“Pa ayaw ko talaga.”
Ayun ang bungad ni Julie Anne sa kanyang ama nang puntahan niya ito sa opisina.
Nakakunot ang noo na tiningnan lang siya ng kanyang ama. “Bakit nanaman Julie Anne? Hindi ko naman sinasabing pakasalan mo si Elmo. Sabi ko lang siya ang magiging date mo sa company party.”
Julie sighed. Paano ba niya sasabihin na ayaw niyang kasama si Elmo dahil may iba naman itong dapat na ka-date.
“Tinanong niyo ba si Elmo kung payag siya dito?” She asked her father.
And her dad just looked at her with a weirded out expression on his face. “Malamang anak. Hindi ko naman pinilit yung tao eh.”
“So bakit ako pinipilit mo?” Balik pa ni Julie.
Mahinang natawa si John. “Anak…sige nga, sabihin mo sa akin na ayaw mo talaga ka-date si Elmo?”
Julie raised an eyebrow at her dad. Kung kurutin niya kaya ito? “Dad sinusubukan mo ba ako?”
John laughed yet again kaya gusto na talaga ni Julie kurutin ito eh. “Anak, payag si Elmo. Wala naman magseselos.”
“Paano kung meron Pa?” Julie said, trying not to remember the scene she saw just a day ago.
“Nonsense.” John said with a scoff as if Julie was losing her mind. “And it's just for the night. End of discussion. Sige na anak magttrabaho pa si Papa. Uwi ka na don kay Elmo.”
“Pa!”
“Hahahahaha!”
At dahil muhkang hindi na talaga papapilit ang tatay niya, tumayo na lang siya at humalik sa pisngi ng ama bago lumabas sa opisina nito.
Well, she tried. Malapit na kasi yung company party. At gaya ng dati ay wala siya ginawa kundi umiwas kay Elmo.
Maaga talaga siya nagigising para maaga din makaalis. Which reminds her kailangan na niya bumili ng kotse. Lagi na lang kasi siya nagcocommute.
Tumawag naman na siya kay Alyanna na hindi siya papasok ng araw na iyon dahil nga marami din talaga siyang aasikasuhin. Pagkatapos kasi ng company party ay ang pagbukas naman ng kanyang boutique ang pagkakabalahan niya.
Nag-grab na lang siya pauwi sa bahay. Panigurado naman ay wala doon si Elmo dahil pumasok din ito sa trabaho. So she technically had the house all to herself.
She yawned slightly as she closed the door behind her.
Her eyes were still closed as she walked inside the house. But when she opened them it was to see Elmo sprawled out on the couch.
What the hell was he doing home?!
Shit naman o. Akala paman din niya makakaiwas na talaga siya sa lalaki. Kaso muhkang nananadya talaga ito si tadhana eh.
Well, she'll just stay locked up in her room then. Papadeliver lang siya. Bahala na ang lalaki sa sarili nitong dinner dahil wala naman siyang balak kausa—
“Achoo!”
She stopped walking to her room. Napalingon ulit siya sa kung nasaan si Elmo at nakitang umuungol ito sa tulog.
Saka lang niya napansin na para bang pinagpapawisan ito.
Nang umikot ito sa sofa ay mas nakita ni Julie ang itsura ng lalaki.
He was so pale!
“Luh! Hey!” she called out.
Saka niya agad dinaluhan ang lalaki. Sinalat niya ang noo nito at halos mapaso sa naramdaman.
“Hey! Luh, you have a fever!”
Pero ungol lang ulit ang sinagot ni Elmo. Sa taas ng lagnat nito ay hindi siya magdadalawang isip na isiping hindi ito makaisip ng maigi.
“Hey help yourself up. Malalaglag ka dito sa couch.” She whispered.
“Luh ang bigat ng pakiramdam ko.” Sa wakas nakapagsalita na ang lalaki. Nakapagsalita nga kaso parang kinakaskas ang boses.
“Help yourself sige na hindi kita kaya ng mag-isa.”
At tila hirap na hirap ngang binuhat ni Elmo ang sarili habang nakaalalay si Julie. Halos mapabulwak ang lalaki sa kama nang makapasok sa loob ng sariling kwarto.
Julie immediately helped the guy up on the bed before proceeding to walk out.
“Luh, where are you going?” Elmo asked, his eyes red and teary from his high fever.
“Kukuha lang ako ng tubig sa basin.” Julie explained.
Alam niya ang feeling magkaroon ng ganyang lagnat. Masakit talaga sa ulo dahil pakiramdam mo piniprito ang buong katawan mo sa init.
Mabilis siyang nagbihis nuna nang pambahay at saka inayos ang mga gamit. Mamaya magluluto siya ng sabaw para magkaroon naman ng laman ang tyan ng lalaki. Kung tama ang iniisip niya, kaninang umaga pa ito walang kain.
Pumasok siya sa loob ng kwarto ng lalaki at nakitang sinusubukan nito matulog.
Pero nakapikit lang ang lalaki habang mabibigat ang paghinga. He looked really uncomfortable.
Dumeretso siya sa aircon sa kwarto ng lalaki at binuksan kaagad ito.
“Julie…” Umuungol na sabi ni Elmo.
Sighing, Julie moved forward and sat beside Elmo on the bed.
“Ano ba kasi pinaggagawa mo at linalagnat ka ngayon?” Di makapaniwala na sabi ni Julie.
Pero siyempre ungol lang ang sagot ng lalaki.
She rolled her eyes before heading to the guy's dresser to grab some socks.
Saka siya bumalik sa tabi ni Elmo.
“Luh lalagyan ko lang yung feet mo ng socks okay?”
Elmo only nodded his head in answer. Kawawa naman.
Matapos ay lumabas si Julie ulit ng kwarto para makapagluto ng sopas. Mabuti na lang talaga at marunong na siya magluto dahil kapag nagkataon ay wala talaga siya mapapakain kay Elmo eh.
Saka siya bumalik sa loob ng kwarto ni Elmo. Hindi pa rin mapakali sa pagkakahiga ang lalaki.
“Hey hey.” Julie said as she placed the bowl of soup on Elmo's bed side table. Tinali muna niya ang kanyang buhok at lumapit pa.
Bahagyang bumukas ang mata ni Elmo.
“Kumain ka man lang ba?”
As an answer, Elmo only shook his head.
Julie sighed. “Bakit naman?”
“Too tired.” Elmo replied.
“O you sit up muna.” Julie said before pulling Elmo up from the bed carefully. She struggled since he wasn't a light man. Pagod na napasandal sa headboard si Elmo.
Julie fluffed some pillows and let him rest there. Saka niya sinubuan ito ng sopas.
Matapos ang dalawang kutsara ay umayaw na ang lalaki. Pero mapilit si Julie.
“No Luh, you need to eat. Sige na. Just two more spoonfuls?”
Nung una ay hirap pa rin si Elmo pero sa wakas ay pumayag na at sumubo ng dalawa pang kutsara ng sopas.
Matapos ay pinainom na ni Julie si Elmo ng gamot.
“O…sleep na. Balikan kita after 4 hours okay?” Julie said as she let Elmo sleep. Pinatong niya ang bimpo na hinalo niya sa malamig na tubig sa noo ng lalaki.
Siguro naman ay magiginhawaan na ito.
She checked him one last time before making her way back to her own room.
Ano naman kaya ginawa ng kumag na yun at bigla na lamang linagnat.
Sighing, she just rested back on the bed and started sketching some designs until she fell asleep.
It seemed like just a couple of hours when Julie almost sprung up from bed. Kailangan ulit uminom ni Elmo ng gamot!
Tatayo na sana siya mula sa kama nang maramdaman na may nakadagan na binti sa sarili niyang binti.
She stopped when she felt someone hugging her.
“Elmo?” She whispered and turned around in bed just in time to see Elmo burying his face in her hair.
Medyo nawala na ang init sa katawan ng lalaki pero ramdam niya na hindi ito totally nawawala.
“Hey. You need to drink your meds again.” She whispered, running her hands through his hair.
“I drank na.” Elmo replied, voice still hoarse. “I just wanna sleep.”
At hinigpitan pa nito ang yakap sa kanya. Sakto lang ang lamig ng aircon sa kwarto ni Julie sa init ng katawan ni Elmo. Balanse ba.
At hinayaan na lang ni Julie ang lalaki na nakayakap sa kanya.
She sighed as she ran her hands through his hair yet again.
Ano ba itong ginagawa niya? Sabi niya ayaw na niya. Pero kay Elmo pa rin ang balik niya talaga. Paano ba ito malalagpasan?
Last na siguro? Kahit ngayon lang. Hindi na niya kaya. Di bale na mabasag pride niya. After this, maghahanap na siya ng bagong titirhan.
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•
AN: Awwww alis na si Atih Luh sa bahay nila ni Kuya Luh. Bbye! Ay hahahaha!
Mwahugz!
-BundokPuno<3
BINABASA MO ANG
Just Enemies
Fanfiction"You two are always together...what are you?" Julie and Elmo looked at each other before chuckling and shrugging their shoulders. "Just enemies."