Chapter 10

1.4K 59 73
                                    

"Good morning!"

Sabay sabay na napatingin sila Yasser at ang mag-asawang San Jose sa kanilang panganay.

"Ate okay ka lang?" Tanong ni Yasser na nakaupo na sa may hapag.

"Oo naman baby bro." Ani pa Julie Anne at hinalikan ang tuktok ng ulo ni Yasser.

"Ate!" Angal ng batang lalaki pero tumawa lang si Julie Anne at umupo sa tabi ng kapatid.

"Iha bakit ang saya saya mo ata?" Tanong ng Papa ni Julie.

Ngumiti lang ulit ang huli. "Bawal po ba na maganda ang gising?"

"Anong ginawa niyo ni Kuya Elmo kahapon?" Untag pa ni Yasser.

Parang namula ang mata ng Papa ni Julie at napatingin sa panganay. "Bakit Julie Anne San Jose ano ba ginawa niyo kagabi ni Elmo?"

"John ano ka ba." Saway ni Ana sa asawa. Nanlilisik na kasi ang mga mata.

"Nagbike lang kami Pa." Confident na sabi ni Julie. Well, nagbike at nagpalitan ng laway pero hindi naman niya kailangan pa sabihin iyon.

"Siguraduhin mo Julie Anne sinasabi ko sayo." Ani John.

Kapag binubuo ang pangalan niya alam na niya eh.

Matapos umuwi ay hindi sila nakapagusap ni Elmo dahil nagfamily dinner na silang mga San Jose sa isang restauarant. And upon heading home, well she was so tired from the day that she had immediately fallen asleep.

May pasok pa man din sila kaya mas lalong hindi pwedeng magpuyat siya.

Pero panigurado mamaya sa eskwela ay magkikita sila ni Elmo.

At di gaya ng nakaraan, ngayon ay may balak na siyang kausapin ang lalaki.

"Be good kids." Ang Papa nila ang naghatid sa kanila sa school.

"Bye Papa." Julie said as she kissed John's cheek.

Nagmaneho na ang Papa nila palayo at dumeretso na sila sa gates ng kanilang school.

Nauunang maglakad sa kanya si Yasser at binilisan pa ang lakad nang makita ang mga kaibigan na nasa may guard house.

"Yasser!" Tawag ng mga ito.

Nakasunod lang si Julie na buhat buhat ang kanyang shoulder bag.

Pero natigilan din ang mga kabarkada ng kapatid niya nang makita siya. "Hi Ate Julie."

She only gave a small smirk. Oo na may pagkamaldita talaga siya. Pero parang kinilig lang ang mga kaibigan ni Yasser kung hindi pa sasawayin ng kapatid niya eh.

"Hoy mga ungas ate ko yan!"

"E ang ganda nga kasi ng ate mo--"

"Ehem." Natigil ang pagsasalita ng isang tropa ni Yasser sa boses at saktong naramdaman ni Julie na may umakbay sa kanya.

She glanced at her left and saw Elmo by her side with his arm around her shoulders.

Nakatingin din ito sa mga kaklase ni Yasser na nawala ang pag-ngiti kay Julie nang makita ito.

"Luh late na tayo sa klase tara na." Elmo said. Parang may lumalabas na kidlat sa mata ng lalaki habang nakatingin sa mga kaklase ni Yasser.

Napagpatianod naman sa malaking braso ni Elmo si Julie at tinuloy lang ang lakad.

Narinig pa niyang tinatawanan ni Yasser ang mga kaklase nito.

"O ano wala kayo laban sa kuya ko! Laki ng muscles niyan!"

Just EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon