Chapter 7

1.1K 57 79
                                    

"O sige sige sumilip ka pa!"

"I wasn't looking!"

Gusto na sana umbagan ni Julie ang kapatid eh.

Nasa bahay sila ni Lola Beth at naglalaro ng pusoy dos kasama si James.

"Si Elmo nga pala?" James asked while he laid down his own cards.

Umikot ang mata ni Julie sa pagbangit sa pangalan ni Elmo. "Susunod daw." Medyo asar pa rin siya sa lalaki. Dumating lang si Brielle kasi kinakalimutan na siya.

Bakit Julie ano ba kayo ni Elmo?

"Tanong ko lang, bakit lagi natin kasama si Kuya Elmo? Kapatid ko din ba siya? O pinsan?" Yasser asked in a teasing way as he looked at Julie Anne.

Sinimangutan lang ni Julie ang kapatid habang si James ay nakangising tumingin din kay Julie Anne.

"Pinsan mo kasi papakasalan na ni James." Balik asar ni Julie sabay latag ng sariling baraha sa lamesang nasa harap nila.

James only smirked in answer. Dito silang magpipinsan magagaling eh. Sa asaran.

"Pwede rin naman. Gwapo naman ako. Gwapo rin naman si Elmo."

"You homo kuya?!" Yasser asked in horror.

At napatawa lang si James. "No bro come on! I'm just messing with your ate!"

"Magsama kayo ni Elmo wala ako pake." Julie said, rolling eher eyes at James who only laughed harder. Enjoy na enjoy talaga itong inaasar ang pinsan eh.

Natigil lang ang asaran nila nang marinig ang pagbusina ng isang kotse sa may harap bahay.

"Ate Julieeeeeeeeeee!!!" Napatayo mula sa inuupuan si Julie nang marinig ang boses at napangiti nang makita si Kyline na tumatakbo papunta sa kanya.

"Hi Ky!" She greeted just as Kyline barreled into her with a huge hug.

Buti pa itong Magalona na ito mahal na mahal siya.

"Ang bigat ng bag mo Ky hindi naman tayo dito matutulog!" Ay ayan na pala yung isa pang Magalona na asar na asar siya.

Naglakad papunta sa kanila si Elmo habang dala dala ang bag ng nakababatang kapatid.

"E nandyan yung books ko Kuya eh." Kyline said as she was still holding on to Julie Anne.

Binaba na ni Elmo ang mga gamit nila sa may lamesa kung saan nandon sila James bago nakipagfist bump sa huli.

"Tara bro nakuha ko na yung bagong Tekken!" James said as he pulled Elmo and Yasser inside.

Umikot na lang ang mata ni Julie at inakay si Kyline papasok din sa loob. Siya naman ngayon ang nagdala ng bag ni Kyline.

"Kain na muna kayo mga apo." Ani Lola Beth na may dalang tray. Kaagad naman ito kinuha ni Elmo at inalalayan ang matanda.

"Favorite ko talaga sopas niyo lola eh." Ani Julie na inaakay si Kyline sa tabi.

"Basta ba mabusog kayo mga apo eh." Lola Beth said as she kissed the top of Julie's head. 

"Julie's getting fatter lola just saying." James teased. Nakatikim tuloy ng isang hampas mula kay Julie. "Ahh! Bigat ng hands!"

"Ate Julie's not mataba naman ah." Sabi ni Kyline habang tinitingnan si Julie Anne.

"Manahimik na tayo guys ayoko mabugahan ng apoy." Sabi pa ni Yasser na kinakabahan na sa itsura ni Julie.

"Mataba pa ba ito James? E hindi na nga minsan kumakain. Konsumisyon na ako eh." Hirit pa ni Elmo na pasimpleng nakaakbay ang braso sa likod ng upuan ni Julie Anne.

Just EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon