Chapter 24: Broke

18 1 0
                                    

— Nolian City of Ohira 24.

"What's wrong? Kanina ka pa walang imik, ha. Nababahala na ako, Riri."

Nandito kami ngayon sa sariling kuwarto at nakahiga sa kanya-kanyang kama. Parehong nakatingin sa kisame. Napakagat ako ng mariin sa ibabang labi. Ang emosyon na yumayakap sa puso ko ay mas lalo lang na pinapaiyak ako. Ayokong umiyak. Ayokong lumuha. Kahit na kaibigan ko pang matalik si Tanlia ay ayoko.

"M-masakit..." hindi ko na napigilan pang mapiyok sa isang salita na lumabas sa bibig ko.

Mabilis pa sa kidlat na nasa tabi ko na siya at nag-alalang mukha niya ngayon ang tinitignan ko. Bumuntong hininga na itinaas ko ang upper part ng katawan at humilig sa headrest.

"May problema ba?"

Tumango ako. Nakatulala sa hangin. "Nasasaktan ako... at ayoko magkaganito."

"Kay Trefor ba? Nasasaktan ka ba dahil sa kanya?"

Napasulyap ako sa kanya at dahan-dahan rin na inalis ang tingin mula sa kanya. "Oo... ewan ko ba. Ewan ko..."

"Kaya pala ang cold mo kay Ms. kanina. Alam kong may ibang tumatakbo sa isip mo at dalawang tao ang dahilan kaya nasasaktan ka. Si Ms. at Trefor." saad niya at hindi ko na napigilan pang mapaiyak.

"Ang tanga ko di'ba? Pati teacher natin na walang ginawa, dinala ko pa sa katangahan ko. I shouldn't think of her as my opponent. Bakit... bakit may kami ba ni Trefor? May namamagitan ba sa amin para magselos ako? Akin ba si Trefor? Tang ina... pinapatay ako sa selos na dapat hindi ko naman dapat maramdaman." napahawak ako sa dibdib ko at dala sa emosyon na dahan-dahan kong kinumos ang damit sa parteng dibdib ko. Napapikit na lamang ako nang magsimulang dumaloy ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Bakit... required bang dapat na may kayo para magselos ka? Hindi ba puwedeng sadyang mahal mo lang siya kaya nasasaktan ka. Love is freedom. You can love whoever you want but just don't assume you can have that someone." dugtong pa ni Tanlia na mas lalo lang na nagpa-iyak sa akin.

Habol na ang hininga sa lakas ng emosyon na iminulat ko ang mga mata. Mariin kong kinagat ang ibabang labi habang marahas na pinupusan ang mga luha na ayaw matigil sa kakahulog. Napapikit na lang ako ng mariin.

"At may namamagitan ba kay Ms. at Trefor? Parang ikaw naman ang gusto ni Trefor, ramdam at alam ng grupo 'yan."

"Ako?" iminulat ko ang mga mata at natatawang itinuro ang sarili. "Gusto ako ni Trefor, nagbibiro ka ba? So, ano 'yong nakita kong hickey sa leeg ni Ms. at bakit ang joyful niya kanina? Siya na ang kasama ni Trefor sa mahabang panahon, Tanlia, kaya hindi na ako magtataka kung palihim na may relasyon sila."

Nangunot ang mga noo niya. "Sigurado ka ba diyan? Hickey? Baka kagat lang ng insekto 'yong nakita mo."

"Hindi ako bulag. Magkasama sila ni Trefor na bumalik kanina and she's very happy." halos sumigaw na sabi ko.

She raised her both arms. "Okay, okay, okay, relax. Ang sinasabi ko lang naman ay baka nagkamali ka lang. And I swear, Trefor likes you. The way he stares at you, smiles at you or even how he talks with you. May something na kapag sa amin ay wala. And it doesn't mean they know each other for a very long time, may relasyon na tinatago."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi nagkakalayo ang edad ni Ms. sa atin. She's very beautiful and smart. A kind of woman where every man would die just to have her. She's too—"

"Ikaw naman kasi, down na down ka na tapos nakakita ka pa ng ibang bagay na mas lalong nagpagulo sayo. Na kung tutuusin wala lang naman."

"Then what do you think—"

PÓTERETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon