Chapter 11

78 10 1
                                    

Chapter 11 -
Expectation vs. Reality.
*****

Esmeralda's POV

Nahihilo akong naggising at tumingin sa paligid ko.

Napahawak ako sa ulo ko at natatawang hinawakan 'yung katabi ko.

Sinampal ko siya kaya nagising ito at nakangusong tumingin sa akin habang hawak 'yung namamagang pisngi.

"Bakit kamukha mo 'yung kabayong si Timothy?" napaisip siya at napapapikit na nagsalita.

"Ang gwapong kabayo ng Timothy na 'yun" natatawa niyang sabi.

"Pektusan kaya kita? Nanggigil ako doon, pisting yawa siya" natawa kaming dalawa at nakipag-apir sa isa't isa.

"Kamukha mo din si Esmeralda. 'Yung amazonang bungangera ng taon, haha" tumawa kami ng malakas at nahihirapan na tumayo.

"Ang ganda ko naman para ipagkumpara mo doon. Sa ganda kong ito ..." tinuro ko 'yung sarili at tumingin sa kanya. ".. si bakulaw lang hindi tinatablan ng charms ko, ipapatingin ko siya sa doctor at ipapacheck-up ko 'yung malabo niyang mata, nakakaimbyerna" napahawak naman siya tiyan habang tumatawa.

"Sa lahat ng babae na nakikilala ko siya ang pinakaweird"

"Bakit naman?" napapapikit kong tanong. aray, ang sakit ng ulo ko. grrrr.

"Parang lola siya 'kung magalit tapos kapag naamoy niya 'yung damit ko, aba sinisinghot na parang katol" napaapir kami sa isa't isa at tumawa ng malakas.

"Pero matanong ko lang, anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya.

Austin's POV

Matapos ang Nozaih's Gala ay hinatid na namin palabas 'yung mga guest at nagpaalam na.

Pinasarado ko na sa kasambahay ang pintuan ng palasyo kaya nagkatinginan kami ni Arthaneala at nakipagunahan na tumakbo papunta sa kwarto nila Timothy.

"May nangyayari na kayang himala? Yieeeuutt" nilagay ko 'yung tenga sa pintuan at nakinig 'kung ano ang nangyayari sa loob.

Nakinig kami ni Arthaneala at napahagikhik kami ng may marinig na sigaw.

"Aray naman dahan dahan lang hindi ako mawawala dito"

"Hoy, huwag mo akong hilahin ang hapdi kaya" singhal ni Esmeralda.

"Oh sige, pwede ko na bang kainin 'yan?" nagulat kami sa narinig mula kay Timothy kaya mas lumapit pa ako sa pinto at nakinig ng mabuti.

Napahagikhik kami dahil hindi namin alam na matinik pala ito pagdating sa kama, haha. I'm so proud of you, my son.

"Sige, pwede mo ng kainin 'yung chicken menudo" bigla kaming napaupo sa sahig dahil sa narinig namin. what the fuck?!!

Esmeralda's POV

Tumawa kami ng malakas habang naglalaro ng bahay-bahayan. Ako 'yung chef at siya 'yung customer ko, haha.

May narinig akong ingay sa labas pero hindi ko ito masyadong pinansin at ibinalik ang atensyon sa kasama ko.

"Ano, masarap po ba?" tanong ko sa kanya. umarte siyang nasasarapan kaya natawa ako.

"Laro tayo ng jack 'em poy" pagyayaya niya sa akin. sumangayon ako at humarap sa kanya habang nakaupo.

"Para mas masaya, kapag natalo isa sa atin pwede magutos 'yung mananalo. Ano deal?" nakangiti kong tanong. pumalakpak siya na parang tinay at sumangayon sa sinabi ko.

*****

Bigla ako nagising at napapikit ako dahil sumasakit 'yung ulo ko. Pakiramdam ko parang binabarena 'yung ulo ko sa sobrang sakit, waaah. Huhu.

Aray, ano bang nangyari? Wala kong maalala kong anong nangyari kahapon. Shucks.

Napatili ako ng malakas ng makitang nakahubad si Timothy sa tabi ko.

d | • ####### • | b

Agad ko siyang tinulak paalis sa kama dahilan para malaglag siya sa sahig.

Napatingin ako sa sarili ko at nagpapasalamat ako sa lahat ng bathala na hanggang ngayon ay may damit pa rin akong suot.

Waaaaaaaaaahhhh, huhuhuhu. Pakiramdam ko gusto kong sumayaw ng budots kasama si Bong Revilla para magcelebrate dahil hanggang ngayon ay virgin pa din ako. Walang hiya.

Natatakot ako para sa buhay ko na umalis sa kamang iyon. Nang makita kong tulog mantika si Timothy ay sinabunutan ko muna siya at kinutusan bago nagtitili na umalis sa kwartong iyon. Waaaaaahh, save my life.

Timothy's POV

Pagkagising ko ay napahawak ako sa likod dahil sa sobrang sakit. Mas nadagdagan pa ng sumakit 'yung ulo ko. Fuck it.

Bigla akong napaupo ng maalalang kasama ko si Esmeralda kahapon. Ngunit wala siya dito sa loob ng kwarto. Baka panagimip lang? Siguro nga.

Pero nanlalaki ang mata ko ng maalala ag lahat ng nangyari kahapon.

----------- F L A S H B A C K -----------

Habang naglalaro kami ng bahay-bahayan ay may naisip akong laro kaya nagsalita ako.

"Laro tayo ng jack 'em poy" pagyayaya ko sa kanya. sumangayon naman siya at humarap sa akin.

"Para mas masaya, kapag natalo isa sa atin pwede magutos 'yung mananalo. Ano deal?" suggestion niya. dahil sa kalasingan ay pumalakpak ako at sumangayon sa sinabi niya.

Sa buong jack 'em poy ay natalo ako kaya nakanguso akong tumingin sa kanya

"Ang daya mo naman" tumawa naman siya sa sinabi ko kaya napasimangot ako.

"Hahahaha, nanalo kaya ako. Hindi 'yun madaya" napairap ako sa narinig at tumingin sa ibang direksyon, hmmpp.

"Kapag hindi mo ginawa lahat ng iuutos ko, ip-prank kita" nakaramdam ako ng kilabot sa sinabi niya kaya nagsalita ako.

"Oh, ano naman iuutos mo sa akin?" nakita ko siyang ngumisi at mukhang may iniisip siyang kalokohan sa isip. Oh-uh.

"1. Ipagsisigawan mo sa lahat na supot at bakla ka, hahaha"

"Grabe ka naman sa akin!" aba, tuli na kaya ako at para sabihin ko sa kanya malaki 'yung batuta ko. Nakakairita, kamukha niya si amazonang bungangera. Tsk.

2. Kakain ka ng spicy fire noodles at hindi ka iniinom na gatas or any beverages" bigla akong natakot sa narinig ko. hindi ako mahilig sa maaanghang na pagkain.

d | TT ___________ TT | b

Ba't kaugaling-kaugali niya 'yung babaeng 'yon? Nanginig ako ng biglang humampas 'yung sobrang malamig na hangin sa balat ko.

"3. Kakausapin mo 'yung pagong hanggang sa kausapin kana niya" tumawa siya ng malakas at napapalakpak sa kalokohan niya.

"4. Maliligo ka sa manila bay, pfffttt" sumangayon nalang ako dahil hindi ko alam 'kung anong meron doon.

"5. Maghuhubad ka sa harap ng police station at kailangan mong tumakbo para sa buhay mo kapag hinabol ka nila" tumingin siya sa kin na parang naawa at tinapik-tapik ako sa balikat.

-- E N D O F F L A S H B A C K --

Tumingin ako sa paligid kong nandito ba 'yung abnormal na babaeng iyon at maingat na hinanap siya sa kung saan lupalop ng kwarto. Nang hindi ko siya makita ay nakahinga ako ng maluwag.

What the fuck?!!! Sana hindi maalala ng amazonang bungangerang 'yon lahat ng nangyari kahapon.

Kahit kalalaki kong tao ay bigla akong kinabahan ng maalala ko 'yung sinabi niya sa akin.

Hindi ko alam 'kung anong tumatakbo sa isip niya at baka ipagawa niya talaga sa akin 'to.

Kasalanan talaga 'to ng parents ko. Goddamn it.

Where's My Punishment, Mr. Mafia?! (Unedited)Where stories live. Discover now