CHAPTER SEVENTEEN : MISTRESS AND WIFE

4.6K 83 9
                                    

JENESSA'POV

"Goodnight." Nakangiting turan ni Colton. Ngumiting tumango naman ako sa'kanya.

Hinatid niya ako sa condominium, hindi ko na siya pinapaba ng sasakyan niya para makaderetso na siya ng uwi at makapagpahinga.

Tulad ng napag-usapan namin sa laguna ay nag date nga kaming dalawa, dalawang linggo na ang nakakalipas.

Yes, it's been 2weeks simula nang umuwi kami galing laguna. Sa dalawang linggo na iyon ay ito ang pangatlong beses naming paglabas after work.

Nagkikita din kami ni Vlad tulad ng dati pero minsan ay pag lumalabas kami ni Colton ay hindi na ako nakikipagkita pa sa'kanya.

Wala na ulit nangyare sa'amin ni Vlad simula nung nakunan ako, siguro ay naging sensitib o natakot din ito dahil sa nangyare.

Pumasok na ako sa elevator, nang magsasara na ang pinto neto ay may isang humabol.

Pigil ang hininga ko ng makitang si Vlad ito. Nakakunot ang noo netong matalim ang tingin sa'akin.

Sumakay ito at pinindot ang 7th floor. Hindi naman nawala ang pagkakakunot ng noo niya.

"So totoo nga ang balitang nag de-date kayo ni Colton? Kaya ba hindi ka nakipagkita sa'akin ngayon?" Halata sa boses neto ang pagkainis, hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng kaunting ines dahil pakiramdam ko ay nagsisimula na siyang maging unfair.

"Nakiusap sila daddy na subukan ko to, gusto ko silang pagbigyan pambawi ko narin dahil sinusuway ko ang gusto nila." Turan ko.

Nang makarating kami sa floor namin ay dumeretso kami sa unit niya. Naririnig ko naman ang pagbuntong hininga niya.

"Alin? Ang pagpapatuloy ng kung anong meron tayo? Ganun ba nila kagustong maghiwalay tayo?" Mapait na tanong niya. Napatango naman ako. "Okay fine. Pero sana wag kayong lumagpas sa date."

Napangisi ako at napaupo sa tabi niya. Niyakap ko pa ito na siyang ginantihan naman din ako agad ng yakap.

"Nagseselos kaba?" Turan ko.

"Hm. Hindi lang ako sanay na nakukuha ng iba ang atensyon mo. Sabihin mo sakin, may nangyare bang kakaiba sainyo ni Colton nung nasa laguna kayo?" Tanong niya. Kumalabog naman ang puso ko sa sobrang kaba. "Veinne?" Tawag niya sa'akin.

"W-ala no. Kung ano lang yung kinwento ko sayo, yun lang talaga yung nangyare." Kinwento ko kasi sa'kanya ang halos lahat ng nangyare maliban na lang doon sa mga parteng naghahalikan kami ni Colton.

"Good." Hinawakan neto ang baba ko at binigyan ako ng nag-aalab na halik na siyang agad ko namang ginantihan din ng halik.

Ang mga halik na yun ay nag patuloy sa pagbaba sa leeg hanggang sa dibdib ko.

Hanggang sa hindi ko namalayan na nakahubad na pala ako at pinapaligaya niya.

Pero tulad nga ng sinabi ko, wala na ulit nangyare sa'amin dalawa. Hanggang sa paghalik na lang kami sa isa't isa. Hindi ko alam ang rason ni Vlad pero ang nakikitang rason ko lang ay si Colton.

"Bukas, mag halfday lang tayo pwede? Wala na kasi tayong stock dito." Turan niya. Napangiti naman ako at napatango bago siya niyakap. Ngayon lang kasi namin ulit iyon gagawin simula nung huling nakunan ako.

Nagkwentuhan pa kami saglit ni Vlad bago niya ako hinatid sa labas ng unit ko. Nakangiting isinarado ko ang pintuan.

Dumeretso ako sa sofa at agad nakita ang text ni Colton.

From Colton

Nahulog wallet mo sa sasakyan, ibabalik ko na sana but i saw Vlad. See you tomorrow.

The MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon