Chapter 9 - Esmeralda's Luxurious Entrance in Nozaiah's Gala Party
*****Timothy's POV
"King, pinapatawag po kayo ng Elder sa mansion" napatingin ako kay Miguel kaya napaluhod siya sa takot habang nakayuko.
"Anong kailangan niya?" nilaro-laro ko 'yung joker card at itinapon iyon sa harap niya.
Hindi siya makagalaw sa nakita kaya nanginginig itong nagsalita.
"Gusto ka niyang makausap, hindi niya sinabi kung ano. Pasensya na po, King" tumayo naman ako at pinulot 'yung baraha.
"Leave" mabilis siyang tumango at umalis sa harap ko.
Agad akong umalis sa hideout at dumiretsong pumunta sa mansion. Pagkapasok ko palang ng pintua ay may lumipad na tatlong shuriken patungo sa akin kaya mabilis ko itong sinalo.
Lumabas naman si tanda at pumalakpak habang nakangiti.
"You improve a lot, son" i ignore him and go inside the mansion.
Sinundan niya ako ng makaupo ako sa sofa. Umupo siya sa kabila at tumingin sa akin.
"Bakit mo ako pinapapunta dito?" diretso kong sabi.
"Don't you miss your dad? How sad" sinamaan ko siya ng tingin pero marahan itong tumawa.
"Ano bang gusto mo?" bigla siyang sumeryoso at umayos ng upo.
"Why are you not introducing your girlfriend from us? I invite her for a party, i'm excite know her because i heard she's unique" kinindatan ako ni tanda at tumayo na.
"Your mom can't wait to see her, she wants apo from you" tumawa ito ng malakas at tumalikod na.
Tinitigan ko siyang nakatalikod hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.
Agad kong tinawagan si Esmeralda habang naglalakad palabas ng mansion.
Nang makasakay na ako sa sports car ay doon niya lang sinagot ang tawag.
"Where are you right now?" tanong ko sa kanya.
"Ito nagsusukat ng damit, bakit?" narinig ko siyang tumatawa at mukhang naiimagine ko 'yung ginagawa niya ngayon.
d |-•-_________-•- | b
"Wala lang, nasaan ka?" pinagana ko na 'yung engine at hinintay siyang sumagot.
"Hmm, ito nasa Uniquelo" mabilis kong pinaharurot 'yung sasakyan at pinatay ang tawag.
Pagkarating ay bumaba na ako at pinagmasdan ang shop.
Nakita kong kumakaway si Esmeralda kaya pumasok na ako doon.
"Maganda ba?" tanong niya sa akin. tinignan ko 'yung mala-volcano inspired coat dress na suot niya at ngumiti.
"Yes, it's beautiful" napangiti naman siya at nagpalit na ng damit.
"If i wore those four outfits, make sure i look like a queen" sabi niya sa owner ng Uniquelo.
"Don't worry me, Madam. I'm hundred percent sure that you will be drop dead gorgeous for tonight" napahagikhik si Esmeralda sa sinabi nito kaya nagtataka akong tumingin sa kanya. Napatingin siya sa akin at nagsalita.
"Pasukatan niyo na din si Timothy" tumango 'yung assistant at agad akong sinukatan.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya.
"Preparing for tonight's party" narinig ko siyang tumili habang tumatalon sa saya.
"You don't know how much i wish to attend in this prestigious party. It' my dream to show my high-fashion sense infront of media and take such a breathtaking photo. I love attention, hihi" laglag 'yung panga ko sa narinig at nakangiti siyang itinikhim ito.
Para siyang bata na nagcelebrate habang iniisip 'yung magiging party mamaya.
Tinitigan ko siya at kita sa mukha niya na masaya siya pero kinakabahan.
Naghintay kami ng six hours at saktong magf-five o'clock na.
Masayang lumabas 'yung mga staff ng Uniquelo pati na din 'yung owner. Lumapit ito sa amin at malawak ang ngiting tumingin sa amin.
Pinauna niya na akong magpalit kaya mabilis kong sinuot 'yung coat. Binuksan nila 'yung curtain at napalakpak si Esmeralda sa nakitang volcano-inspired vest ganoon din ang pants na suot ko. May maroon jacket din akong suot na mas nagpaganda sa outfit.
Agad niya akong kinuhanan ng litrato at ngumiti.
"I can't wait to see my dress" tumakbo siya sa direksyon ko at nagulat ako ng tulakin niya ko palabas ng dressing room.
Natatawa siyang nag-peace sign at inabot 'yung phone sa akin.
"Kuhanan mo ako ng magandang litrato, hehe" magsasalita pa sana ako ng mabilis niyang isinarado 'yung curtain. Gandang kausap, grabe. Tsk.
Ilang minuto ang lumipas at dahan-dahan ma binuksan ng mga staff 'yung curtain.
Agad ko siyang kinuhanan ng litrato dahil walang lumalabas sa bibig ko. Fuck, she's so beautiful.
"Sinabi ko dapat na match 'yung outfit natin, thank you Mr. William Uniquelo" lumapit naman si Esmeralda sa kanya at niyakap ito.
"You're always welcome" tumalon sila habang magkayap kaya napaubo ako. Tumingin sila sa akin at tinanggal ang pagkakayakap sa isa't isa.
Napatingin kami sa labas ng may makitang limousine. Inalalayan ng mga staffs si Esmeralda sa mahaba niyang suot palabas ng shop hanggang sa makapasok doon.
Binuksan ko 'yung kabilang bintana at umupo sa tabi niya.
"Are you renting a limousine?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Excuse me? It's mine like duh, i'm not cheap" sabi niya habang hinahawakan ang upuan.
Habang nasa byahe ay nakita ko siyang nag-make up at inayos ang sarili.
Nang humarap siya sa akin ay niyakap niya ako.
"Why are you hugging me?" tumawa naman siya at mahigpit akong niyakap.
"Aba ngayon lang 'yan, i-enjoy mo na, expired na 'to bukas" bahagya akong natawa sa sinabi niya kaya niyakap ko din siya.
"Wala bang extend hours?" pagbibiro ko sa kanya. Ayan na naman siya sa pagsinghot sa damit ko. Ang weird ng habit nang babaeg 'to, pfft.
Esmeralda's POV
"Wala bang extend hours?" panghihirit niya.
"Dahil diyan layuan mo na ako, impakto ka!' tinulak ko siya kaya napanguso ito. Hala, walang effect sa akin 'yang pagpapacute mo pero siyempre joke lang. Ahhh, sarap pisilin ng pisngi niya, nanggigil ako.
"Habulin kaya ng babae 'tong gwapong impakto na sinasabi mo" aba, aba. ang hangin mukhang tatangayin ako. "Grabe naman ang sweet sweet mo parang asin" sarkastiko niyang wika. Natawa ako sa sinabi niya kaya malakas ko siyang hinampas sa braso.
Nang malapit na kami sa event ay tinawagan ko si Mama.
"Kyaaahh, i'm invited to Nozaiah's Gala Party" niloudspeaker ko 'yung phone at nakangiting tumingin sa bintana.
"Goodluck, Princess" agad kong inend 'yung tawag at huminga ng malalim.
Matutupad na 'yung pinakaaasam kong pangarap. Hindi ko maipaliwanag 'yung saya na nararamdaman ko ngayon.
Agad akong inalalayan ni Timothy at lumabas na sa limo. Ngumiti ako ng tumama 'yung mga flash ng camera sa mukha ko. Iniba ko 'yung expression ko at fierce na tumingin doon habang hawak ang kamay ni Timothy. Yeah, he's my partner.
Bukas na ako magrereklamo sa kanya, hahaha. Naglakad ako papunta sa red carpet at nakita ko silang namangha sa suot ko.
Sisiguraduhin kong ako ang may pinakamagandang suot sa party. Hindi ako magpapasindak at lalabanan ko sila sa suot ko.
Kaya humanda kayo dahil mas masusurpresa kayo sa ipapakita kong palabas, hahaha.
d | ^ _______ ^ | b
YOU ARE READING
Where's My Punishment, Mr. Mafia?! (Unedited)
Teen Fictiona crazy adventure between esmeralda and timothy. hold your banana and laugh nonstop xd. Publish in watty : May 12, 2019 End of the story :