CHAPTER NINE : HARD TO IGNORE

4.9K 84 4
                                    

JENESSA'POV

"Ako? Magseselos?" Tanong niya. Tumango ako. "Anong gagawin mo kung nagseselos nga ako?" napasinghap ako. "ang alam ko kasi ay akin ka, akin ang atensyon mo. Akin lang dapat. Wag mo akong sanayin sa isang bagay na hindi mo naman mapapanindigan." Galit na galit na salita neto sa'akin.

Napatalikod ito sa'akin habang inihihilamos ang kamay niya sa mukha niya. Muli itong humarap sa'akin. At tinuro pa ang pintuan.

"Pag sinabi ba niyang mag hubad ka sa harapan niya ay gagawin mo?" Tanong neto na ikinagulat ko. Isinuot ko ang pants ko bago lumapit sa'kanya.

"Ano kamo?" Tanong ko.

"Tutal ay ginagawa mo naman ang mga sinasabi niya sayo.. siguro pag sinabi niyang mag hubad ka sa harapan niya ay mag huhubad ka." Salita neto na siyang dahilan para masampal ko siya. Napahawak ito sa pisnge niyang nasampal ko.

"Ganyan ba ang tingin mo sa'akin?" Nakatingin lang ito sa'akin. "Oo Vlad! Mabilis akong bumibigay sayo! Halikan mo lang ako ay gaganti na ako kahit na yung halik mo ay ramdam ko ang kapangahasan mo! Kahit galit ka at pinanggigigilan mo ko ay ayos lang kasi mahal kita! Mahal na mahal kita to the point na nagpapaka baliw ako dito kahit na alam kong may asawa kana!" Sigaw ko hindi ko na napigilan ang luha ko at ang sakit na nararamdaman ko.

"Ikaw ang may gusto nito." Salita niya. Tumawa ako kasabay ng pag tango-tango ko.

"Yun na nga eh. Ginusto ko to kasi mahal kita. Kahit na itinatanggi mo ako kahit kay Colton na siyang pinaka malapit sayo. Sobrang sakit sa'akin nun, sobrang sakit kasi kahit katiting ay hindi mo ko magawang ipagmalaki! Hindi mo ako magawang ipagyabang! Ginusto ko to eh! Kaya lahat ng hirap at sakit kakayanin ko kasi mahal na mahal kita."

Hindi ito kumibo pero nakatingin lang ito sa'akin at nanatiling nakatayo. Tumungo ako bago pinunasan ang mga luha ko.

"Uuwi na ako. Umuwi kana din baka hinahanap kana ni Venus." Salita ko. Maglalakad na sana ako palabas ng kwarto niya pero agad netong nahawakan ang braso ko.

"Basta iwasan mo si Finley. Kung ayaw mong itigil ko tong namamagitan sa'akin." Napatingin ako dito. Nakatingin din siya sa'akin. "Seryoso ako." Muling salita niya bago niya tuluyang binitawan ang pagkakahawak sa'akin.

Tumango ako sa'kanya bago nagdere-deretso sa sala niya, kinuha ko ang bag ko bago nagpasyang umalis sa unit niya.

Pagdating ko sa unit ko ay wala akong nagawa kundi umiyak ng umiyak. Sobrang sakit. Hindi ko akalain na ganoon pala ang tingin niya sa'akin. Oo alam kong hindi niya pinoint-out ang ibig niyang sabihin pero martyr lang ako at hindi bobo para hindi malaman ang ibig niyang sabihin.

Pabagsak akong nahiga sa kama habang patuloy ang pag iyak. Sobra akong naiines kay Vlad pero hindi ko ata kayang magalit sa'kanya, hindi ko talaga kaya.

KINABUKASAN ay mugto ang mga mata kong pumasok. Kinamusta ako ni Tricia lalo na ng makasalubong ko ito. Gusto ko sanang magkwento sa'kanya kaso ay natatakot ako na baka pagalitan na naman niya ako at sabihang itigil na ang kahibangan ko, hindi ko kayang itigil kasi hindi ko kayang mawala si Vlad.

Pagdating ko sa office ko ay inasikaso ko na agad lahat ng meetings ni Colton at papers na pipirmahan habang ang iba naman ay rereview-hin niya. Hindi din mawala sa isip ko ang sinabi sa'akin ni Vlad na iwasan ko si Colton. Paano kong iiwasan ang taong amo ko at higit sa lahat ay kaybigan ko na?

"Sir may appointment po kayo mamayang 11am sa brances sa pasay pagkatapos po ay babalik po kayo dito ng 2pm. May meeting naman po kayo sa Wright Publisher ng 3pm, ayun na po ang huling meeting niyo for this day"

"Sumama ka mamaya." Colton.

"Sir, pwede po bang hindi na muna ako sumama?" Tanong ko. Bumuntong hininga naman itong sumandal sa upuan niya pagkatapos ay humawak pa ito sa sentido niya.

The MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon