CHAPTER THIRTEEN: LOVE

4.5K 77 5
                                    

JENESSA'POV

"Next week magkakaroon ako ng meeting around laguna. Naalala ko lang na taga doon ang parents mo kaya isasama kita para makauwi ka muna." Turan ni Colton. Kakabalik lang namin galing sa meeting niya sa rooftop.

"Diba po one week yun?" Tanong ko.

"Actually it's just 3days, one day meeting then one day celebration with investors and one day para tingnan yung lugar kung saan itatayo ang factory nila Eng.Kim" Salita neto. Tumango ako. "Sabihan mo na din sila tita para mapag-handaan nila." Turan pa neto.

"Hindi ba dapat trabaho lang muna ang gawin natin doon?" Kumunot ang noo niya.

"Yes Jenessa. Trabaho ang uunahin ko doon, mauuna kang pumunta sa bahay niyo susunod lang ako after 3days."

"Pero..."

"Alam kong iniiwasan mo ko at hindi ko alam kung bakit pero sana maisip mo na ito ang gusto ng parents mo. And i want you to relax, kung gusto mong isama si Tricia go ahead. Kung saan ka magiging masaya. But please wag mo naman akong itulak palayo." Salita neto. Napailing ako.

"Ayoko lang kunsintihin ang gusto ng parents ko. Alam ko din na marami na akong utang na loob sayo...."

"Wala kang utang na loob sa'akin, Jenessa. Look, hindi kita pinipigilan na makipag relasyon kay Vlad kahit na alam kong dapat kong gawin yun pero nanahimik ako kaya sana wag mo akong pigilan sa gusto kong gawin, hanggang hindi iniiwan ni Vlad si Venus wala akong dahilang nakikita para layuan ka. Sige, lalayuan kita pag iniwan niya si Venus pero hanggang hindi niya ginagawa iyon. I'm sorry gagawa at gagawa ako ng paraan para dumating yung araw na masabi mong mahal mo na din ako."

"Ibig mong sabihin..."

"Because of you naka move-on ako kay Venus. Because of you i learned how to start again without my past. Simula noon pinanood kita kahit sa malayo, habang patay na patay ka kay Vlad, ako naman sayo. Hindi mo alam kung gaanong kasakit na siya lang ang palaging nakikita mo kahit nasa harapan mo ako. Lahat ng pangyayare sa buhay mo simula ng makilala kita, nandoon ako hindi mo lang ako nakikita dahil parating si Vlad ang nasa paningin mo. Hindi mo alam kung gaano akong kasaya ng makita ko yung pangalan mo sa mga list ng nag aapply, pero sobrang sakit ng mapagtanto kong galit na galit ka sa'akin sa hindi ko malamang dahilan. It's been 6years but im still fucking inlove to the girl who's willing to become mistress to my bestfriend. Pero andito parin ako kinukunsinti ka sa bagay na alam kong mali because at the same time i know na diyan ka masaya at hindi sa'akin"

"H-indi ko sinabing mahalin mo ako. Hindi ko sinabing ialay mo ang buong buhay mo sa'akin kaya wag mong isumbat ang mga ginawa o ginagawa mo dahil miske ako nahihirapan at nasasakta." Umiiyak na turan ko.

"Hindi ko sinusumbat sayo ang mga bagay na yun, Jenessa. I just wanna inform you that i am still here who really loves you."

Tinitigan ako neto ng ilang segundo bago lumabas ng office niya. Napaupo ako sa mahabang sofa at hindi na pinigilan pa ang luha ko.

Iniintay ko si Colton na bumalik sa office niya para humingi sorry pero hindi na ito bumalik pa. Inintay ko siya dahil nagbabakasali akong makakausap ko pa siya pero nagawa na akong sunduin ni Tricia sa office niya ay hindi parin siya bumabalik.

"Nagkasagutan ba kayo ni Sir Finley?" Biglang salita ni Tricia. Nakasakay siya ngayon sa front seat, napag usapan din kasi namin na mag sleep over siya sa bahay ngayong gabi.

"B-akit?" Tanong ko.

"Pinag chichismisan kayo nung dalawang empleyado. Narinig daw kayong nagtatalo pero hindi maintindihan yung pinaguusapan niyo." Turan neto.

The MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon