Chapter 16

76 2 0
                                    


Chapter 16 - Community Service
in St. Lukes Hospital.

******

Esmeralda's POV

Mukhang mags-super sayan na 'yung head nurse sa naabutan kaya kinakabahan akong tumawa. Waaahh, nararamdaman kong magkakame-hame wave na siya, huhu.

Nakanguso kaming sumunod kay head nurse zadayah dahil kailangan namin mag-community service. waaaaahh, niyayaya ako ng hagdan na tumakbo palabas ng hospital para magtago sa 'kung saan.

d | T'T ^ T'T | b

"Huwag mong subukan na balakin 'yung iniisip mo" seryoso niyang wika. Napatalon ako sa gulat dahil sa biglaan nitong pagharap, kaya kinakabahan akong nagtago sa likod ni bakulaw. Waaaah, she's scary.

Dahil sa takot ay sumunod na kami sa inuutos ng head nurse. Nabalitaan kong matandang dalaga na pala siya, kaya siguro ayaw niyang makakita ng magjowa. Ang bitter ampalaya ni nurse zadayah, kung ipareto ko kaya siya sa security guard ng hospital para hindi niya na kami pagdiskitahan? Hmmm ....

Napansin ko kasi na laging nakatingin si manong sa kanya at parang teenager 'kung kiligin, hahaha. mukhang hindi na magiging kulelat lovelife ni manong this year, ayieeee .....

Nang huminto si Nurse Zadayah sa paglalakad ay napatingin kami sa kanya. May ibinigay siya sa amin na papel kaya nagtataka kami ni kabayo ng tumingin sa kanya.

"Sign the agreement paper" binigyan niya kami ng tag-isang ballpen. Binasa namin 'yung paper at bigla akong nanlumo sa nakita. Waaaaahhh, is this insane? Isang linggo kaming magc-community service. Huhu.

"Pwede bang bayaran nalang?" mahina kong tanong. napatalon ako sa gulat ng sumigaw ito.

"HINDI, KAYA KAILANGAN NIYONG GAWIN 'YUNG SINASABI KO. ISUSUMBONG KITA SA NANAY MO KAPAG HINDI KA PUMAYAG!" nagulat ako sa sinabi niya at natatawang lumapit sa dito. Owemji, nanlalambot 'yug tuhod ko sa sobrang kaba.

Ang kahinaan ko lang naman sa buhay ay malaman ni mama lahat ng kalokohan na ginawa ko at mafreeze 'yung bank account na ginagamit ko, huhu.

"Totoo bang kilala mo parents ko?" mahinahon kong tanong. bakit ba? nagbabakasakali ako na baka nagsisinungaling lang siya. Waaaaaahhhh.

"Oo naman" nakataas-kilay niyang wika.

"Weeehh? Talaga? Saan pruweba?" nakita kong nagpipigil ng tawa si kabayo kaya kinurot ko siya sa tagiliran. Bakit siya tumatawa eh seryoso ako? Nagtaka ako ng makitang masama 'yung tingin sa akin ni nurse zadayah. Anyare?

"Pfffftt, basahin mo na 'yan at pirmahan" nakita ko siyang tumalikod at tumawa. Weird.

Binasa ko na 'yung agreement paper na hawak ko at pinatalikod si kabayo para makapirma.

"Pwede na kayong magsimula" may binigay siyang uniform kaya kinuha na namin 'yun.

Nurse Zadayah's POV

Pagkaalis nila sa harap ko ay tumingin ako sa paligid bago tawagan si Mrs. Nozaiah.

"Kamusta na 'yung pinapautos ko sa'yo?" tanong niya sa kabilang linya.

"Good news, madam. Pinirmahan na po nila 'yung agreement paper" nakangiti kong wika.

"Hindi ba nila napansin 'yung nasa ilalim na papel?" tumawa ako at umupo sa desk information.

"Sinigurado ko pong hindi sila maghihinala kaya malabong napansin nila 'yung nasa ilalim ng papel. Is-send ko na po 'yung file, haha" napahagikhik siya sa narinig at agad na pinutol ang tawag. Napatingin ako sa dalawang naghaharutan at bahagyang ngumiti.

Where's My Punishment, Mr. Mafia?! (Unedited)Where stories live. Discover now