Chapter 14

73 9 0
                                    

Chapter 14 - VIP Room 303
******

Kanina nasa airport ako para salubungin ng pamalo 'yung kapatid kong galing states.

Nang makita niya ako ay nanlalaku ang mata niya. Tatakas na sana siya ng harangan ko ito at pinaghahampas siya sa balikat.

"Aray, naman. Ano bang ginawa ko sa'yo, huh?" Aba, kahit nasasaktan na nagagawa parin tumawa. Baliw.

"Wala lang, homecoming gift ko para sa'yo, hihi" napailing nalang siya habang nangingiti sa sinabi ko.

Pagkalabas namin sa airport ay agad kaming sumakay sa baby chevvy ko para makauwi na.

Dumiretso kami sa condo at napagpasiyahan na doon muna siya maninirahan habang wala pa siyang nahahanap na bahay.

Dahil gusto niyang bumalik sa pagiging estudyante ay sinamahan ko siya para asikasuhin 'yung mga kailagan na proseso sa pagt-transfer.

Habang naglalakad kami sa hallway ay binangga ako ng lalaki. Aba, tarantado 'yun ah.

Sisigawan ko na sana siya pero napatahimik ako ng makita 'yung maamo at malaanghel niyang mukha. Waahhh, nasa heaven na ba ako? Kasi ayoko ng magising. Sobrang gwapo niya.

Makalaglag salungsuso at salungpuwet, beh. Waah,willing po akong magpakidnap 'kung ganto ba naman makikita ko.

"Tumutulo 'yung laway mo, gaga" natauhan ako ng sabihin 'yun ni Stephein.

"Nagsalita ang pangalan ay parang tsinelas" sinamaan niya ako ng tingin kaya tinawanan ko lang siya. pagkaharap ay narinig 'ko 'yung malaanghel na pagtawa niya. Owemjii, such a cutie.

*trumphet intensifies*

Naririnig kong tinatawag na ako mula sa langit dahil sa taglay niyang kagwapuhan. Mukhang bumaba siya dito para pasiyahin ako. Echoserang palaka, pfffftt.

Nagwawala na naman ang hormones ko, oh holy. Ang saya-saya kuya wil, hahaha.

Kapag sinabihan niya akong bumuka .... aba, ang kapal ng mukh---- siyempre papayag ako, enebe. Malanding dalagang pilipina, yeah.

Hindi ko alam dahil sa sobrang kalutangan ay wala na pala siya sa harap ko. Aww, sayang.

"Ang harot mo naman, parang gusto mo ng may makapasok na banana diyaan sa peach mo" natawa ako sa sinabi niya at dumiretso na kami pumunta sa administrative office.

Dahil mabilis 'yung proseso ay nakaalis na kami sa school.

Bigla akong nakaramdam ng pagkagutom kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Can you buy a food for me, pretty please" maamo kong sabi. hindi siya makapaniwala sa narinig kaya umuoo nalang ito. kaya napa 'yehey' ako ng pumayag siya.

Habang kumakain kami ng samgyeopsal ay nagsalita si Stephein.

"Ah, pagkatapos pala natin kumain. Samahan mo akong pumunta sa hospital ..." napahinto ako sa sinabi niya at tumingin sa kanya.

"Huh, why? Is there something wrong with you?" tanong ko.

"My boyfriend and his friends are hospitalized because of a certain accident" w-wait, muntikan ko ng makalimutan 'yung kabayong 'yun. Kailangan niyang pagbayaran 'yung paglayas niya sa harap ko.

Aba, ang kapal ng mukha. Aalis ng hindi man lang ako pinapatapos magsalita, grrrr.

Matapos namin kumain sa isang korean restaurant ay agad kaming nagbayad sa cashier. Pagkabigay ng resibo ay nauna na akong lumabas. Pagkasakay ko sa kotse ay nakita kong sumunod si Stephein.

Habang nasa byahe ay tinitigan ko siya. Nagtataka kasi ako sa sobrang panget ng kapatid ko may magkakagusto sa kanyang lalaki? Aba, himala. Hahaha.

De joke lang, maganda naman siya. Sadyang napakaseryoso niyan at dahil doon may mga panahon na hindi kami nagkakasundo. Sumbungera kasi, panira ng trip. Pout.

"Bakit? May itatanong kaba?" humarap ako sa kanya at nagisip.

"Sino pala 'yung boyfriend mo?"

"Sebastian Marshall" huh? bakit mukhang pamilyar 'yung pangalan na 'yan.

Hindi ko alam pero narinig ko na 'yung sebastian marshall. Saan ko ba 'yun narinig? Hmmm .....

Itatanong ko sana 'kung sino 'yung mga kaibigan niya ng huminto siya. Napatingin ako sa labas at nandito na pala kami sa hospital.

Nauna na siyang lumabas kaya sumunod ako. Pagkapasok namin sa hospital ay pumunta kami sa information table at tinanong niya 'kung nasaan room 'yung boyfriend niya.

"VIP Room 303" 'nung narinig ko 'yung number ay bigla kong naalala si Timothy. Gagawa-gawa ng laro tas kapag natalo, lalayuan ako? Waaahhh, ililibre pa niya ako ng foods, huhu.

Timothy's POV

Bigla akong nakaramdam ng lamig sa katawan at hindi sa malaman na kadahilanan ay napatingin ako sa pintuan .....

Bigla kong naalala si amazonang bungangera kaya mas lalong lumamig 'yung katawan ko. Fuck.

"Sebastian, nalaman kong umuwi na daw dito sa pilipinas 'yung girldfriend mo. Dadalaw ba siya ngayon?" tanong ni Vanquin.

Habang tumatagal ay may lalo akong nilalamig at pinagpapawisan. Anong nangyayari?

"Ah, oo. Stephein said she will visit me with her younger sister"

"Whoooooaaaa, chicks ba?" tanong ni Zacharius.

"Ay gusto mo manok nalang. Harot mong hayop ka" natawa si sebastian sa sinabi ni Vanquin kaya nagkasagupaan 'yung dalawa.

Dahil sa masama 'yung pakiramdam ko ay humiga ako at nagtalukbong ng kumot.

"Fuck, sobrang lamig" mahina kong wika. hindi naman malakas 'yung aircon pero nilalamig ako.

Esmeralda's POV

Pagkalabas sa elevator ay bigla akong tinawag ng kalikasan kaya nagpaalam ako kay Stephein na magc-cr lang ako.

Pagkatapos kong umihi ay tumingin muna ako sa salamin bago naisipan lumabas doon.

Nang mahanap ko na 'yung hospital room na sinasabi ng kapatid ko ay papasok na sana ako ng may tumabig sa akin.

Humingi siya ng paumanhin ng mapansin niya ako.

"Hahaha, okay lang po" bago umalis ay binigyan niya ako ng star bracelet. Kaya nagtataka akong tumingin sa kanya.

"Ibigay mo 'yan sa boyfriend mo, nasa loob siya" magsasalita sana ako ng umalis siya sa harapan ko.
Napaisip ako sa sinabi niya kaya walang alinlangan na pumasok ako sa kwarto.

Pagkapasok ko ay naabutan kong nagtatawanan sila kaya naman umubo ako para tumahimik sila.

Ng mapansin ako ni Stephein ay pinakilala niya ako sa harap ng mga kaibigan ng boyfriend niya.

Ganoon nalang ang pagtataka ko ng makita 'yung gulat nilang ekspresyon. Nakita kong tinapik-tapik nila 'yung isang nagpapahinga kaya naiirita itong tumingin sa akin.

Biglang nanlaki 'yung mata niya at nagtago sa likod ng kaibigan.

Lumapit ako sa pwesto nila at hinila siya palayo sa mga kaibigan nito.

"Sa lahat ba naman ng lugar dito pa kita mahahanap" ngumisi ako at tinapik-tapik 'yung balikat niya.

"Welcome to the hell, Timothy" napasinghap siya sa sinabi ko kaya bahagya akong tumawa habang nakatingin sa kanya.




Where's My Punishment, Mr. Mafia?! (Unedited)Where stories live. Discover now