Chapter 17

90 3 0
                                    


Chapter Seventeen
'Jack 'em poy with a twist'

*****

Esmeralda's POV


"Waaaaaahhh, walang hiya ka antonio!" napasigaw nalang ako dahil sa sobrang takot.


"Nandiyan sa ulo mo, oh" napatili ako sa sobrang takot at inalis 'yung ipis sa ulo ko, huhu.


tumawa siya ng malakas at napahawak sa tiyan. sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sobrang galit. Mamilipit sana sa sakit 'yung tiyan mo dahil sa kakatawa, grrrr....


"Paano tayo matutulog?" tanong niya sa akin.


"Huh, ikwento mo sa sampu mong daliri at baka makahanap ka ng sagot" inirapan ko siya at hindi na pinansin. papancit, tsk.


"Gusto mo dalhin ko si antonio dito?" pananakot niya. aba, pinanlakihan ako ng mata. naku, sarap dukutin at ibenta 'yung mala-emerald niyang mata. De joke lang, huwag niyo kong ireport sa mga police dahil ayoko pang makulong.


Bigla ko tuloy naisip lahat ng pangarap ko sa buhay. Kung posibleng mangyari 'yun.


1. Hindi ko na maipagpapatuloy 'yung mga kalokohan na gusto ko.


2. 'Yung iniisip kong revenge sa maliit na batang nagkulong dito sa amin ay hindi ko na magagawa.


Ginigigil niya ako, may paiyak effect pa siyang nalalaman.


3. Hukayin 'yung mga kayamanan na tinatago ko sa ilalim ng coconut tree.


4. Gusto kong puntahan lahat ng lugar na nakalagay sa bucket list ko.


5. Hinihintay ko pang magpakita sa akin 'yung batang nangako na papakasalan ako, hehe.


Back in the reality, sinipa ko siya sa binti kaya tumawa ako ng makita siyang napapaaray sa sakit. Hmmp, buti nga sa kanya.


Naisipan kong maglinis dahil maalikabok 'yung paligid. Tinulungan ako ni timothy na maglinis kaya mabilis kaming natapos sa paglilinis.


Nakahanap siya ng kahon kaya tinupi niya 'yun para may maupuan kami. Laking gulat ko na isang tao lang ang kasya sa karton na inuupuan niya.


"You can sit in my lap, if you want tho" aba, ang landi! siyempre papayag ako. weeeh, hindi 'no kaya huwag assuming. tinabig ko siya at ako ang umupo doon. Ngumuso siya at naghanap ng karton para maupuan.


"Ang boring naman dito!" singhal ko. Ano kaya pwedeng gawin? hmmm."Timothy, let's play random games" pangaaya ko sa kanya. pagkatapos niyang makahanap ng karton ay niyaya ko siyang umupo sa tabi ko para makapaglaro kami.


"Anong kalokohan na naman 'yung naiisip mo, huh?" nakataas kilay niyang tanong. natawa ako sa sinabi niya.


"Kung akala mo nakakalimutan ko na 'yung limang consequences na binigay ko sayo, aba nagkakamali ka. Kailangan mo parin gawin 'yun" nakangisi kong tugon.


Lalayo na sana si kabayo sa akin ng hawakan ko 'yung kamay niya para pigilan siya.


"Hoy, tigilan mo 'ko. Epal ka talaga, amazonang bungangera!" pagpupumiglas niya. mahina akong tumawa dahil sa sinabi niya. Mukhang badtrip si kabayo.


"Oh sige, gusto mo bang mas mahirap na punishment ang matanggap mo?" napanguso siya sa sinabi ko at parang maamong tupa na tumabi sa akin. Pinapahirapan mo pa ako, susunod ka din naman pala. Haha.


"Mabait na bata" tinapik-tapik ko 'yung braso niya at ngumiti.


"Ano ba 'yung lalaruin natin?" tanong niya sa akin.


"Hmm, jack 'em poy with a twist" natutuwa kong wika.


"Ayan na naman tayo ...." dahil sa sobrang pagkairita ay ginulo niya ang buhok. mukhang nakakaramdam na ng kaba si kabayo, ah. pfft, ang obvious niya.


"Nope, sasabihin ko mechanics ng laro natin" ngumiti ako pumalakpak para mabuhayan siya.


Timothy's POV


"Kapag natalo ang isa sa atin ay kailangan niyang magbigay ng isang sekreto. Kung tumanggi si loser ay pipitikin siya ni winner sa ulo, gets?" hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya. eh, mukhang mak-knockout na naman ako sa mga binibigay niyang punishment. tsk.


d | - _______________ - | b


Wala naman akong ibang pagpipilian kung hindi ang sumangayon dahil magwawala 'yan kapag hindi ako pumayag. Kahit kailan napaka-amazonang bungangera niya, malas ng buhay ko. Pero biro lang, dahil sasaktan niya ako kapag nalaman, haha.


Mukhang kailangan kong seryosohin 'yung laro para manalo.


'Kaya mo 'yan, timothy. Tiwala lang at malalagpasan mo lahat ng ito, whooo' pampalakas loob kong sabi sa sarili.


"May gusto akong idagdag sa mechanics" tumingin siya sa akin kaya palihim akong ngumisi. Akala mo hindi ako babawi? Ha, Nagkakamali ka.


"Pwedeng magtanong 'yung winner 'kung anong sekreto ang gusto niyang malaman sa loser, kapag hindi siya pumayag ay may kapalit na limang punishments" agad siyang pumayag sa sinabi ko. mukhang excited ang amazonang bungangera, mukhang iniisip niya na mananalo siya ulit.


"Jack 'em poy!" napatayo ako sa sobrang saya ng matalo siya. Bato siya at papel naman ako.


"Nakaswerte kalang" dinilaan ko siya at umupo sa tabi niya.


"Ano ang pinakamalas na nangyari sa'yo?" tanong ko sa kanya.


"Nung makilala kita" sinamaan ko siya ng tingin at ang gaga tinawanan lang ako, hmmp.


"Ang pinakamalas na nangyari sa buhay ko, ay ang mahulog sa puno tapos may tae ng aso sa lupa. Ewwww, kadiri!" umakto siyang nasusuka kaya malakas akong tumawa.


Kung nageexist 'yung time travel, gusto kong pumunta sa panahon na nakaupo si esmeralda sa puno. Siguradong kukuha ako ng popcorn para panoorin siyang mahulog at paano mandiri dahil sa kamalasan na naranasan niya.
Pagtatawanan ko siya at kukuhanan ng litrato para inisin, haha.


d | (゚ 艸゚'*) | b

d | (*, 。 艸 。) | b


"Jack 'em poy!" napapikit ako ng matalo sa kanya. Gunting 'yung pinili ko at bato naman siya. Kita kong napalakpak siya sa sobrang tuwa.


"Ano ang pinaka nakakahiyang pangyayari ang naranasan mo?" tanong niya sa akin.


"Yung pinagdress ako ng magulang ko dahil hindi nila matanggap na wala silang anak na babae" naiirita kong tugon. pinakita ko sa kanya 'yung litrato at napahagalpak siya ng tawa.


"WAHAHAHAA, ANG CUTE NAMAN NG BAKLANG 'TO" nakipagapir siya sa akin kaya naiilang akong ngumiti. Mukhang tuwang tuwa si amazonang bungangera sa nalaman, tch.


"Jack 'em poy!" bahagya akong tumawa ng makitang panalo ako.
natalo siya dahil naggunting ako at papel naman ang pinili niya.


"Anong itatanong mo?" tanong niya sa akin, wahaha.


"Katulad ng tinanong mo sa akin" sagot ko sa kanya.


"Ang pinaka nakakahiyang pangyayari sa buhay ko ay 'yung umutot ako sa family reunion namin. Pwede na daw mamatay 'yung daga dahil sa sobrang baho" nakita ko siyang yumuko at tinakpan ang mukha.


"WAHAHAHAHAHAHAHA" grabe, naiimagine ko 'yung pangyayari at reaksyon ng mga kamaganak niya.


"Huwag ka ngang tumawa, kadiri kaya!" Maiiyak na ako dahil sa sobrang tuwa ng makita siyang ngumuso. Grabe, ang epic. Pfffftt.


d | ^ ______________ ^ | b


Where's My Punishment, Mr. Mafia?! (Unedited)Where stories live. Discover now