Chapter 5: Trefor

109 13 0
                                    

Nolian City of Ohira 5.

May balak kasi akong tumakbo kanina kaya ngayon na imbes na siko ko lang ang hatak hatak niya, ngayon ay damit ko na. Nakatalikod ako sa kanya at nasa damit ko naman na nasa batok ang mga kamay niya at hinihila ako patungo sa kung saan.

Gusto ko nang humingi ng tulong pero oras ngayon ng dinner kaya sigurado akong lahat ng tao ay nasa dinner hall.

Pumipiglas- piglas ako at siya naman ay tumatawa lang. Tawang ayokong marinig hanggang sa mamatay ako.

"I know, you'll like this place." bulong niya na agad na nagpa- taas sa buong balahibo ko sa katawan.

Napatingin ako sa daan at sa bawat dingding na nadadaanan namin. It looks familiar but I couldn't say where he's taking me. Kung may balak man siyang masama sa akin ay hindi ako mangingiming labanan siya.

Huminto siya at ako ay nanatiling nakatalikod. A sound of big old door slowly opened is so familiar to me. At may naririnig akong tawanan ng mga tao na sa bawat paglaki nang pagkabukas ng pintuan ay mas lumalakas ito.

Nanlalaki ang mga matang mabilis akong humarap. Hindi nga ako nagkakamali, dinala niya ako sa Dinner Hall!

Mula sa malakas na tawanan ay biglang natahimik ang lahat nang makita nila kami. Lumingon ako sa katabi ko at nakangisi lang siya pero napaka yelo parin ng titig.

"You can go now." saad nito bago iniwan akong nakatunganga sa pintuan. I looked at him weirdly while he's full of confidence walking to their table. Napa- kunot ang noo ko ng huminto siya sa harap ng Hari at walang pasubaling umupo sa kaharap na upuan nito.

"Gwyn, dito!" lumingon ako sa tumawag sa akin at nakitang si Tanlia iyon, naka upo siya sa huling mesa na para naman talaga sa choosen warriors.

Mabilis akong lumapit sa kanya at pansin kong lahat ng mata ay nakatingin sa akin. Pinilit ko na lang huwag paninsin iyon at humarap kay Tanlia pagka upo ko sa tabi niya.

"Aba, kaya pala ang tagal mo." naka ngising pang-a asar niya sa akin at sinundot pa ako sa tagiliran na ikina gulat ko.

"Ano ba," saway ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako. May nakalagay ng pinggan sa harap ko at mga iba pang utensils.

Nagpa- salamat ako sa kanya nang bigla niyang nilagyan ng pagkain ang pinggan ko. Tumawa lang si Tanlia at halos punuin ng pagkain ang pinggan ko.

Tumingin- tingin ako sa paligid at nahinto iyon sa babaeng kasama namin sa tour kanina. Siya 'yong babaeng nerd. Kung hindi ako nagkakamali, ang pangalan niya ay Cara . Nasa gitna siya ng hall at may dalang pinggan habang nakatingin sa mga mesa.

The people seems not to notice her and just talking or laughing. Her face is void of many emotions and like anytime, she's going to cry. Naaawa na ako sa kanya kaya siniko ko si Tanlia na seryoso sa pagkain.

"Yes?"

Tinuro ko ang babae na sinundan naman ng tingin ni Tanlia. Agad naman na bumadha sa mukha nito ang awa.

"Uy, girl! Dito ka na! Halika!" hindi na ako nagulat ng gawin 'yon ni Tanlia. The girl looked at our direction and her face lit up. Bakit hindi siya naka- upo sa mga mesang para rin sa mga taga- Rich Nolians kung taga rito lang din naman siya.

Mabilis naman itong naglakad palapit sa mesa namin at umupo sa kaharap naming upuan. She smiled to us and her eyeglass flash from the light of the chandelier. Napatingin ako sa pinggan niyang kanin lang ang laman.

"Hi, ako pala si Tanlia Hoodson," pagpapakilala ng katabi ko at tinuro rin ako. "Ito naman ang best friend kong si Gwyn Urquhart. Ikaw? Looks like your alone."

PÓTERETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon