CHAPTER TWO : REST HOUSE

8.1K 140 6
                                    

After two years... (2016)

JENESSA'POV

"Jenessa, paki-zerox naman lahat ng to. Tig-20 pieces."

"Wait? Bakit ako ang mag ze-zerox? Secretary ako ng..."

"at wala siya dito. Nasa cebu siya ng 2days, nakalimutan mo na?"

"Kahit na..."

"Ang CEO ang nag utos niyan sayo, wala naman daw ang president kaya ikaw na ang gumawa."

"Pst!" Padabog kong kinuha ang mga type writing na may nakasulat bago tumungo sa zerox room.

"Bakit hindi sa secretary niya to iniuutos? Nakakabwisit talaga ang lalaki na yun!"

"Sinong nakakabwisit?"

"Ay tinolang manok!" Sigaw ko. Napatingin ako sa pinang-galingan ng boses na yun. Nanlaki ang mga mata kong makitang si Colton Finley Smith ito, ang CEO ng Smith Company.

"S-ir, kayo p-ala." Napaiwas ako ng tingin, tumingin lang ako sa nakasalang sa zerox machine.

"Sinong bwisit?" Ulit neto sa tanong niya.

"S-i... Hindi niyo po kilala sir. K-akilala ko po." Kinakabahang turan ko. Tumango ito.

"Pagkatapos mo diyan, come to my office. May idi-discuss ako sayo. This is very important." Salita neto. Pagkatapos ay tumalikod na ito sa'akin at lumabas ng zerox room. Napa-irap na lang ako sa kawalan dahil sa loob ng 1 taon kong pagiging secretary ng president, wala na siyang ginawa kundi pahirapan ako. Kung hindi lang talaga maganda at malaki ang pagpapasahod nila ay matagal na akong wala dito.

Tulad nga ng sinabi neto sa'akin. Matapos kong i-zerox ang mga papers ay ibinigay ko ito sa secretary niyang isa pang malaki ang galit sa'akin.

"Pinapapunta ako dito ni CEO Finley."

"Don't call him like that. Ayaw niyang tinatawag siya ng ganyan." Inirapan ko lang ito bago walang ano-anong tinalikuran siya. Pumunta ako sa tapat ng office ni Finley at kumatok ng tatlong beses bago pumasok.

Napapitlag ako pagpasok ko ng mapagtanto na nakatitig sa'akin ang bwisit na CEO.

"Bakit po sir?" Tanong ko. Tumayo ito, lumapit ito sa sofa niya at naupo sa pang-isahan.

"Maupo ka." Turan neto. Agad ko naman itong sinunod. "Meron akong rest house sa bulacan. Kaylangan mong pumunta doon."

"Bakit po sir?" Tanong ko. Tiningnan ako neto.

"Magkakaroon ako ng private meeting sa CEO ng Wright publisher. Doon ko gustong gawin yun para no hustle."

"Bakit hindi po ang secretary niyo?"

"Dahil pupunta din doon ang president." Tugon neto. Tumango ako. "Ngayon kana pupunta doon. Bukas dadating si CEO Vlad..."

"Vlad Race Wright?" Gulat na tanong ko.

Kumunot ang noo neto. "Do you know him?" Tanong neto.

"He's my first... I mean he's my schoolmate before." Ang kunot sa noo neto ay hindi na nawala pa. "Bakit po?" Tanong ko. Umiling ito.

"I send you the address. Kung aalis ka na ngayon, andoon kana ng 11am. You can leave now." Turan neto. Tumayo ito kaya tumayo na rin ako. Maglalakad na sana ako palabas ng office niya ng bigla itong nagsalita. "By the way, Vlad is already married."

Nilingon ko ito sa gulat. Tatanungin ko sana ito ngunit ng makita kong nakatalikod ito at nakatingin sa labas ay napapabuntong hininga akong lumabas ng office niya.

The MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon