"Ano naman pumasok sa isip niyong mga bata kayo at nagswimming kayo nang nakadamit?"
"Lola si Kuya po hindi naman nakadamit eh."
"Shut up Kyline."
Inirapan ni Kyline ang kuya niya. Nakapagbihis na si Julie at si Elmo mula sa pool at ngayon ay pinapainom ng mainit na tsokolate ni Lola Beth.
"Si Julie kasi lola tinulak ako sa pool." Himutok ni Elmo.
Julie glared at the young man who only showed his tongue to her.
"Kayong mga bata talaga." Nakiling na sabi na lang ni Lola Beth habang nakaupo sa kanyang rocking chair.
"Si Kuya naman tinalon din si Ate Julie daw eh."
"Kyline gusto mo ng masking tape sa bibig?"
Binelatan lang din ni Kyline ang kuya niya habang nakaupo sa tabi ni Julie.
"May mga bathing suit naman kayo." Tawa pa ni Yasser. "Naligo pa nang nakadamit."
"Kuya Yasser wala nga damit kanina si Kuya Elmo." Segunda nanaman ni Kyline.
Natawa na lang si James at si Yasser.
"Sa kwarto na lang po muna ako." Sabi na lang ni Julie Anne habang dala dala ang mug ng mainit na tsokolate.
"Hala ka kuya ginalit mo." Narinig pa ni Julie na sinasabi ni Yasser kay Elmo. Pero hindi na niya ito pinansin at pinatuloy ang paglalakad papunta sa kwarto. Hindi naman siya galit. Wala lang talaga siyang magawa doon. Pero okay na din na isipin ni Elmo na galit siya. Wala lang, gusto lang niya magpabebe bakit ba.
May sarili na talaga siya kwarto sa bahay na iyon. Oo mayaman talaga lola niya dahil sa sobrang dami ba naman ng kwarto nila sa bahay na iyon eh.
Nakahiga lang siya sa kama at nakasalpak ang earphones sa tainga nang bigla na lang maramdaman na nawala na ang isang piraso sa pagkakasalpak sa tainga.
Babangon na sana siya nang makita na si Elmo pala ito.
What the hell was he doing in her room?
"Ano?" Asik niya sa lalaki.
Mayabang lang itong ngumisi bago tumabi sa kanya sa kama. Saka naman nito sinalpak ang isang earphone sa sariling tainga at humiga nang deretso.
Hindi makapaniwala na tiningnan lang ito ni Julie. Problema nanaman ng lalaki?
"Huy." Asik niya ulit at mahinang tinulak ang braso nito.
"Bakit?" Parang asar pa na tanong ni Elmo.
At ito pa talaga ang asar ah? Gayung ito naman ang nanggugulo sa tahimik niyang paghiga doon sa kama.
"Ginagawa mo dito? Wala ka ba playmate?" Asar ni Julie.
Imbis na sumagot ay pinikit lang ulit ni Elmo ang mga mata. Aba talaga. Walang magawa ang lalaki at pinagt-tripan siya.
"Huy!" At yinugyog na niya ang balikat ni Elmo.
Natatawang umupo na din sa kama ang lalaki habang nakatingin sa kanya.
"Masama ba humiga dito?"
"Kama ko to eh! Get your own damn bed!" Julie yelled as she grabbed the earphone from him but he resisted, still laughing.
"Higa ka na lang dyan. Pareho naman tayo ng taste ng music pa share na dali!"
Pero hindi humiga si Julie. Instead, she rested her back to the bed's headboard. And that seemed enough for Elmo since he just smiled before leaning back too.
BINABASA MO ANG
Just Enemies
Fanfiction"You two are always together...what are you?" Julie and Elmo looked at each other before chuckling and shrugging their shoulders. "Just enemies."