Chapter 15 - Chaos in VIP Room 303
*****Esmeralda's POV
"Magkakilala kayo?" gulat na tanong ni Stephein.
"Ah siya 'yung kabayong sinasabi ko sa'yo" natawa siya sa narinig at nakipag-apir kay Sebastian.
"Ang gwapo ko naman na kabayo" binatukan ko siya kaya napanguso ito.
"Amazonang bungangera" bulong niya. nakita kong tumingin ito sa mga kaibigan niya at natatawa silang lumayo kay Timothy.
"Anong sinabi mo?" paguulit ko sa kanya.
"Wala ang bingi mo" aba, ang kapal ng mukha, grrr.
"Paano kayo nagkakilala?" tanong ni Zacharius.
Nagkatinginan kami ni kabayo at magsasalita na sana siya ng tumakbo ako papunta sa kanya at tinakpan ang bibig nito.
"Huwag kang magtatangka ng magsalita dahil ipagkakalat ko 'yung ginawa mo ng lasing ka" pagbabanta ko sa kanya. Marahan niya akong tinulak at tinitigan ako sa mata.
"Hindi ako natatakot, ibubunyag ko lahat ng kalokohan mo sa harap ni Stephein" ng maglabas siya ng picture habang nakangisi ay nanlalaki ang mata kong tumingin sa kanya. Aagawin ko na sana 'yung picture ng dumila siya at natatawang lumayo sa akin. Waaaaahhhh, demonyo.
"Lagot ka talaga sa akin kapag naabutan kita"
"Akala mo magpapatalo ako? Amazonang bungangera, nagkakamali ka" sinamaan ko siya ng tingin at ang kupal tumatawa lang. Masamid ka sana, grrrr.
Narinig ko silang tumawa kaya napatingin kami sa kanila.
"Anong nakakatawa, huh?" nagkasabay kami ni kabayo kaya nanggigil akong tumingin sa kanya.
"Hindi mo ibibigay 'yung picture, huh?" naiirita kong tanong sa kanya.
"Hahahahaha, hindi" mas lalong naginit 'yung ulo ko ng makita siyang dumila.
"Kukurutin kita sa singit mo, kapag hindi ka nakuha sa tingin"
"Hahahaha, subukan mo 'kung magagawa mo" aba, hinahamon ako.
"For the thousands of attendants and the millions watching around the world .....
introducing, amazonang bungangera. 1 wins and 0 loses.
In the left corner, kabayong mabantot. 3 wins and 0 loses.
From the St. Lukes Hospital, let's get ready to the ruuuuumblleeee" mala-referee na sabi ni Vanquin.
Narinig kong nagtawanan 'yung mga tropa nito at nakipag-apir pa sa isa't isa. Aba, ginawa kaming entertainent. Oh sige, mawalan sana kayo ng hininga dahil sa kakatawa. Mga papancit.
Hindi ko na sila pinansin at tumingin kay Timothy.
"Ibigay mo na sa akin 'yan kung hindi ipapakita ko sa mga kaibigan mo 'yung video habang naglalaro tayo ng jack 'em poy. Nirecord ko 'yung sinabi mo" ngumisi ako at tumatawa sa harap niya kaya napatigil ito.
"Weeeehhhh, talaga ba?" tanong niya. Sa totoo lang, wala akong record 'nun pero kailangan ko gumawa ng paraan para makuha 'yun mula sa kanya. grrrr.
"Oh, gusto mo ipakita ko sa kanila?" inilabas ko 'yung phone at natakot siya sa nakita.
"Wooooaaahhh, panood at papasa naman niyan" pangtutukso ni Stephein.
"Haha, hindi ako makapaniwala na natatakot si Timothy sa isang babae at kay amazonang bungangera pa, pffttt" nakipag-apir si Zacharius kay Stephein habang tumatawa.
"Boss, napakatindi mo" sabi ni Vanquin habang nagpipigil ng tawa.
"Mukhang may katapat na yata si Timothy" wika ni Sebastian. nagtawanan 'yung mga papancit kaya masama ang tingin ni Timothy sa kanila. Mahina silang tumawa at pumito habang nakatingin sa ibang direksyon.
"Kapag hindi mo 'yan binigay, hahanapin ko 'yung pitog dragon balls at hilingin na makuha ko 'yan sayo" narinig kong tumawa 'yung nasa likod namin kaya sinamaan ko sila ng tingin. Aba, pagtawanan ba naman ako.
"Hindi ako natatakot dahil papatayin ko 'yung pesteng dragon na 'yan bago mangyari 'yung ninanais mo" aba, ayaw magpatalo ni kabayo.
"Kung sisiraan mo lang din naman ako ...." nakita ko siyang ngumisi at may inilabas na picture. nanlalaki ang mata kong tumingin sa kanya. ".... Isusumbong muna kita sa kapatid mo" tumawa ako ng mahina at pinanlakihan siya ng mata.
"Hahahaha. Pwede naman natin 'tong pagusapan, diba?" putik, kinakabahan ako. Paano kapag sinumbong niya ako at nakarating 'to sa magulang ko? Hala, naiimagine kong nagpapaalam ang pinakamamahal kong credit card. Napailing ako sa naisip at ngumiti para palakasin ang loob.
Biglang nanghina 'yung tuhod ko ng ngumisi ito habang umiiling.
"Kung hindi kita makukuha sa pakiusapan, pwersahan ko 'yan kukunin" tumalon ako papunta sa kanya at nagulat siya sa ginawa ko. Maagaw ko na sana 'yung picture ng itago niya 'yun sa pantalon. Yikes, kadiri.
Pinaghahampas ko siya kaya natatawa itong umilag. Inuubos niya talaga pasensya ko, grrrr.
Sinabunutan ko siya at kinagat sa braso. Napaaray si kabayo at tinulak ako. Napahawak ako sa pwet dahil sa sobrang sakit. Aba, ang loko tinawanan lang ako.
Naghagis ako ng mga gamit papunta sa kanya pero mabilis niya iyon naiwasan. Waaahh, ang daya. Huhu.
"Ano ba, bakit mo iniiwasan?" naiirita kong tanong.
"Bakit gusto mo matamaan ako? Hala, neknek mo" tumawa 'yung mga tropa niya kaya napapikit ako sa sobrang gigil. Esmeralda, kumalka ka whoooo.
'Paano ako kakalma, huh? Sagot.'
"Hindi paba kayo titigil?" napatingin kami kay Stephein ng magsalita siya.
"Huh, bakit naman?" nagtaaka kong tanong.
"Tignan mo 'yung paligid" nagulat ako ng makitang basag-basag 'yung gamit sa loob ng kwarto.
"Kasalanan mo talaga yan eh, paepal ka kasi!" pangsisisi ko kay kabayo.
"Aber, sino ba nanguna? Diba ikaw?" napaawang 'yung bibig ko sa narinig at pinanlakihan siya ng tingin.
"Sino ba 'yung sumira ng pangako niya, huh? May consequence kapang nalalaman tas hindi mo pala gagawin. Ano bumaluktot 'yung batuta mo, huh?" sigaw ko.
"Ano gusto mo tumayo 'yung banana ko para sa'yo?" natatawa niyang tanong. laglag 'yung panga ko sa narinig ganoon na din 'yung mga tropa niya.
"Woah, ang kapal ng mukha mo!"
"kapal lang kasi kapag kapal-kapal iba na yun" pangpipiloso niya.
Habang nagaaway ay napahinto kami ng may nagsalita.
"Kailangan niyo pong mag-urine dialysis ....." nagulat siya sa nakita lalo na sa mga basag na gamit.
"Anong nangyari dito?" nagtaaka niyang tanong. Pinagmasdan niya 'yung loob ng kwarto at sobrang makalat nito.
Nagkatinginan kami ni Timothy at kinakabahan na tumawa.
Kinurot ko siya sa tagiliran at napaaray ito sa ginawa ko.
"Anong gagawin natin, huh?" nagaalala kong tanong.
"Balakajan, ikaw naghagis ng mga gamit" napairap nalang ako sa sinabi niya. humarap kami sa nurse at napakamot nalang sa ulo habang tumatawa ng mahina. Naku po, mukhang galit siya. Huhu.
d) | ⚆ ᗝ ⚆ | (b
YOU ARE READING
Where's My Punishment, Mr. Mafia?! (Unedited)
Teen Fictiona crazy adventure between esmeralda and timothy. hold your banana and laugh nonstop xd. Publish in watty : May 12, 2019 End of the story :