Epilogue

2K 62 74
                                    

"Lux don't run too much okay?"

"Yes po Mama!"

Napailing na lang si Julie. Hindi bga tumakbo pero hala sige sa monkey bars.

Nandito sila sa isang park na may malaking playground.

"Mama can I sleep here?"

"Mamaya ka na matulog anak kakagising mo lang eh." Ani naman Julie sa pangalawang anak na si Luke.

"Okay mama." Anito at inayos ang upo sa tabi ng ina sa bench habang inaayos din ang hawak hawak na libro.

Mahinang napangiti si Julie at ginugulo ang buhok ng anak. Saka naman napadako ang tingin niya kay Lux na nakikipaglaro na sa ibang bata na nandoon sa park.

Mabuti na lamang at hindi gaano kainit ang panahon kaya saktong sakto lamang kung magliliawliw. Saka siya napatingin sa kanyang telepono at nakitang alas tres na pala ng hapon.

Nako.

"Kids, let's go na." She called out.

At dahil masunurin ang mga anak ay kaagad namang lumapit sa kaniya si Lux.

"Ang pawis mo kuya o." Julie sighed as she began wiping her son's face. Inilabas na din niya ang isa pa na bimpo at pinunasan ang likod ng anak.

Saka niya binaling ang tingin sa dalawang bata na nasa harap niya at hindi natiis ang mapangiti.

Para kasi siyang nakatingin sa dalawang maliit na Elmo.

Ang difference lang ay mas kulot ng kaunti ang buhok ni Luke kumpara sa kuya nito.

"Let's go na mga anak." She said as she held on to both of their hands. Medyo mabagal nga lag ang usad nila dahil tila penguin siyang nagwawaddle dahil sa laki ng kanyang tiyan.

Any day now and she would be popping out their third child.

Malapit lang din naman ang park na iyon sa office building ng kompanya ng asawa niya eh.

"Good afternoon po Mrs. Magalona!"

"Good afternoon!"

"Hi Lux! Hi Luke!"

"Hello po!"

Siyempre ay kilala na ng mga tao sa building ang dalawa niyang chikiting. Saka hindi mo ba ito makikilala e kamuhkang kamuhka ng boss mo? Diba? Diba?

"O press the button love." Bulong ni Julie sa pangalawa.

Nakangising pinindot ni Luke ang button para sa top floor nang makapasok sila sa loob ng elevator.

Julie kept her sons close as the people entered inside the elevator. Ang iba ay napapatingin pa sa dalawa dahil ang c-cute ng itsura ng mga ito.

Hanggang sa silang tatlo na lamang ang naiwan sa loob.

"Mama, I'm hungry na po." Lux said as he tugged on Julie's skirt.

Julie smiled at her son and softly pinched his cheek.

"Later baby, remember we're going to auntie Kyline's birthday?"

"O right! Will there be carbonara Mama?"

"Of course." Julie answered. "Alam ng Tita Kyline mo na favorite mo yon."

"Yehey!"

They finally arrived at Elmo's office floor.

Hinayaan na ni Julie na tumakbo ang mga anak papunta sa opisina ng ama nila.

"Nako ito na pala si Elmo version 2 and version 3!" Tawa ni Jio na siyang sekretarya ni Elmo.

Just EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon