Chapter 05

104 12 8
                                    

Chapter 5 -
Esmeralda is my girlfriend. Smirk.
****

Esmeralda's POV

Nandito ako ngayon sa room at nakaupo sa pinakadulong row malapit sa bintana. Lalong naginit 'yung ulo ko ng makita si Timothy na pinagkakaguluhan ng mga kababaihan.

Kailangan na nilang magpacheck-up dahil malala na 'yung mga mata nila, hmmp.

Habang pinapatay ko siya sa isipan ko, nagulat ako ng may biglang sumulpot sa likod ko at nagsalita.

"Mukhang kailangan na nga nila magpatingin sa doctor, haha" napatingin ako sa kanya at matamis niya akong ningitian.

"Wait, mind reader kaba?!" natawa naman siya sa sinabi ko at agad na umupo sa katabing upuan.

Pinagmasdan ko 'yung mukha at sobrang puti niya. nakakainggit.

"Alagang vicki belo yata 'to" pagbibiro niya at tumawa ng malakas.

"Pashnea ka, huwag mong basahin 'yung iniisip ko!" sigae ko sa kanya.

"Oo nga naman, inaaway mo agad si Esmeralda, hihi" napatingin ako sa harap ko at nakita kong rumarampa siya papunta sa amin. Nakipagbeso siya sa akin at nakangiting niyakap ako.

"Anong ginagawa niyo dito, mga gorang ?!!" tanong ko sa kanila.

"Grabe ka naman! Ang ganda ko kaya ngayon, diba?" tanong niya kay Archmeniah.

"Oo nga, nagpapogi kaya ako para habulin ng chix, hehe" umakto naman siyang macho gwapito kaya naman umakto akong nasusuka.

"Sana may gwapo tayong maging classmate, gusto ko 'yung makalaglag brief, hahaha" natatawang sabi ni Lanz. Nakipag-apir naman ito kay Kimmy kaya napairap nalang ako sa kabaliwan nila.

Hindi ko pa pala nasasabi na kaibigan ko sila, haha. Si Archmeniah ay isang babaeng umaaktong macho kahit hindi naman. Gusto niya sa kapwa babae kaya sinusumpa niya 'yung mga kalalakihan, raawrr.

Si Lanz ay tinagurian na nanay-nanayan ng barkada dahil siya 'yung laging nandyan kapag may problema kami. Matinik 'yan sa mga lalaki dahil sobrang yaman niya. May business na kasi siya, kaya 'yung mga lalaki ang lumalapit sa kanya. Ang haba ng hair ni madam, sarap putilin. Haha. Pero kahit na bakla siya ay tanggap namin 'kung ano siya dahil sobrang kalog niya.

Nabalik ako sa katinuan ng biglang nagtitili 'yung mga kaklase ko. Nagtataka naman iaming tumingin doon at nanlaki ang mata ko ng makita si Timothy !!!

Agad kong itinago ang sarili ko kay Kim at kinakabahan na nginatngat 'yung belt na suot niya. Wala akong lahing daga, sadyang kinakabahan lang ako. Huhu.

Nagulat ako ng malakas niyang sinigaw 'yung pangalan ko at napabilis 'yung pagtibok ng puso. Ramdam ko 'yung mabibigat niyang hakbang papunta sa akin kaya agad kong niyakap si Archmeniah at humingi ng tulong.

Pero parang wala siyang narinig at tinanggal 'yung pagkakayakap ko sa kanya. Nakita kong tulala at naglalaway si Lanz habang nakatingin kay Timothy. Mga traydor kayo, huhu.

Napasinghap ako ng itayo niya ako at inupo ng maayos sa upuan. Naramdaman ko 'yung matatalim na tingin na ipinupukol sa akin ng mga kababaihan kaya pinagpapawisan akong ngumiti sa kanila. Huhu, parang gusto yata nilang iletchon ako. Huwag naman, sayang 'yung maganda kong lahi, raawrr.

"This is my girlfriend, Esmeralda" ngumisi siya at kinindatan ako. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko at nakita kong nagulat din 'yung mga kaklase ko sa narinig.

Narinig ko 'yung bulung-bulungan nila parang tutubi, nawalang tinatagong bato. Sa aking kamay. Na nahulog sa lupa. Tinuka ng manik. Na nanggalin pa sa bundok. Hehehe, joke lang.

"Ang flat niya paanong naging girlfriend yan ni King Timothy?" tumingin naman ako sa nagsalita at nakita kong nag-middle finger siya. Aba, matindi.

"Hoy, hindi ako flat! Gusto mo ipakita ko sayo 'yung malulusog kong joga, huh? Mamamahagi ako 'kung nagseselos ka!" sigaw ko sa kanya. nakakairita 'tong gorang na 'to. Pigilan niyo ako pigilan niyo ako, grrr.

"Tignan mo 'yung mukha niya, mas hamak na maganda ako sa kanya" lumapit ako sa nagsalitang iyon at napahinto siya at kinakabahan na tumingin sa akin.

"Ang kapal ng tinga mo, eh retokada ka naman!" sasampalin niya sana ako ng pigilan siya ng kaibigan niya. Ginigigil ako ni Timothy, raaawwwrr.

Agad akong inilayo ni Lanz sa nga gorang na 'yun at hinagod 'yung likod ko para pakalmahin.

"Huwag mong dibdibin, kahit wala ka nanan dibdib. May likod ka pa, kalma. Hehe" pagbibiro niya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin kaya natatawa siyang lumayo sa akin.

"Gwapo naman pala eh, tatanggi ka paba sa grasya? Bumaba na 'yung anghel para sa'yo, saluhin mo na" natawa naman si Lancelot sa sinabi ni Kimmy kaya tinignan nila ako ng nakakaloko at nag-sign ng eut. mga traydor!

Mga kaibigan ko ba talaga sila, huh? Huhu. Mga demonyo, pinagkakaisahan ako. Lagot kayo sa akin mamaya, grrr.

"Esmeralda, pakiramdam ko nalaglag na 'yung brief na suot ko. Pwede niya bang saluhin? Hihi!" maharot niyang sabi habang napapahawak sa abs niya. Ang landi niya, raaawrr.

"Tigilan mo na ako, Timothy. Pati ba naman dito susundan mo 'ko?" naiirita kong tanong. nang magecho sa isipan ko 'yung sinabi niya kanina ay napatakip ako ng tenga.

Ano ba layuan mo ako?!! Malanding hormones cell, huhu.

'Sus, gusto mo rin naman. Huwag kang pasarap beh, may ulam na sa harap mo, tatanggihan mo paba? kanin nalang kulang, hoy.'

Ang kapal ng mukha mo syempre hindi, naghahanda na kaya ako ng kanin para pagpyestahan siya, hihi.

Napabalik ako sa katinuan ng may pumitik sa noo ko at nakita kong si Timothy iyon.

Sa pagurong ko ay nanlalaki ang mata ko ng maout-of-balance. Napapikit naman ako sa takot at ng wala akong maramdaman na kahit anong sakit sa katawan ko ay dumilat ako.

Napangiti ako ng makita ko 'kung sino 'yung sumalo sa akin.
Mabilis akong tumayo at magtago sa likod niya.

"Anong nangyayari dito?" nagtatakang tanong ni Alvin sa akin.

"Babe, inaaway ako oh" tinuro ko si Timothy habang nakatingin sa kanya. Pero nagulat ako ng makitang nakipagkamay siya sa kabayong 'yon.

"Pare, ingatan mo siya. Sana matagalan mo 'yung paguugali niya. Pinapaubaya ko na siya sa'yo" natawa naman 'yung dalawa sa narinig, ganoon na din siya. akala ko ba naman ipagtatanggol mo ako sa kanya pero traydor ka din, waaaahhh.

"Sana mapaamo mo 'yan, haha" sabat ni Lanz.

Tumingin sa akin si Archmeniah at ngumisi ng nakakaloko. Hindi ko alam pero bigla akong kinalibutan sa tingin niya. Hoy, anong binabalak niya ?!!

Mabilis siyang lumapit kay Timothy at may ibinigay. Nang marealize ko 'kung ano 'yun ay dadamputin ko na sana ng bigla niyang ilayo iyon sa akin.

Nanlalaki ang mata kong tumingin doon sa picture na hawak niya at nakaramdam ako ng panghihina ng makita siyang ngumisi. Waaaahhh, nakasalalay 'yung buhay ko sa litratong 'yon.

Hindi ko alam na kinuhanan pala ako ni Archmeniah ng litrato habang nagp-prank ako sa mga taong hindi ko kilala. Napatigil ako sa paghinga ng ngumisi si Timothy habang nakatingin doon.

Katapusan na ng buhay ko kapag nakita niya lahat ng pictures na iyon. Waaaahhhh, anong gagawin ko?! Sinamaan ko ng tingin si Archmeniah pero sinuklian niya ako ng ngiti habang nakapeace-sign.

"You look lovely here" bulong sa akin ni Timothy. Kinakabahan na umiling ako sa sinabi niya at ngumiti ng pilit.

"Hahahahaha" umakto naman akong natatawa sa sinabi niya.

Huhu, sa kanya nakasalalay 'yung buhay ko ngayon. Huwag niya sanang ipagkalat 'yun dahil paniguradong itatakwil ako ng angkan ko at mawawalan ako ng mana kapag nalaman nila lahat ng kalokohan ko. Sana panaginip nalang ang lahat. Gusto ko ng magising sa bangungot na 'to. Waaaahhh.

d | TT ^ TT | b

Where's My Punishment, Mr. Mafia?! (Unedited)Where stories live. Discover now