Chapter 22

1.1K 57 85
                                    

9 years later...

Dala dala ang maleta at carry on bag ay dahan dahan na naglakad si Julie palabas ng airport.

Napalinga linga siya sa paligid.

As always, alam naman niya na laye ang susundo sa kanya. Hay nako talaga Maqui.

"Shocks ang ganda niya!"

Napatngin siya sa nagsalita at nakitang isang babae itong kasing tanda niya siguro.

May mga kasamahan itong kasing edad din niya.

At muhkang nagulat ang mga ito nang napatingin siya sa direskyon na kinatatayuan ng mga ito.

She smiled when she saw them smile at her too.

At dahil doon ay dali daling lumapit ang mga ito sa kanya.

"P-pwede mag pa piktyur?"

Julie smiled yet again and nodded her head. "Oo naman."

Parang mga kiti kiting lumapit ang mga kababaihan at agad na pinalibot siya.

Julie was a lot taller than all of them so it was easy for her to put her arms around them.

Binitawan niya muna saglit ang hawak na maleta at ngumiti nang kumuha ng selfie ang tatlong kababaihan.

"Thank you thank you! Favorite ko ang designs mo!" Sabi ng isa matapos ang kuhaan ng litrato.

Julie smiled again. "Thank you. I'm glad that people like my designs."

"Like? Sobrang ganda ng mga linalabas mo na design!" Muling sabi ng isa.

Mahinang napatawa si Julie at tumango na lamang habang naglalakad na palayo ang mga kababaihan.

Hindi rin niya akalain na kilala siya.

Although sa LA ay tinuring na din siyang protege at nakanalo na ng iba't ibang awards.

Successful na din kasi ang kanyang fashionline na JA Elite. Until she was able to put up different boutiqes and franchise her designs not only in clothes but also in shoes and accessories.

Muli ay napatingin siya sa kanyang telepono habang hawak hawak ang mga maleta.

Aba aba naman talaga at wala pa rin si Maqui.

Naglakad siya sa waiting area na malapit lang din sa exit.

In all fairness ay namiss din naman niya talaga ang Pilipinas.

Sa 9 na taon ay dalawang beses pa lang siya ulit nakauwi at hindi din sa bahay nila. Usually ay sa vacation spots kasama ang pamilya niya.

Pero ngayon ay mayroon na rin siyang pakay talaga. At yon ay ipalaganap pa ang kanyang fashion line sa bansang kinalakihan niya.

Luminga linga siya sa paligid at pasimpleng kunwari ay hindi napapansin kung papaano siya tingnan ng mga tao.

Okay. Alam niyang maganda siya. Bakit niya idedeny diba?

Kung nung bata siya ay kinikilala siya sa eskwelahan na maganda, mas lalo pa ngayon na nag mature siya.

Nawala na ang kanyang baby fats at mas tumangkad pa siya.

Mas inalagaan din niya ang sarili dahil siyempre kailangan may image siyang ipakita.

So yeah. She was a stunner and she was successful. But she still had her two feet on the ground.

"BESSSSSSSS!!!!!!!!!!!!!!!!!"

Ay ayan na pala eh.

Julie stood up from the bench she was sitting on and already had a ready smile on her face to greet her best friend.

Just EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon