Chapter 21: Prison Edge

34 0 0
                                    

—Nolian City of Ohira 21.

"Fuck this life! Ahh! Another cut! Fuck! Fuck!"

Napa- buntong hininga na lang ako ng makitang tumatakbo si Caise at Gughes. Well, Gughes was the one who screamed. Marami na ring sugat sa katawan nila dahil sa hindi matapos- tapos na mga kutsilyo o dagger na bigla na lang na bumubulusok sa amin. Madilim ang loob ng kulungan pero malawak at malaki iyon. Hindi namin alam kung saan ba nanggaling ang mga patalim at bakit hindi maubos- ubos. Kaya pala Prison Edge ito.

Hindi nga rin ako makapaniwala na sumama pa sila sa akin dito. Taga- Poor Nolian naman daw ako at kasama nila kaya wala daw'ng iwanan. That touched my heart but I never let them see my reaction.

Cara and Tanlia are busy avoiding the edges. Last and Evonne are fighting with the edges by kicking or avoiding it. And the two highs, they are busy running. And these damn prison is a freaking circle. Kung tatakbo ka man ay babalik ka pa rin sa kinatatayoan mo. Napalingon naman ako kay Trefor na nakatayo lang at ang bawat dagger o ano mang edge tools na ilang inches lang na makakalapit sa kanya ay bigla na lang na nawawala.

But I can see a dark rectangular covering him. Parang 'yon ang humihigop o kumakain sa mga patalim. Napatingin na ako sa mga kamay at binti kong halos manginig na sa pagod. Kanina pa ako umiiwas at lumalaban sa mga punyetang patalim na mga 'yan. At tatlong oras pa lang ang nagamit namin, we have more three hours in prison to complete the six hours punishment.

"Potang ina, pagod na ako, ha." napatigil ako at natatawang napalingon kay Caise.

Nakahawak ang dalawang kamay niya sa mga tuhod niya habang hapong- hapo. Malakas na nagsitawanan rin ang mga kasama ko maliban kay Trefor.

He is just coldly staring at what's in front of him, and specifically speaking nothing but dark is in front of us.

"Ahm, Trefor..." tawag pansin ko sa kanya.

Lumingon naman siya sa akin at naghintay sa sasabihin ko. Tatlong dagger at isang kutsilyo ang bumubulusok sa direksiyon ko kaya kinuha ko na ang sapatos ko at ginamit pangsangga iyon sa kutsilyo at napa- back flip ako ng wala sa oras para maiwasan ang tatlong dagger. They fell behind me on the floor.

"Fuck..." I can't help to whispered frustratedly while combing my messy hair. Napatitig ako kay Trefor at naalalang tinawag ko pala siya. "Ahm, help us? No, I mean... can you cover us? This fucking whole thing doesn't have anything connected to our abilities so we will die avoiding these shitty tools. You look... cool and not tired. So, ahm?"

Tinitigan niya muna ako ng ilang segundo sa mga mata at tumango. Napahinga naman ako ng maluwang at biglang nasa loob na kaming lahat sa isang madilim na pa- round na bagay. Napatingin ako sa tinatapakan ko at walang iba kundi ire iyon. Napahakbang ako dahil sa gulat.

Napatingin ako kay Trefor na biglang naging itim ang kulay ng mga mata. Napalunok ako at rinig ko rin ang bulungan ng mga kasama ko.

"Is he... protecting us or... is he a-an opponent too?" nagdadalawang- isip at halatang weirdong- weirdo na tanong ni Evonne.

"Seriously, I just asked if he can cover us and I'm not expecting this." sagot ko naman at nasa likod ko lang pala sila.

Natigilan kaming lahat sa isang natatakot na tili na lumabas sa bibig ni Cara. Nakaluhod na siya at mariing nakapikit ang mga mata habang sumisigaw ng tulong. Nanginginig ang buong katawan niya at patuloy lang siya sa pagsigaw habang mahinang sinusuntok ang ireng tinatapakan namin.

Napalingon ulit ako kay Trefor at ganoon pa rin ang kulay ng mga mata niya. Walang pagdadalawang isip na tinakbo ko ang kinaroroonan niya at hinawakan ang magkabila niyang pisngi. Mula sa pagtitig sa mga kasama ko ay lumipat sa akin ang tingin niya.

PÓTERETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon