Chapter 06

98 10 5
                                    

Chapter 6

*****

Esmeralda's POV

Habang nagk-klase ay naiilang akong tumingin kay Timothy ng malagkit niya akong titigan.

"Hoy, hindi ka mighty bond para titigan mo ako ng ganyan at mas lalong idikit mo 'yung katawan mong mapawis sa balat ko!" naiirita kong sabi sa kanya at kinurot siya sa tagiliran. ayaw ba naman lumayo sa akin, ayan sasaktan ytalaga kita. Raaawwrr.

"Ipapaengkanto kita sa tatay ni Mia kapag hindi ka lumayo sa akin" pananakot ko sa kanya. hindi siya nakinig kaya malakas ko siyang hinampas sa braso.

Napaaray naman siya sa sakit at sinamaan ako ng tingin. Hmmp, bagay lang 'yan sa kanya. Ang landi landi na nga niya tapos inaaway pa ako. Hmmmpp.

"Ano magrereklamo ka? Wala kang karapatan dahil lagi mo akong pinagdidiskitahan, deserve mo 'yan!" pinalakihan ko siya ng tingin at umirap. Wala akong pake 'kung masama ang mga tingin sa akin ng mga kababaihan.

Bakit glue gun ba ako para malusaw sa tingin nila? Hindi 'no. Aba, kahit may pagkasinto-sinto akong ugali ay kaya kong ipagtanggol sarili ko kapag may nagbalak sa akin ng masama. Hindi ako nagpapatalo kaya huwag na silang bumalak dahil magbabalik 'yung pagiging certified prankster ko. Wink.

"Atapang atao yata 'to, ah" nasabi ko nalang at ginaya 'yung ginagawang pose ni Chetae Gandang Lalaki.

Napabalik ako sa katinuan ng maramdam na nakatingin siya sa akin.

"Dati kabang baliw, huh?" tanong niya sa akin. woah, naoffend lola niyo.

Bago pa ako makasagot ay nagclass-dismiss na kaya nagligpit na ako ng gamit.

"Baliw na baliw sayo, yieeut" pagbibiro ko sa kanya. natawa naman 'yung tatlong traydor kong kaibigan at lumapit sa amin.

"Anong ginagawa niyo dito, huh? Akala niyo ba nakalimutan ko na 'yung pangt-traydor niyo sa akin, mga hangal!" nanggigil ako sa kanila, raaawwrrr. ipapakain ko sila sa leon kapag hindi ako nakapagtimpi, nakuu.

"Titignan kong anong posisyon kayo mage-eut, bawal ba? Live eut naman eh" sabi ni Lanz. natawa naman 'yung dalawa at aba, pati si kabayo nakikitawa!

"Mga walang hiya kayo pinagkakaisahan niyo ako!" sigaw ko sa kanila.

"Kalma ka lang baka mapunta sa akin 'yung puso mo" pagbanat ni Timothy. Laglag panga akong tumingin sa kanya at nakangiti niyang itinikhim ito. Ang kapal ng tinga ng kabayong 'to, grrrr.

"Tsk, Ilibre niyo ako ng isang buwan at ang umangal ay lagot sa akin" tumawa ako ng nakakaloko sa tatlo kaya kinakabahan na tumango sila at alanganin na ngumiti.

Kaya naman masigla akong tumayo ng pumayag sila, hihi.

Agad kaming nakarating sa cafeteria at biglang tumahimik pagkapasok namin.

Gusto ko sanang alamin 'kung bakit pero nilapitan ako ni Timothy.

"Anong gusto mong order? Libre na kita" biglang nawala 'yung init ng ulo ko sa narinig na magic word, yipieee.

"4 steaks, 4 medium fries and 1 diet cola, hihi" nanlaki naman ang tingin niya sa akin kaya sinuklian ko siya ng ngiti.

"Hindi mo ba kayang bayaran?" sabi ko sa kanya.

"Kwento mo sa pagong" sabi niya sabay lahad ng black card sa cashier. namamanghang tumingin ako sa kanya at nagthumbs-up, hehe. Fafa Yummy na nga tapos mayaman pa siya? Waaahh, is-sugar daddy kita mwehehe. Lagot ka sa akin.

"Para sabihin ko sa'yo, akin lang lahat 'yan" mahina akong pumalakpak habang naghahanap ng upuan at nakangiting umupo sa pinakadulong mesa malapit sa malaking glass wall.

Hindi maipinta ang mukha ni Timothy na lumapit sa lamesa at tumingin sa akin. Hahaha.

Mukhang hindi siya makapaniwala na makitang marami akong inorder, haha. Uubusin ko pera niyo hanggang sa masimot pati bentsingko.

Agad kong kinuha 'yung order ko pagkalapag niya ng tray.

"Thank you sa pagkain, kabayo" nakangiti akong tumingin sa steak na nasa harap ko at mabilis na nilantakan iyon.

"Dahan dahan naman. wala 'yang pakpak, hindi 'yan lalayas" bigla akong naubo sa sinabi niya kaya agad siyang lumapit sa akin at hinagod 'yung likod ko. Kinuha ko 'yung tubig at mabilis na nilagok iyon.

Pagkatapos 'non ay sinamaan ko siya ng tingin.

"Hoy, huwag ka magbibiro kapag kumakain ako. Kung ayaw mong lagyan ko ng maraming malalaking tuko 'yung bahay mo para di ka makatulog!" natawa naman siya sa sinabi ko at pinisil ang pisngi ko.

"Huwag mong pisilin pisngi ko, ipapasipa kita kay chun-li kapag hindi ka tumigil" nakakairita na siya. lagi niya nalang ako pinagdidiskitahan, raaawwwrr.

"Anong gagawin mo kapag hindi ako tumigil?" tanong niya sa akin.

"Aba, dadalhin ko dito si boobsie, bobay at tekla. Ipapasama kita sa show nila at magg-guest ka" tumingin ako ng nakakaloko sa kanya kaya napalunok siya at biglang naubo sa sinabi ko.

Bigla siyang tumahimik kaya tumawa ako ng malakas habang nakaturo ang kamay sa kanya.

Hindi ko napansin na nandito na pala 'yung tatlo at natutuwa habang pinagmamasdan kaming nagbabangayan.

"Hoy, hindi libre 'yung panonood niyo sa amin. Ililibre niyo ako ng pagkain kung hindi ipapalapa ko kayo sa alaga kong leon!" tumawa lang sila at pumayag sa sinabi ko.

"Subuan mo ako, ililibre kita ng isang buwan" biglang nagliwanag 'yung mata ko sa narinig at agad na naghiwa ng steak.

"Say 'aaahh', baby" ngumiti naman siya at kinain 'yung steak.

Waaaaahhhh, heaven. Ililibre niya daw ako! Kapag kasama pa 'yung tatlo ay mas lalo akong makakatipid, hehe. Free food for 4 months, yeheeeyy.

Pinunasan ko din 'yung pawis niya sa noo at malapad na ngumiti.

"Ano pang gusto niyo kamahalan, hehe" tumingin siya sa akin at pinisil 'yung pisngi ko. kahit gusto kong magalit sa ginagawa niya ay ngumiti ako.

Wala pa akong masyadong pera sa bank account ko kaya kailangan kong gumawa ng paraan para makakain ako. Buraot ako eh, pake niyo ba? Ayan ang salitang kailanman hindi ko ikakahiya, hihihi.

"Kiss my lips" nakangisi niyang sabi. tinuro niya pa 'yung labi habang tinataas-taas 'yung kilay.

Ang landi talaga ng kabayo, raaawwwrr.

"Ang kapal ng mukha mo, kahit hindi kapa nagt-toothbrush hahalikan kita syempre" mabilis ko siyang hinalikan sa labi at nandidiri na lumayo sa kanya.

Ewww,mukhang hindi talaga siya nagtoothbrush, wtf ?!!!

Agad akong naglagay ng pepper spray sa bibig ko at pilit na ngumiti sa kanya.

Kahit naiirita ilong ko sa amoy ng bibig niya ay nagdiwang 'yung hunger cell ko dahil siguradong may kakainin na ako sa para sa buwan na 'to, hehe.

Joke lang, mabango naman talaga bibig niya. Hahaha. Baka patayin ako ng mga fans niya kapag nalaman nila 'yon. Peace.

Where's My Punishment, Mr. Mafia?! (Unedited)Where stories live. Discover now