"Luh!"
"What?!" Iritang sabi ni Julie habang naglalagay ng make up. Kanina pa sila ni Elmo nagsisigawan. Napakalaki naman kasi ng bahay na ito.
"Tama na yan maganda ka na! Late na ako o!"
Julie rolled her eyes before answering.
"Mauna ka na! May sinabi ba ako na hintayin mo ako?!" Pupuntahan niya kasi ang space ng magiging boutique niya ng umaga na iyon.
Si Elmo ay kanina pa siya hinihintay sa living room ng bahay. E wala naman siya sinabi na hintayin siya nito.
Wala pa kasi siya kotse. Kaya mag-grab na lang siya papunta sa area.
Matapos noon ay hindi na niya narinig na sumagot si Elmo. Baka nauna na nga. Pero hindi naman niya narinig na nabuhay ang makina ng kotse. Weird.
So tinapos na lang niya ang pag make-up at inayos ang sarili. She looked presentable enough. Hindi naman kasi siya heavy mag make up.
Lumabas na siya sa kwarto habang inaayos ang mga gamit. She ran her fingers through her hair as she checked her cellphone.
Kanina pa niya kasi tinetext si Allyana na matagal na niyang manager sa isang boutique sa LA. Pilipino din ito at nang malaman na uuwi siya sa Pinas ay sumama na din para simulan ang clothing line.
Natigil siya sa paglalakad nang mapansin na nandoon pa si Elmo. Nakatayo ito sa may planter at muhkang may tinitingnan sa telepono.
Nakapamulsa ang isang kamay habang nags-scroll sa telepono.
Nakatayo lang pero parang kukunan ng litrato.
Elmo lifted his head when he noticed her. He stopped what he was doing and she did too.
"O bakit?" She asked. Parang tinuklaw kasi ito ng ahas na hindi malaman.
"Uh..." Elmo shook his head as if snapping himself back to reality before storing his phone back inside his pocket.
Saka naman ito muling tumingin sa kanya.
She arched an eyebrow. "Hey."
"Uh..."
Julie rolled her eyes. "Bakit sabi ni Yasser matalino ka. E hindi ka naman makasalita dyan." She hauled her purse on her shoulder and brushed her hair to one side. "Ano tara na ba, kanina mo pa ako minamadali tapos di ka naman makagalaw dyan."
Nauna nw siya maglakad palabas ng bahay habang naririnig na nakasunod sa kanya si Elmo.
She got inside the man's car.
Sumunod naman si Elmo.
The car doors closed as the man turned to her. "Luh, may gagawin ka ba mamaya?"
Julie raised an eyebrow. "Huh? Wala naman bakit?"
Yinayaya ba siya nito ng date? Aba. Asa naman. They don't swing that way anym--
"Graduation ni Kakai sa highschool."
Nanlaki mata ni Julie. "Magcocollege na si Kakai!?"
Elmo chuckled as he smirked. "It's been 9 years, Luh."
Tigagal pa rin si Julie Anne. Hindi talaga siya makapaniwala na ang baby girl niya ay gagraduate na ng college. Kaagad siya napatingin kay Elmo. "Sama ako! Anong oras ba?"
"Mamayang mga alas dos ng hapon. Kaya half day muna ako sa trabaho." Elmo answered.
"Sasama ako." Madiin na sabi ni Julie. Utang na din niya ito kay Kyline dahil ilang taon din siya nawala.
BINABASA MO ANG
Just Enemies
Fanfiction"You two are always together...what are you?" Julie and Elmo looked at each other before chuckling and shrugging their shoulders. "Just enemies."