Chapter 21

1.1K 59 41
                                    

"Girl, LQ ba kayo?"

Napatingin si Julie kay Maris na kanina pa pala siya tinitingnan. Nasa classroom sila ng umagang iyon.

Halos ilang araw sila hindi nagusap ni Elmo dahil masyado niya dinibdib ang finals. Kung gugustuhin kasi niyang maging valedictorian ng kanilang batch ay kailangan talaga niyang magpursigi hanggang sa dulo.

Wala siya contact kay Elmo nang mga nakaraang araw. At maging lalaki ay iwas sa kanya.

Kahit nung mga nakaraan na araw, papasok lang sila para sa exams at siya mismo ay uuwi na nang maaga.

"What're you talking about?" Tanong pa niya kay Maris.

At napaikot lang naman ang mata ni Maris sa sinabi niya. "Masyado ka obvious girl. E diba sobrang clingy kayo ni Elmo. Tingnan mo naman ngayon hindi kayo nagpapansinan."

Maang maangan naman na nagkibit balikat si Julie Anne sa sinabi ng kaibigan. "Ano ka ba, okay lang kami. Masyado lang ako nagfocus sa finals."

"Well hello, tapos na ang finals." Maris pointed out. "So bakit hanggang ngayon hindi pa rin kayo naguusap?"

"Naguusap naman kami."

"Lapitan mo nga." Panghahamon pa ni Maris.

Sa totoo lang ay malapit lang naman sa kanila si Elmo.

Kahit may mga kaibigan ito ay may pagkaloner din ang lalaki.

Dati nang hindi pa sila ni Julie ay minsan mag-isa pa itong kumakain sa canteen.

At ngayon ay mag-isa nanaman ang lalaking nakaupo sa upuan nito at tahimik na nakikinig ng music habang nakatungo.

Julie turned to Maris who was still waiting for her to approach the guy.

"Okay fine. We're not really talking right now." Wala eh. Hindi niya rin malapitan ang lalaki. Sa totoo lang ay asar pa rin siya dito.

"Aha!" Kaagad na sabi ni Maris. "I knew it! I knew it!" Magsasalita pa sana ito kaso ay nakapasok na sa loob ng classroom ang kanilang adviser.

It wasn't over for Maris though. She faced her immediately before giving a warning stare. "Hindi pa tayo tapos Julie! Mamaya pagtapos ng klase kapag nahagilap ko na si Nadine kung saan man naroon ang babaeng iyon! Yari ka talaga sa amin!"

At saka ito dumeretso ng upo bago harapin ang blackboard.

Naiiling na lamang na napaayos din ng upo si Julie. This would be good for her though. Kasi mamaya pwede na niyang ilabas lahat ng sama ng loob niya sa mga kaibigan niya. Kay Maqui may opinyon na siyang nakuha pero mas gusto niyang i-explore pa ang kanyang options.

"Settle down class." Ani sa kanila ni Mrs. Cruz.

Ang kaninang mga nakaikot na upuan ay deretsong nakaayos na ngayon at nakaharap na ulit sa blackboard. Ang kaninang mga tulog ay ginigising na ng iba.

Ang nakangiting muhka ni Mrs. Cruz ang nakabungad sa kanila. Tinitingnan sila ng mabuting guro ng maigi na tila ba may hinahandang magandang balita na isisiwalat sa kanila.

"Class, hindi na ako magpapaligoy ligoy pa." Mrs. Cruz smiled up at them as she placed her hands flat on the counter.

"Congratulations class, lahat kayo ay mamartsa sa March!"

"Yeah!!!"

"Whoooooo!!!!"

"Graduate na tayo!"

Julie smiled along with her classmates. They made it! On to higher education!

"Pero hindi pa doon nagtatapos ang aking announcement." Muli ay nagsalita si Mrs. Cruz matapos manahimik ang klase.
Naghintay ang mga bata dahil muhkang pa suspense ang sasabihin nitong guro nila.

Just EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon