JENESSA'POV
"Ano talagang namamagitan sainyo hah?" Tanong ni Tricia.
"Something special." Namumulang turan ko. Nilingon namin si Colton na nakaupo sa mahabang sofa, nakangiti itong nakatutok sa laptop niya. Habang kami ay nakaupo sa isa pang sofa na kasya kaming dalawang magkaybigan.
"And something hot?" Tanong niya habang nakangisi. Umiling ako sa'kanya bago bumulong.
"S-i Vlad... Pumunta ba sa company?" Mahinang tanong ko.
Biglang napatingin kami kay Colton ng bigla siyang tumayo, seryosong tumingin ito sa'amin.
"Tricia, can we talk?" Tumingin ako kay Tricia, tumango ito. "In private." Napa oh naman ako, tiningnan ko si Colton na parang nagtatanong. "Uutusan ko lang siya about company." Tumango ako. Kinuha ko ang isang paper bag na may lamang inuutos ko kay Tricia.
"Sa pool area lang ako. Iintayin ko kayo doon." Salita ko. Tumango si Tricia habang si Colton ay seryosong nakatingin lang sa'akin.
Tumayo ako at naglakad palayo sakanila. Tulad ng sinabi ko, pumunta ako sa pool area nagawa ko pang lingunin sila Tricia na seryosong nag uusap. Bumuntong hininga ako bago naghubad ng sando at boxer. After that ay lumusong ako sa tubig.
Inintay kong maging komportable ang katawan ko sa lamig, nang maging okay ako dito ay mabilis akong sumisid sa ilalim.
Nang medyo nakalayo na ako sa pinagsisiran ko ay nakarinig ako ng may tumalon sa pool kaya agad kong inahon ang ulo ko para makita kung sino iyon.
Nakita ko si Tricia na nasa taas, kaya nilapitan ko ito.
"Tara dito." Aya ko. Ngumisi ito at umiling.
"Hindi na. May trabaho pa ko. Una na ako ah? Usap na lang tayo pag may time ka." Nag wave ito sa'akin bago ako iniwan doon.
"AH!" Tili ko ng may biglang humawak sa paa ko. Papaluin ko na sana ito ng bigla itong umahon. "Colton!" Sigaw ko sa'kanya.
Tumawa ito. "Are you scared? It's just me." Salita niya.
"Ginulat mo ko!" Sigaw ko. Tumawa ito.
"Let's race. Pag nauna ako sa kabilang dulo, you will kiss me... If you won, dare me anything you want." Salita niya. "If you're worried... Mauna ka, after 5seconds tyaka ako naman." Tila nagliwanag ang mukha ko. Malaking advancetage sa'akin yun. Kaya mabilis na tumango ako dahil nakaisip ako ng magandang dare.
"Go" Salita ni Colton ng makitang nakaayos na ko ng tayo at handang lumangoy, kaya naman mabilis kong ipinaspas ang mga paa ay kamay ko. After ilang second ay naramdaman ko ang gilid ko na tila may dumaan kaya mas lalo ko pang binilisan.
Nakangising nag angat ako ng tingin ng marating ko ang kabilang dulo pero agad nawala ang mga ngising iyon ng makita kong nakaupo na si Colton sa itaas ng pool, at ang mga ngiti nito ay hindi na maipinta pa.
"One more round! Maduga ka! After 10 second dapat." Salita ko. Natawa ito bago bumaba ulit sa pool.
"Okay. After 10 seconds, ako naman. In one, two, three." Agad na simisid ako, this time ay mas bilisan ko pa.
Hanggang sa maiangat ko na ang ulo ko. Dahil hindi ko naramdaman ng presensya ni Colton sa ilalim ng tubig akala ko ay panalo na ako pero...
"I won." Nakangisi ito. Agad na napaatras ako, agad akong sumisid para makarating sa kabilang dulo pero habang sinusubukan kong lumayo sa'kanya ay may biglang humawak sa kamay ko kaya napatigil ako sa paglangoy, tumayo ako at napagtanto kong halos nasa gitna na ako ng pool.
BINABASA MO ANG
The Mistress
Fiksi UmumBabaeng gagawin ang lahat mapunta lang sa'kanya ang lalaking pinapangarap niya. kahit ang kapalit neto ay maging dakilang kabet