Chapter 18

90 3 4
                                    


Chapter 18
Esmeralda's Clown Make-up Look

****

Nurse Zadayah's POV

Habang nagm-midnight duty ako ay may lumapit sa akin.

"Nagawa ko na 'yung pinapautos mo sa akin, nurse zadayah" huh? wala naman akong inuutusan na batang lalaki, ah.

"Baka nagkakamali ka lang, ijo" natatawa kong wika.

Nanlalaki 'yung mata ko ng makita siyang nagtanggal ng wig at kumindat pa bago ngumiti.

"Ayos ba 'yung pagd-disguise ko?" ngumisi siya at nilahad ang kamay. "Yung ipinangako mo sa akin, nasaan na?" binatukan ko siya sa ulo kaya sinamaan niya ako ng tingin, haha.

"Oh, eto na 'yung candy na gusto mo" inilabas ko 'yung isang plastik na puno ng frutos at ibinigay iyon sa kanya.

"Hindi mo ba tatanggalin 'yung contact lense na nakalagay sa mata mo?" tanong ko sa kanya.

"It's none of your business!" dinilaan niya ako at umalis sa harap ko habang tumatakbo.

Naiiritang tinanggal ko 'yung tsinelas na suot ko at binato sa kanya. Natatawa siyang umilag at pumasok na sa kwarto niya.

Esmeralda's POV

Nagising ako ng may ipis bato sa mukha ko kaya napatili ako sa sobrang gulat. Makapigil hininga akong tumingin doon habang naglalakad siya sa pisngi ko!

Waaaaaahhh,pashnea! Ipapatawag ko si pirena

Huminga muna ako ng malalim bago nandidiring tinanggal 'yun sa magandang pisngi ko, huhu.

Naramdaman kong nagising si Timothy dahil sa lakas ng pagkakatili ko. Maiyak-iyak akong lumapit sa kanya. Pero napatigil ako ng makita siyang nagpipigil ng tawa, huh?

"Bakit ka nagpipigil ng tawa?" tanong ko sa kanya.

tumawa siya ng malakas at tinuro 'yung mata ko.

"Wahahahaha, namamaga 'yung mata mo, pfft" nagulat ako sa sinabi niya at agad na inilabas ang phone para tignan 'yung pagmumukha ko.

Napatili ako ng makitang namamaga 'yung mata ko dahil sa kagat ng ipis bato, huehue.

d | T _______________ T | b

Ipapatupad ko talaga 'yung death penalty para patayin lahat ng ipis sa mundo. Iboto niyo si amazonang bungangera para maging presidente, raaawwrr!

Habang nagd-drama ko dagil sa nangyari sa akin ay may nagbukas ng pinto at lumapit sa amin 'yung batang babae.

'Nung makita niya ako ay tumawa siya ng malakas habang nakaturo sa namamaga kong mata. Gusto ko sanang pagalitan 'yung pasyente na 'yun ng hawakan ni Timothy 'yung balakang ko para pigilan.

"Ikaw, lumapit ka dito. Papaluin kita sa puwet mo, naiirita ako sa'yo" nagiinit 'yung dugo ko sa batang ito, grrrr.

"Pati bata pinapatulan mo" sinamaan ko ng tingin si kabayo kaya tinawanan kami ng bata. Aba, umaga pa lang sinisira niya na 'yung araw ko.

"Ikaw din eh, pasimple ka pa eh nangm-manyak ka!" sinampal ko 'yung kamay niya para lumayo siya sa akin. nakita kong nakipagapir pa sila sa isa't isa kaya mas lalo akong nanggigil.

Agad akong lumabas sa storage room at alam kong sinusundan ako ng dalawa, tch.

"Oh, bakit bad mood ka?" tanong sa akin 'nung bata.

"Aba, may gana ka pang tanungin 'kung bakit. Gusto mo palo sa puwet, huh?" dinilaan niya ako at natatawang nagtago sa likod ni kabayo. Waaaaahh, magiging goku na ako at mags-super sayan sa sobrang inis.

Dahil sa nangyari kanina ay bigla akong nakaramdam ng sobrang hiya. Epal si antonio, feeling butterfly na nga. Aba, pinagkamalan pang kama 'yung mukha ko. Kadiri, huehue.

Tinakpan ko 'yung namamaga 'kong mata at tumakbo paalis sa harap nila.

Timothy Ian's POV

"Kuya pogi, gusto niyo bang iprank natin si ate sungit?" natatawa niyang tanong.

"Ikaw, huh? Gusto ko yan, haha" tumawa ako ng nakakaloko kaya lumapit siya sa akin para may ibulong. Napangiti ako sa sinabi niya kaya ngumisi ako.

"Ang ganda ng plano na naisip mo. Sige, gusto mo yan gusto ko yan!" ginaya ko 'yung boses ni lloyd cadena kaya malakas siyang tumawa. "Gagawin na ba natin 'yung plano?" tumango siya at hinila ako papasok sa isang kwarto. Hehe, lagot ka sa akin, amazonang bungangera.

*****

Hatinggabi na pero gising parin ako kasama si Ezmia. Nagkasundo kasi kami na pumunta sa kwarto ni esmeralda, para maisagawa 'yung planong pinagusapan namin kaninang umaga.

Sumilip ako sa loob ng kwarto at nag-signal kay ezmia. Dahan-dahan at maingat siyang pumasok dito kaya sumunod na ako sa kanya.

Hindi kami gumawa ng kahit anong ingay kaya agad kong hinila 'yung hospital bed na hinihigaan ni esmeralda para makaalis sa loob ng kwarto.

Inilipat namin siya sa isang empty room at nakipagsabwatan sa iba pang mga batang pasyente para matulungan kami.

Nagihip kami ng mga balloons at napahagikhik 'yung mga bata ng malaman nila na gagawin kong clown si amazonang bungangera.

Binigyan ko sila ng tag-isang pentel pen kaya naguunahan silang lumapit kay esmeralda para magdrawing sa mukha nito. Nagpipigil sila ng tawa na lumapit sa akin kaya nakipag-apir ako sa kanila.

'Nung lumapit ako sa kanya ay muntik na akong tumawa ng malakas dahil ang epic ng itsura niya, mwahahaha. Kinuha ko 'yung phone para kuhanan siya ng litrato. Nice one, mga bata.

"Kuya pogi, may nakuha akong uniform para magmukha talaga siyang clown, haha"

"Ako na ang bahala kay Ate sungit" tumingin kami kay Andrea at bahagya siyang ngumiti. "Kaya kailangan niyong lumabas para makapagpalit na siya" pagkatapos niyang magsalita ay agad kaming umalis ng kwarto. Naghintay kami ng ilang minuto bago papasukin sa loob.

Pinagpahinga ko muna 'yung mga bata dahil mamayang tanghali pa magiging si esmeralda.

Ako ang unang nagising sa lahat kaya ginising ko si ezmia para gisingin na rin niya 'yung mga batang kasama namin. Inaantok naman silang umupo ngunit nabuhayan sila ng magbigay ako ng headband para sa party.

Nagusap kami ng mga bata kaya natatawa silang lumabas para imbitahin ang iba pang mga pasyente na pumunta dito.

Ginising ko si esmeralda kaya nagtataka siyang tumingin sa akin at ganoon na din sa mga taong nasa paligid niya.

Inaya ko siyang tumayo at nakipagsayaw ng mambo no.5, kahit inaantok pa siya ay pumayag siya sa sinabi ko.

Nakita kog tuwang-tuwa 'yung mga bata kaya may naisip ako para patawanin sila.

"Sino si amazonang bungangera?" tanong ko sa kanila.

"Si Ate esmeralda, wahahaha" natatawa nilang tugon.

Dahil sa narinig ay nanlalaki ang mata niyang tumingin sa akin.

Napansin niya na iba 'yung suot niya kaya napatili siya.

"Kyaaaaahh, anong ginawa mo sakin? mabantot na engkanto!" narinig kong malakas na tumawa 'yung mga bata sa sinabi niya.

"Ikaw 'yung ginawa kong clown para sa children's party, bakit?" nagmamaang-maangan kong tanong.

"WHAAAAAAAAAATT?!!" kinuhanan ko ng litrato 'yung naging reaksyon niya at natatawang nagtago sa likod ng mga bata, pfffftt.

Where's My Punishment, Mr. Mafia?! (Unedited)Where stories live. Discover now