CHAPTER ELEVEN : LOSS

4.6K 86 8
                                    

JENESSA'POV

"You are 8weeks pregnant, congratulations."  Turan ng doctor. Napatingin ako kay Tricia na siyang nagpumilit saakin na magpacheck-up. Napahawak ako sa tiyan ko.

"Talaga bang... may baby sa loob ng tiyan ko?" Hindi makapaniwalang tanong ko, tumango ang doctor.

"But you need to more careful. Mahina ang kapit ng bata. Wag kang masyadong mag-iisip ng nakakastress. And bibigyan kita ng reseta ng mga vitamins at gamot na iinumin mo hanggang sa sabihin ko kung pwede mo ng itigil. Bibigyan din kita ng gamot pampakapit, drink it trice a day."

Napadilat ako ng mata ng mapaginipan ko ang mga sinabi ng doctor kahapon. Agad na nagsilapitan sa'akin ang mga nandoon.

"Jenessa! Okay ka lang?" Jace. Halata dito ang lubos na kalungkutan, namumula din ang ilong neto. Napakunot ang noo ko.

"May masakit ba sayo?" Hans. Umiling ako.. Nanlaki ang mga mata ko ng may bigla akong maalala. Napahawak ako sa'aking tiyan dahilan para magsipaglayuan sila sa'akin. Nagkatinginan din sila.

Napatingin ako sa pintuan ng biglang bumukas ito, pumasok mula doon si Colton na may benda sa kamay kasunod niya ay ang doctor na nag check up sa'akin kahapon.

"Okay kana ba?" Nanatili akong nakatingin sa'kanila. Gusto kong magtanong pero natatakot ako. "May mga ibibigay akong panibagong gamot kaya hindi mo na dapat inumin ang gamot na ibinigay ko sayo kahapon."

"Bakit po?" Unang salitang lumabas sa bibig ko. Nag crack ang boses ko.

"Kasi.."

"Yung baby ko? Okay lang naman siya diba?" Nagtinginan ang lahat ng doon, ako naman ay hindi alam kung sino ang titingnan. "Anong meron?" Naiiyak na tanong ko. Bumuntong hininga ang doctor at lumapit sa'akin, maging si Colton ay lumapit sa gilid ko.

"Y-our baby is gone. W-ala na siya bago ka pa madala sa hospital. I'm really sorry." Tugon neto. Nagpatuloy ang pagdaloy ng mga luha ko, ang pag alo saakin ng lahat ng nandoon ay hindi naging tulong para gumaan ang pakiramdam ko...

"B-akit ganon? Ginawa ko naman lahat ng sinabi niyo. Lahat ng binilin niyo ay ginawa ko, bakit nawala parin siya? Bakit doc?" Humahagulgol na tanong ko. Napailing ito sa'akin bago nagpasyang lumabas muna ng kwarto habang ako ay patuloy na nagdadalamhati sa pagkawala ng inosente kong anak.

"Jenessa..." Janeth. Umiling ako habang hinahayaan ang mga luha ko na bumagsak.

"G-usto... Gusto kong mapag-isa. Please."

"Pero.." Hans. Umiling akong muli.

"Hayaan niyo na muna ako." Nahiga ako sa kama ng patalikod sa'kanila.

"Lalabas na muna kami, babalik kami mamayang gabi. Hahayaan ka na muna namin mapag-isa pero wag mo sana kakalimutan na andito din kami." Tricia. Hindi ako kumibo, narinig ko na lang na bumukas at nag sara na ang pintuan.

This is all my fault. Kung hindi ako nagpadala kanina sa damdamin ko, kung hindi ako masyadong nagpadala sa lungkot ko nung iniwan ako ni Vlad... Edi sana... Sana buhay pa ang baby ko. Sana nasa loob ko parin siya ng tiyan at ilang buwan na lang ay makakasama ko na siya...

Napahawak ako sa tiyan ko kasunod ng mga luha ko. Ang mga luha ay napalitan ng hagulgol na tila ba walang makakapigil sa'akin.

"Naging pabaya ako. I'm sorry... Im sorry anak. I'm really really sorry" Umiiyak na turan ko.

Nakatulog ako habang umiiyak, nagising na lang ako ng maramdaman kong may humahaplos sa ulo ko kaya nag dilat ako mga mata.

"Vienne" Turan neto. Nang mag tangka akong umupo ay inalalayan ako neto. Walang gana ang ibinato ko sakanyang tingin.

The MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon