JENESSA'POV
"This is my first time na pumunta sa ganitong klaseng lugar. Isang oras pa lang tayong nandito pero pakiramdam ko ang tagal ko na." Turan neto. Natawa naman ako
Kumakain na kami ngayon ng lunch. Tirik na tirik na ang araw pero ayaw sana namin paawat kung hindi lang kami inawat ni mommy. Sayang daw kasi ang balat namin.
"Sa kabilang ibayo may malilim na parte." Biglang turan ko.
Napatitig lamang sa'akin si Colton na tila nag-iintay ng susunod kong sasabihin.
"Pwede tayong umakyat sa pataas na yun, kaso magubat sa paakyat mahirap kasi kung babalik tayo sa dinaanan natin kanina. Maganda din doon pero mas maganda nga lang dito." Nakangiting turan ko.
"Can we go there?" Tanong neto. Tumayo pa ito at tumingin sa kaninang tinurong daanan. "Madali lang naman daanan yun diba?" Tanong muli neto.
"Medyo makati sa katawan kaya dapat mag pants ka." Turan ko.
"No, it's okay. Let's go?" Inilahad neto ang kamay niya, nilingon ko pa sila daddy na ang lapad ng ngiti. Tinanggap ko ang kamay neto, inalalayan naman ako netong tumayo.
Agad kaming sumulong sa ilog, dahil medyo malakas ang agos sa bandang gitna papunta sa kabilang gilid ng ilog ay mahigpit ang hawak ni Colton sa kamay ko.
"Lead the way." Turan niya sa'akin. Naguna na akong maglakad paakyat sa taas. Medyo madami ang daan pero hindi naging dahilan iyon para makalimutan ko ang daanan.
"Wow." Turan ni Colton ng marating namin ang taas. Bumungad sa'amin ang mga poon na gawa sa bato. Tumingin ito sa'akin.
"Simula bata andito na yan kaya im not sure kung ilang taon na yan dito." Turan ko.
"Im not that religious person but this is really amazing. Maybe this place is kidda especial." Turan din neto. Tumango ako.
"May isang parte ng ilog dito pero maliit lang yung pwedeng paliguan"
"Puntahan natin isa isa." Salita niya na may kinang sa mga mata, natawa naman akong napatango.
Nagsimula na akong maglakad habang si Colton ay ramdam ko ang pagsunod sa'akin hanggang sa marating na namin ang gusto naming puntahan. Agad na sumulong sa tubig si Colton kaya naman nakangiting lumusong na din ako.
Ilang minuto lang ang itinagal namin sa lugar na yun dahil nag aya agad si Colton sa ibang parte kaya naman mabilis ko siyang pinagbigyan.
"Mas malaki to doon sa nauna. Katulad siya nung nasa baba pero mas malawak yung doon pero mas malalim yung nandito." Paliwanag ko.
"Gaano lalalim?" Tanong neto.
"I'm not sure, siguro nasa 7ft." Tumango ito.
Biglang may itinuro itong malaking bato. "Let's jump their." Turan neto. Napaatras pa ako pero agad nahawakan ni Colton ang kamay ko. "Are you scared? Don't worry, hindi kita bibitawan." Makahulugang turan neto. Natawa ako.
"Humuhugot ka pa. Tara na. Lagot ka sakin pag binitawan mo kamay ko."
Lumusong kami sa tubig at naglakad papunta sa malaking bato na nasa kabilang gilid, nang nasa malalim na kami ay nagulat pa ako ng hawakan niya ang bewang ko. Napatingin ako sakanya ngunit masyado siyang busy ka pag alalay sa'akin sa paglalakad.
Nang tuluyan naming marating ang malaking bato ay inalalayan niya akong makaakyat sa bato, nang makaakyat ako ay siya naman ang umakyat.
"Ready?" Tanong niya, hinawakan niya pa ang kamay ko ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
The Mistress
General FictionBabaeng gagawin ang lahat mapunta lang sa'kanya ang lalaking pinapangarap niya. kahit ang kapalit neto ay maging dakilang kabet