Chapter 14

1.2K 60 99
                                    

"E asan na kaya si Nadine kasi?" Untag pa ni Maqui kay Julie. "Si Maris daw hindi makakapunta may lakad ang pamilya."

Nakaupo na sila sa bleachers sa likuran ng home bench. Ilang minuto na lang kasi at magsisimula na ang laban.

Lumingon lingon sa paligid si Julie Anne dahil baka makita niya ang kaibigan pero wala.

"E pinsan at kapatid mo?" Isa pa na tanong ni Maqui sa kanya.

Julie cocked her head to the side. Oo nga no? Asan na ba yung dalawang iyon?

Pero nakuha na niya ang sagot sa kanyang mga katanungan nang makitang papalapit si James at si Yasser.

They were sporting different expressions on their faces though.

Yasser looked like he was going to fart from laughing while James had this dark scowl on his face.

"What's his problem?" Julie asked her brother while James sat down on the bleachers and Yasser remained standing.

Halatang handa na kasi ito magkwento.

"So this is what happened right, bumibili kasi kami ng milkshake don sa canteen tapos nagk-kwento kasi ito si Kuya James habang naglalakad! May nabanggang chick! Natapunan nung milkshake! Ayun! Sinigaw sigawan kanina sa canteen!" At sunod sunod na humalakhak si Yasser bago umupo na sa tabi ni James na nakasimangot pa rin.

"It was an accident!" Depensa ni James sa sarili. "E siyempre I didn't see her! Makasigaw eh. She was like an armalite going through beats per minute!"

Magsasalita na sana si Julie nang makita ang isang pamilyar na muhka sa dulo ng audi-gym.

"Ayun na pala Naddie eh!" Maqui said before gesturing for the girl.

Kaagad naman sila nakita ni Nadine na bahagyang natigilan at kumunot ang noo bago dali daling naglakad papunta sa kung saan sila nakaupo.

Maqui turned to Julie with a curious look on her face. "Problema ni Nadine? Bakit ganun tingin niya?"

"Shit." Narinig nilang sambit ni James.

Kaya naman sabay na napatingin si Julie at si Maqui dito at nakita na din na tumatawa ulit si Yasser.

"What?" Julie asked. Nasa ibang dimensyon na ba siya o ano? Kasi gulong gulo na siya sa inaakto ng mga ito.

"Siya yon ate siya yon!"

"Jules! Bakit naman kasama niyo yang kumag na yan?!" Bungad ni Nadine nang makadating sa pwesto nila.

"Cuz! You know her?!" Balik pa ni James.

At dahil matalino si Julie Anne, alam na kaagad niya ang nangyayari. At pati siya ay hindi na napigilan ang pagtawa.

"Oh em gee." She said as she looked at the both of them.

Nadine raised her hands in defense. "Teka teka teka."

"Daming teka." Julie laughed.

Nadine just scowled before speaking yet again. "Sino ba to Jules?" Sabay turo kay James na nakatingin lang din sa kanila.

Natatawa na tiningnan muli ni Julie Anne ang pinsan. "Naddie, this is James, he's my cousin. James, si Nadine, one of my close friends."

"Pinsan mo yan? Hindi marunong tumingin sa dinadaanan!" Nadine yelled.

James rolled his eyes. "For the last time it was an accident!"

"Favorite shirt ko yun!" Balik pa ni Nadine at napairap. "Buti na lang amy dala akong pamalit sa kotse!"

Just EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon