Chapter 23: The Old

33 1 3
                                    

—Nolian City of Ohira 23.

"Hello class..."

Napabalik ang huwisyo ko dahil sa boses na iyon ni Ms. Athelia. Napatingin ako sa kanya at nakangiting nakatayo siya habang nasa tabi niyang nakatayo rin na si Trefor.

Nakuha ang buong atensyon ko dahil sa sinabi ni Cara. She always dreamed  of the one who killed her family and Trefor's mom. Kung ganoon, maaring hindi pa ito patay at gustong maghiganti o kaya naman may ibang hindi magandang mangyayari.

"Oh hi Miss. Tapos na pala kayong mag-usap." saad ni Tanlia at mukhang katulad ko rin na nafocused sa sinabi ni Cara. Peke pa itong natawa at umayos ng upo. Napasulyap pa sa akin.

Napakunot naman ang noo ni Ms. "May nangyari ba? Mukha kayong uneasy lahat." puna niya at tama nga siya. Lahat kami ay naging uneasy sa sinabi ni Cara.

Gughes filled the awkward air around us with his fake laugh. Nakakabuysit pakinggan kaya hindi ko napigilang tingnan siya ng matalim. He stopped and cleared his throat. Tumayo siya at nag-unat unat sa harap pa mismo ng adviser namin. Walang hiya talaga.

"Okay lang po kami, medyo pagod lang talaga siguro dahil sa nangyari sa amin sa Prison edge." at binuntutan pa ng isang pekeng tawa. Ang sarap batuhin ng can juice na iniinom ko kanina. Lahat kami ay napa-iling na lang.

"Ahh, you guys looks like needed to rest but I'm sorry you can't." napangiwi ako sa sinabi ni Miss Athelia halos lahat kami. Natawa naman siya ng makita ang bawat reaksyon namin. "All students have a trip to ‘Blue Moon’. It's a must kaya wala kayong choice. Medyo late na kayo ngayon dahil sa six hours punishment na natanggap niyo. We have to hurry up."

Kahit nasa harap namin si Miss ay hindi parin namin napigilang mapa-ungol ng disgusto sa narinig. I want to rest and I know they want it, too. Napasulyap ako kay Trefor na walang reaksyon sa mukha pero may isang bagay akong napansin sa bandang leeg niya, parang isa iyong pasa dahil namumula at may kaunting violet. Napatingin ako kay Miss Athelia na malakas ang tawa at tinuro-turo pa ang mga kasama ko. She looks so happy.

Parang biglang bumigat ang pakiramdam ko. Nagkatitigan kami ni Trefor pero walang reaksyon ang mukhang umiwas ako ng tingin. Hindi ko alam pero gusto ko siyang sapakin. Ayokong maramdaman 'to.

Oo nga, walang asawa si Miss at parang ka-edad lang namin pero masama 'yon. Masama ang — shit.

"Akin na lang 'to." lukot ang mukhang bulong ko kay Tanlia at tinuro ang hindi pa nabubuksang can juice niya. Tumatawa siya sa sinabi ni Ms. at tumango lang sa sinabi ko.

Mas na frustrate pa ako sa ginawa niya. Hindi man lang ba niya napansin ang reaksyon ko at mas inuna pa niya ang iba? Halos umabot na sa sahig ang nguso ko sa inis. Nasa pinakahuli ako naka-upo kaya medyo tumalikod ako sa kanila dahil hindi naman ako ganoong mapapansin.

Padabog na binuksan ko ang can juice at ininom. Sari-saring hindi magagandang imahe ang rumagasa sa isip ko sabay sa pagragasa ng juice sa bibig ko. Napa-iling ako. Masyado ng impossible ang mga bagay-bagay na pumapasok sa isip ko dahil lang sa isang mukhang hickey sa leeg ni Trefor.

And shit Gwyn, ano nga ba ang pakialam mo kay Trefor para maramdaman mo 'yan?

I bit my lowerlip tightly. Hindi maganda 'to.

"Hoy Gwyn! Tinatanong ka ni Ms." tawag pansin sa akin ni Last at tinampal pa ng malakas ang isang kamay ko na nakapatong sa mesa. Pinaningkitan ko siya ng mga mata, mukhang bumabawi siya sa ginawa ko kanina.

Hindi ko alam pero hindi ko mapigilang maging ganito ang pakiramdam. Kahit mag-smile pa siguro ako ay hindi 'yon matatakpan ang busangot sa mukha ko. Mas mabuti pang maging emotionless ang mukha ko para hindi pa nila mabasa na inis na inis ako ngayon.

PÓTERETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon