni Benj na unang beses kong nakitang nag-seryoso.
"Noong naimbento namin itong Mind Cylinder v4 ay agad namin itong sinubukan sa aming mga sarili kasama ang iba pa naming mga kaibigan. Pero hindi namin alam na hindi pala samin lalabas ang epekto nito." wika ni Doctor Ruiz habang seryosong nakatingin sa aming lahat. "Kung hindi sa mga susunod naming salinlahi." dagdag niya na mas lalong nakapag-pagulo ng utak naming lahat.
Ano 'yun nag-eksperimento sila sa mga sarili nila tapos samin lumabas? Ang wierd.
"Ano bang kakayahan ng machine na'yan?" tanong ni Skull na gustong gusto nang malinawan sa lahat. Kilala ko siya, hindi siya tumitigil hangga't hindi niya lubusang naiintindihan ang mga bagay-bagay. Mas lalo na itong may kinalaman sa pinagmulan ng aming mga kakayahan.
"Kayang gawin ng makina na'yan na palawakin ang isip ng isang tao at mas maging angat sa lahat," muling sagot ni Doctor Ruiz.
"Ang ibig mong sabihin, ninais niyo dati na mas lumawak pa ang kapasidad ng inyong mga isip at magkaroon ng labis na katalinuhan, pero dahil nga sa maling kalkulusyon niyo ay samin napunta ang mga kakayahan na iyon?" wika ko na agad nakuha ang mga sinabi niya.
Napag-konekta ko na ang lahat ng mga bagay sa nakaraan ko. Kaya pala 'yung dati naming bahay ay may mga machines din na sinasabi ni mama na naimbento daw ni papa. Dahil kahit hindi siya naging Scientist tulad ng tatay ni Caleb at nanay ni Tori ay naging mahusay siya sa siyensya. Kaya pala naging ganito ako katalino dahil sa 'kin niya naipasa ang epekto ng kanilang eksperimento.
"Tama, tunay ngang anak ka ni Lenard," sagot ni Doctor Ruiz at binanggit ang pangalan ng ama ko. Ngayon naniniwala na akong tunay ang mga sinasabi niya.
"Teka, may sinabi ka kaninang ninais maging mayor ni Victor Suarez para mapagtakpan ang una niyang nagawang krimen hindi ba? Ano ang krimen na iyon?" wika ni Wyatt na muling naging tanong sa isip naming lahat.
"Oo, tama ang narinig mo. Noon kasing nalaman niya na hindi sa 'min tumalab ang eksperimentong ginawa namin ay labis na sumama ang loob niya. Inisip niya na walang kwenta rin ang lahat kung hindi naman daw namin ito mapapakinabangan at maipapasa lang namin sa mga anak namin. Kaya pinilit niya kaming lahat na hindi dapat kami magkaroon ng pamilya, pero hindi sumang-ayon ang lahat sa kanya kaya tinanggal na namin siya sa grupo at nagkaroon ng mga sari-sariling pamilya, nagsimula kami ulit ng wala si Victor, akala namin noon ay maayos na ang lahat sa kanya dahil kahit siya ay nagkaanak na rin noon" wika ni Doktor Ruiz pero agad itong kinontra ni Skull.
"Pero hindi! ipinapatay pa rin ni Victor Suarez ang mga kaibigan ninyo, hindi ba!?" sigaw ni Skull kay Doktor Ruiz at halata sa boses niya na galit siya. Natural lang naman siguro ang nararamdaman niya dahil kami rin ay namatayan ng magulang dahil sa Suarez na 'yon!
"Oo, kahit ako ay nagawa niyang ipapatay, pero nakaligtas ako sa mga kamay niya. Kahit nga ang sarili niyang anak ay nagawa niyang ipapatay pero misteryong nakaligtas rin yung bata. Ngayon naiintindihan niyo na kung bakit gustong-gusto kayong ipapatay ni Victor Suarez, dahil kayo ang nagpapa-alala sa kanya sa mga maling desisyon niya noon." wika ni Doctor Ruiz, kaya pala gano'n na lang niya kami gustong ipapatay dahil sa amin napunta ang mga abilidad na dapat sana ay nasa kanilang mga magkakaibigan. Inggit ang tunay niyang dahilan.
"Nasabi mong may anak si Victor Suarez at himalang nakaligtas ito, nasaan na siya ngayon?" tanong ni Wyatt na gumimbal sa aming lahat.
Agad niya kaming binigyan ng seryosong tingin, nakikita ko sa mga mata niya na alam niya ang sagot sa tanong ni Wyatt.
"Isa ang batang 'yon sa inyo" sagot ni Doctor Ruiz na lubos nakakuha ng atensyon naming lahat. Nanlaki ang mga mata namin sa sinabi niya.
Ano?! Isa sa amin ay anak ni Mayor Suarez?
Pero sino?
BINABASA MO ANG
GENIUS IN A GANG (Defying Trilogy #1)
Mystery / ThrillerNine peculiars and gifted members of a gang. They're not your typical trouble makers, instead they fight for what is right. But did you know what make these teens more special? - Highest Ranking Achieved: [05-22-2020] • #29 in Gang • #39 in Sci...