CHAPTER TWENTYTWO : POSSESSIVE

4.7K 112 9
                                    

JENESSA'POV

Buong araw akong nagkulong sa unit ko. Hindi ako umiyak punong puno ng kalungkutan ang puso ko, pero hindi magawang bumagsak ng mga luha ko.

Alam kong tama ang naging desisyon kong itigil ang kung ano kami pero hindi ko alam kung paanong magsisimula.

Hindi kami naging magkasama sa lahat ng oras na gusto ko pero ang presensya niya ay talagang nakasanayan ko.

Yung higpit ng yakap niya kanina ay ramdam ko ang pagiging sinsero niya. Alam kong kapwa kami nagsisisi na ipinagpatuloy namin ang relasyon namin pero alam din naming dalawa na nadala lang kami ng bugso ng damdamin.

Napabuntong hininga ako bago idinukdok ang mukha ko sa tuhod kong yakap yakap ko.

Napatingin ako sa bag ko ng marinig kong tumunog ang cellphone ko mula doon. Kinuha ko ito at kinuha sa loob ang cellphone ko.

Colton Calling...

Tinitigan ko ang tawag niyang iyon hanggang sa mamatay na ito pero muling tumunog ito kaya napagdesisyonan ko ng sagutin ito.

"Tapos na kayong mag-usap?" Tanong niya.

"Oo. Kanina pang 11, saglit lang kaming nag-usap."

"Kumain kana?" Tanong niya. Umiling ako.

"H-indi pa. Nasa kwarto ako sa unit, wala akong gana lumabas ng kwarto." Mahinang turan ko bakas ang kalungkutan ko.

"What? it's already 5pm." Malakas na bumuntong hininga ito. "Mag a-out na ko. Intayin mo ko diyan." Salita niya. Magsasalita pa sana ako pero agad na napatay niya ang tawag, inilapag ko ang cellphone ko sa gilid ng kama bago nagpasyang mahiga para matulog na lang.

Nagising ako ng may tumatapik sa balikat ko. Nagmulat ako ng mata at nakita ko si Colton na may nag aalalang tingin.

"Kumain kana. Nakahanda na yung pagkain mo sa kusina" Turan niya. Tumango ako, umupo ako mula sa pagkakahiga ko bago tumayo inalalayan naman ako ni Colton.

HABANG kumakain ako ay nakatingin lang sa'akin si Colton. Ilang na ilang ako dahil pakiramdam ko ay may hinahanap siyang hindi ko alam.

"Kumain kana din. Hindi kapa kumakain." Salita ko. Tumango ito bago tumayo sa pagkakaupo, kumuha ito ng pinggan at kubyertos bago umupo ulit sa harapan ko't nag umpisang kumain.

Matapos kaming kumain ay nanatili akong nakaupo habang si Colton ay hinugasan ang pinagkainan namin.

"Nakipaghiwalay na ko kay Vlad." Turan ko habang nakatingin sa likod ni Colton. Tumingin ito sa'akin kaya mabilis na nagsalubong ang mga mata namin.

"Anong napag-usapan niyo?" Tanong niya. Nag-iwas ako ng tingin nang maalalang puro papuri ang sinabi ko kay Vlad tungkol sa'kanya.

"Pinag-usapan niyo ko?" Tanong niyang muli. Tumango ako. "Really? Anong sinabi niyo?" Salita niya. Tumayo ako kaya nagulat siya.

"M-atutulog na ko." Naglakad ako palayo sa'kanya pero agad na nilingon ko siyang muli. "Dito kana matulog. Intayin kita sa kwarto." Derederetso kong sabi bago nagmamadaling iniwan siya doon.

Nasapo ko ang noo ko ng tuluyan akong makapasok sa kwarto ko. Nanginginig din ang mga kamay ko dahil sa presensya ni Colton. Alam kong walang masama sa ginagawa namin pero after namin mag-usap ni Vlad ay nagkaroon na ko ng hiya... Gosh, meron pa pala akong hiya?

Nahiga ako sa kama habang iniintay si Colton. Makalipas lang ang ilang minuto ay sumunod na ito, nakasando na lang ito while still wearing his pants. Nakatingin kami sa isa't isa, feeling ko ay matutunaw ako kaya agad na nag-iwas ako ng tingin.

The MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon